Ngumisi lang si Vice na waring nang-aasar pa ito...

Karylle: Ginagalit mo ba ako Mr. Viceral?

Nakapamewang kung sabi. Wag kayong magtaka kung bakit mataray na ako ngayon, pagdating talaga kay Vice naging matapang ako.

Vice: Babe trabaho lang yon, ikaw naman selos ka kaagad...

Naglalambing na niyakap niya ako mula likuran. Kumalma naman automatiko lahat ng nerves ko at naglalambing na rin kay Vice.

Karylle: So di mo talaga siya type?

Naka-pout kung sabi. Nasa likod ko siyang nakayakap sakin kaya nakatingala rin ako. Abot na abot ko ang mga labi niyang animoy nagtatawag sakin :)

Vice: Ikaw lang ang type ko babe. Nag-iisa ka sa puso ko ^____^

Dahan dahan niyang ibinaba ang ulo niya at maya maya pa ay nilukob na nito ang mga labi ko. Agad naman akong humarap kay Vice para maka-pwesto. Hinawakan ko siya sa leeg niya habang nasa may butt ko naman ang malikot na kamay ni Vice. Sumisimple ka Vice ah? Napaungol ako ng maramdaman kung dahan dahan niya akong binuhat. While doing a torrid kiss! Mas napahigpit tuloy ang kapit ko sa leeg niya. Maya maya pa ay ibinaba niya ulit ako, tumigil na rin siya sa paghalik sakin pero humirit pa talaga ng isang smack.

Vice: Kailangan ko pang bumalik sa trabaho babe..

Karylle: Hmmm.

tumango lang ako habang pinahiran ang labi ni Vice ng naiwan kung lipstick.

Vice: Hintayin mo nalang ako dito at wag ka ng lumabas. Okay?

Karylle: Bakit? Natakot ka bang may gagawin pa ko?

Vice: Medyo :) Basta hintayin mo lang ako dito.

Karylle: Okay

at dahil sa malaking anouncement ni Karylle kanina sa Showtime naging kaliwa't kanan ang balita at interviews patungkol sa relasyon nila ni Vice. Pinag-usapan maging sa social networking sites at samut saring reaksiyon ang nasabi.

'I can't believe na pwede pa lang mangyari sa totoong buhay ang gay-girl relationship. My god! Subrang kinilig ako sa pag amin ni Karylle sa relationship niya ni Vice!'

'Duh! Asa pa kayong totoo ang sinabi ni Karylle, pakulo lang yan para tumaas ang ratings!'

'Even before ViceRylle addict na talaga ako, di ko lang inakala mapu-push pala in real life :D'

'Waaaa super kilig ako sa inyo Karylle and Vice sana kasalan na sunod niyong maging announcement!'

'What happened to Kaye, subra na ba siyang desperate to have a boyfriend at kay Vice pumatol?'

Me? Desperate? Ke bakla boyfriend ko desperada agad? Haaay! Tao talaga kung makapang husga ng kapwa akala mo kung sinong ring santa, ni hindi niya ako kilala.

Vice: What are you doing babe?

Nasa bahay kami ni Vice ngayon, after the show kasi nagkagulo lahat ng media. Kaya imbis na may gig si Vice ngayon, minabuti na muna naming umiwas sa mga paparazi.

Karylle: Nothing important..

Vice: If I were you, wag ka munang mag internet kasi for sure pinagpi-pyestaan na tayo ng mga makakati ang dila.

Karylle: Yeah your right basta ang importante malaya na tayong gawin lahat ng gusto nating gawin :)

Vice: So shall we eat now? Dinner is serve.

Karylle: Dinner? Oh shucks! I forgot ininvite pala ako ni Christian mag dinner! Oh My God! Wait lang babe, gotta call him first!

Vice: Dinner date pa la huh?

Medyo selos nitong sabi pero di ko na siya pinatulan. Kinuha ko nalang phone ko at dali daling dinial ang number ni Christian. Nakakahiya naman kay Christian to! Ba't ko pa kasi nakalimutan!

I dialed his number.

Walang sumasagot.

Redial.

Christian: Loow..

Karylle: Christian? I am really really sorry di ko k---

Christian: Noo... It'sss faayn..hik.. I aaam faaayn...

Karylle: Are you alright? You seem drunk?

Christian: hmm..Owwlraaayt??hik...yiz I'm owwlraayt...ferfectly owwlraayt..

Karylle: Okay. I'll just call you tomorrow pag di ka na lasing. I am sorry again and please wag kang masyadong uminom..

Christian: hmmm

Karylle: Okay lasing ka na talaga. Matulog ka na... Bye...

at binaba ko na ang phone ko. Pagtingin ko nasa likuran ko lang pala si Vice. Eavesdropping? Ang seryoso ng mukha nito.

Karylle: Halika na Vice kain na tayo...

Vice: Aren't you going to explain about YOUR DINNER DATE with ... [sigh] that guy?

Karylle: Vice it's not a date. It's a family dinner.

Vice: Ayuuun naman pala. FAMILY FAMILY DINNER. Di mo naman ako ininform FAMILY mo na pala ang lalaking iyon.

Karylle: Let me remind you Mr. Viceral. Christian is a friend. His family is a family friend too kaya WALANG BASIHAN ang pagseselos mo :)

Vice: Ikaw kasi eh, try mo rin kaya akong iupdate sa mga gagawin mo. Kung di pa kita nabuko, di ko pa malalaman na may dinner pala kayo.

Karylle: Okay fine sorry. Nakalimutan ko nga di ba? So are we done now? Nagugutom na kasi ako.

Vice: Yes Master.

at inakbayan na niya ako palabas ng kuwarto. Ay oo nga pala, nasa kuwarto kami ni Vice nag-uusap. Feel at home na kasi ako sa bahay nila and that includes Vice's room pero hep! Hep! Wala pang naganap samin kaya wag kayong masyadong atat :)

♥Marry Me♥ [ViceRylle]Where stories live. Discover now