“Thank you po.” Nakangiting wika niya at umupo sa sarili niyang swivel chair.

Lumipas ang oras at ginugol iyon ni Virgo sa pagta-trabaho. She accept calls, set appointments, go to a business meeting with her Tito Leo and of course accompanying him to the conference room for a board meeting. Napakarami niyang ginawa sa araw na iyon kaya naman nang sumapit ang alas-singko nang hapon, lowbat na lowbat na siya. Ang gusto lang niyang gawin ay umuwi at humilata sa kama niya.

“Napagod ka ba, hija?” Tanong sa kaniya ni Tito Leo habang pinagmamaneho siya sa pauwi.

He offered to drive her home and she accepted the offer. Na-flat-an kasi siya, mabuti nalang at hindi pa siya nakakalayo sa opisina kaya nakita siya nang kaniyang Tito Leo.

“Medyo po. Nanibago yata ang katawan ko na halos walang ginagawa buong araw sa bahay sa loob ng tatlong taon.”

Napatango-tango ito. “Mukha nga. Siya nga pala hija, may dadaluhan tayong pagtitipon bukas nang gabi. Kailangan kitang isama kasi hindi lang iyon simpling Charity ball. May magaganap ding business meetings doon kaya kasama ka.”

Napalunok siya ng makaramdam ng takot. “Gabi po ba?”

“Oo, hija.”

Kinabahan siya. “N-Naku Tito, h-hindi po ako puwede. Alam niyo naman po na takot ako sa gabi ‘di’ba? Puwede po bang pass muna po ako? Hindi ko talaga kaya e.”

Mukhang nakita nang tuyihin niya ang panginginig nang kaniyang kamay kaya naman hindi na iyo nagpilit pa.

“O sige, sa susunod nalang.” Anito.

Napatungo siya at hindi umimik hanggang sa makarating sa bahay niya.

“Salamat po sa paghatid.” Wika niya nang itigil nito ang sasakyan sa labas ng bahay niya.

“You’re welcome, hija. Sige na, pasok ka na.” Sabi nito. “Hindi ako aalis hangga’t hindi ka pa nakakapasok sa bahay mo.”

Tumango siya at isinukbit ang shoulder bag sa balikat at lumabas nang sasakyan. Malalaki ang hakbang niya hanggang sa makapasok siya sa loob ng bahay. Abo’t-abo’t pa rin ang kaba niya hanggang sa makarating siya sa silid niya.

Wala siyang ganang kumain kaya ini-lock niya ang mga pinto at bintana pagkatapos ay natulog na kahit hindi pa naghahapunan.

AS USUAL, natagpuan na naman niya ang sarili sa balkonahe ng silid ni Virgo. Umupo siya sa kaparehong puwesto niya kagabi at pinakatitigan ang mukha ni Virgo. Tulad nang ginawa niya kagabi, he enveloped her with warmth, comfort and safety. Gusto niyang maging mahimbing ang tulog nito.

“Ilaw araw ka nang pumupunta rito?” Anang boses na ikinaigtad niya.

Nilingon niya ang nakakatandang kapatid. “Anong ginagawa mo rito?” Tanong niya sa halip sa sumagot.

His brother sighed and sat on the terrace railing next to him. “Sinundan kita. Nag-aalala ako sa’yo. Alam mo kung anong gagawin sa’yo ni ama kapag nagkamali ka na naman?”

“Wala naman akong gagawin—”

“Sa ngayon, wala pa. Pero paano kung dumating ang panahon na napalapit ka sa kanya? Paano kong matukso ka na tikman siya katulad nang ginawa mo noon? Anong gagawin mo kapag nangyari ‘yon? Binalaan ka na ni ama. Mag-ingat ka naman.”

“Wala naming masama sa ginagawa ko.” Depensa niya sa sarili.

“Mayroon. You’re stalking this poor girl.” Umiling-iling ang nakakatanda niyang kapatid. “We have an oath, little brother. Ang pangakong iyong lang ang dahilan kung bakit hindi nila tayo tinutugis, kung bakit matiwasay tayong nabubuhay kasama ang mga tao nang walang pino-problema. Is she worth the risk?”

Favorite Obsession Место, где живут истории. Откройте их для себя