KABANATA 5

11 2 0
                                        

-An Exhausting Week-

Nakahiga na ako, hindi na nawala sa isip ko ang nakita ko kanina.

Bakit wala sa akin ang pinakita ni Chem? Binura na kaya niya ito? O kaya naman inalis niya ako sa taong makakakita ng story nya?
.
.
.
.
.
FRIDAY

Tapos na ako sa lahat ng ginagawa ko, nakatanggap ako ng message mula kay Tita Phin.

Hindi pumasok si Aukai kaya maari namang half day lang ako ngayon. Naipasa ko na rin naman sa kaniya ang mga papel na kailangan niyang aprubahan.

Sinabi sa akin ni Tita Phin na ipasusundo niya ako, ngunit hindi na ako pumayag. Kaya ko naman na pumuntang mag-isa doon dahil hindi naman ganoon kalayo sa pinagtatrabahuhan ko.

Malayo nga lang sa bahay namin.

Habang nasa biyahe, nakita kong nagtetext si Carla sa akin.

From: Carla
Maaga ka raw umalis? Saan punta mo?

To: Carla
Yeah, tapos ko na rin naman lahat ng gagawin ko for today. 'Di ba Friday ngayon kaya pupuntahan ko yung nagbigay ng jacket sa akin

From: Carla
Okayyyy, ingat ka nalang ah?

To: Carla
Ou, ingat ka den.

Sa isang subdivision ako binaba, feel ko tuloy ang hirap-hirap ko. Ang gaganda ng mga bahay dito eh tapos malalaki rin.

Tumingin ako ulit sa address na nasa gallery ko.

Bigla ko naman napansin akong isang litrato sa camera roll ko.

Litrato pala ito ng conversation ni Kiyo at Chem.
__________________________________________________

Chem: Astig ah, jowa mo na ba yan?

Kiyo: Haha nope!

Chem: Sus, siya nga laman ng stories mo.

Kiyo: She is a friend of mine, maybe we can call a girlfriend.

Chem: I thought, KB is your girlfriend? You are posting her in your feed.

*seen*

__________________________________________________

Tinanggi niya ba talaga ako?

Sa wakas, nakarating na ako sa bahay ni Tita Phin.

"Tao po" pinindot ko na ang doorbell kaso walang lumalabas.

Maya-maya ay lumabas ang isang ginang.

"Pasok kana iha, pasensya na"

"Ayos lang ho"

Pumasok na ako sa gate nila, nakita kong mahilig pala sa halaman si Tita Phin.

"Puntahan mo nalang si Ma'am Phin sa kusina"

Mukhang mayroong gagawin ang Ginang na iyon, hindi ko alam kung nasaan ang kusina, ang laki kasi ng bahay.

Nanatili akong nakatayo sa living room. Maraming mga litrato ang nakalagay doon, pamilyar ang batang lalaki.

Hahawakan ko na sana ang frame na iyon nang dumating si Tita Phin.

"Sweetheart! You're here!" tuwang-tuwa nitong sabi.

Nakipag-beso siya sa akin pagkatapos nun ay nagyakapan kami.

Sobrang gaan ng loob ko sa kaniya, ganoon din siya sa akin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 24, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MUNTIKAN NA AKONG MASANAYWhere stories live. Discover now