Mr. Ghoster

3 1 0
                                    

Habang nagiiscroll-iscroll ako nakita kong nagdradrama ang bestfriend ko na si leyn, anyare dito?

Leyn Santos: Umay hindi kami umabot ng pasko

Leyn Santos: Sabi niya papakasalan daw niya ako (with sad emoji)

Leyn Santos: Sinayang lang ako.

Leyn Santos: Alex De Leon, bakit hindi ka nag rereply?

Minention pa niya, kaya inistalk ko, walang masyadong mga pic, pero may nakita ako, pogi pala pisting ghoster to.

kaya nag comment ako kay leyn.

Mila abigail Delacruz: Ginosh ka ata mare.

*Leyn Santos reach 'sad' to your comments*

Hindi ko na siya pinansin kasi bukas meron na yang iba, Free Trial Card nga tawag namin dyan.

Matutulog na sana ako ng may nag chat sakin.

Alex De Leon: Hi shoti.

Tangi

Parang gusto kung mag mura, lakas naman ng loob nito.

Ako: Ang lakas naman ng loob mo, tang*na ka.

Hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko.

Alex: Relax shoti

Ako: Gusto mo rin ba akong eh ghosh?!

Alex: Hindi, gusto kita maging ka trial card

Ako: Ginag*ga?

Alex: 5 years na trial card gusto ko

Napatingin ako sa salamin, bakit ako ngumiti, Masama to!.

Alex: Bakit hindi kana nagrereply shoti?

Ako: tantanan mo ako.

Alex: A.Y.O.K.O

Agad ko siyang blinock

One message from Leyn Santos.

Leyn: may bago nako!

Ako: whut??, sino?

Sinasabi ko na ba eh, wala pang 1 week magdradrama nanaman yan.

Leyn: Actually friend siya ni Alex (with heart emoji)

Gag*

Ako: Congrats.

Kumain na ako at gusto kong bumili ng ice cream kaya pumunta ako sa mini mart malapit samin.

Nilakad ko lang hangang sa makarating ako, nag-iisa nalang ang favorite ko, kukunin ko na sana ang ice cream ng may nauna sakin.

Agad ko siyang tinignan ng masama, agad naman siyang tumalikod "Hoy pisti akin yan!" sigaw ko at nag tumalon talon.

Tumingin siya sakin at hinarap ako, ang liit ko naman.

Nasa noo ko ang lips niya, malapit na niya mahalika—

nagulat ako nang inilapit niya ang labi niya sa noo ko.

"Unblock mo na ako." Matigas na sabi niya at kinuha ang kamay ko para ilagay doon ag ice cream at lumakad na.

Hindi parin nawawala ng tingin ko sa kanya.

Mr. Ghoster.  (Short Story)Where stories live. Discover now