"Ganoon lang po kadali? Wow! Gusto ko po magtame ng sakin!" Alora exclaimed excitedly. Napailing naman si Yda.

"Oh no darling, a wild hextosaurus doesn't want to be tamed. They are violent and they will go nuts once a human touches them. Magwawala sila, isa pa, their tail is the deadliest part of their body, it can easily wreck a tree if it strikes. Isipin mo na lang kapag ang tinamaan ng buntot nila ay tao. That's why a lot of people, even Sovereigns, died trying to tame their own hextosaurex. It's never easy to grip their tail."

Napaawang na lang ang labi ni Alora.

"Come on, we have to keep going."

Binuhat siya ni Yda at sinakay sa likod ng hextosaurex. Sumunod naman ito na pumwesto sa kanyang likod. Yda just tapped the body of Gallera and it instantly lifted its wings, one flap and they're already above the ground, few more flaps and they went higher and higher.

"Oh my, god! We're flying!" Alora squealed in excitement.

Nakikita niya ang unti-unti nilang pagtaas, hanggang sa ang pinanggalingan nilang burol ay sakop na ng kanyang mga mata. Sa kalayuan ay namataan niya rin ang palasyo.

Tuwang-tuwa pa sana siya, when suddenly, Gallera started soaring at full speed! Napatili si Alora, pakiramdam niya ay nahihila palabas ang kaluluwa niya sa bilis ng paglipad ni Gallera. She had never even been to an airplane, and now she's on a flying creature soaring as fast as a jet plane! Thankfully, that speed only lasted for a minute.

"T-That was too fast!"

"You'll get used to it." Yda assured.

Napalingon naman si Alora sa tiya.

"Tiya Yda, if hextosaurex are so hard to tame, how come you were able to tame yours?" She can't help but question.

Hindi naman sa mababa ang tingin niya sa kanyang tiya, pero base sa pagkamatay ng ibang makakapangyarihang tao para magkaroon ng hextosaurex, paanong ang kanyang tiya na ang kapangyarihan lang naman ay 'kayang malaman ang lasa ng pagkain kahit hindi ito tinitikman' ay nakapag-tame ng sarili nitong hextosaurex?

"It was just all luck." Mababa ang tonong sagot nito.

Ipinagkibit-balikat na lamang iyon ni Alora. Her tita must be so brave to do such life-taking act.

Makalipas ang ilang oras nilang pagbyabyahe sa ere ay napansin ni Alora na puro tubig na ang nasa kanilang baba. Nasa gitna sila ng karagatan. Ngunit hindi kalayuan sa kanila ay may mataas na bangin, sa tuktok no'n ay may kaisa-isang bahay. Doon unti-unting lumapag si Gallera.

"We're here," Yda announced. Nauna itong lumundag para buhatin pababa ang pamangkin.

Alora's eyes are scanning the whole area. They're at the edge of a mountain, the whole place is covered with green grass, no trees, just plain grass, but something peculiar caught her attention. Since they're at the edge of the mountain, she can see the very end of the land... which is a cliff.

Tinakbo niya ang parteng iyon at nanlaki ang mga mata. Napakataas pala no'n. The sea looks terrifying, it's so vast and so blue.

Naiintindihan niya na ang tiya. Kaya pala sinabi nitong malapit sa karagatan ang kanyang bahay pero mahirap abutin ang dagat. Literal nga talagang mahirap abutin.

"Alora! Halika na rito!" Tawag sa kanya ni Yda kaya muli siyang nanakbo pabalik.

Nakatayo ang tiya sa harapan ng isang bahay na gawa sa bato. May kalakihan iyon at tila matagal nang nakatayo roon.

'Til Our Next EclipseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon