Chapter 2. For the first time

30.9K 787 15
                                    

“Hoy Hanni gising na!” Pukaw sa akin ni Dea. Natutulog ako sa arm chair ko dahil nagpuyat ako kagabi. Kahit ramdam ko ang mahinang pagyugyog niya sa aking balikat ay hindi ko siya pinansin.

“Hannister White! ! ! !”

“What the f*ck!” Nabigla kong sabi. Ikaw ba naman ang sigawan sa tenga ng mahal mong bestfriend.

Lahat ng mga classmates naming ay napatingin sa akin dahil sa pagmumura ko.

“Sorry” Sabi ko at yumuko.

Narinig ko ang tawa ni Dea. Pinagdilitan ko siya. Bruha talaga ang babaeng ito.

“Ikaw naman kais eh, hindi makukuha sa simpleng sabi”

Hindi ako sumagot. Naiinis ako sa kanya. Basta galit ako o nagtatampo, tahimik lang ako.

“Best! Galit ka? Eh sorry naman, padating na kasi si Ma’am eh” She pouted her lips at nagpuppy eyes but walang epek.

“Best naman!” Hinintay siya ang sagot ko pero nabigo siya. “Libre kita ng lunch mamaya” Mahina niyang sabi.

Sakto naman at dumating na si Ma’am.

“Sure best! Oh ayan na pala si Ma’am eh” Sagot ko nang hindi tumingin sa kanya. Pagkain lang ang katapat ko minsan sa mood swings ko. Mahilig akong kumain but hindi naman ako tumataba. Sexy pa rin *evil grin*

“Good morning class!” Bati ni Ma’am. Tumahimik kaming lahat at nakinig sa kanya. Lahat kami dito sa Victoria University ay matitino. Sa school namin, hindi ka makakapasok kung hindi mo mapapasa ang entrance exam. In short, dapat matalino ka. Hindi uso dito ang mga mayayaman at mayayabang, We are considered the best among the rest when it comes to academic.

But honestly, hindi ako genius ha, nag-aral lang ako ng todo kaya pumasa ako dito. Hindi din biro ang ginagawa kong pag-aaral sa loob ng limang tao. Mabuti nga at makakagraduate na ako ng Architecture this year.

“I have here your midterm exams and Miss White is our top notcher for the first time.” Lumingon si Ma’am sa akin at sinenyasan akong kunin ang  test paper ko sa harap.

Hala? Ako daw yung top notcher? Eh pano kaya nangyari yun? Ang natatandaan  ko ay dalawang oras lang ang tulog ko para mag-aral ditto. Nagbunga din pala ang paghihirap ko.

“Wow Xien first time mong hindi naging top notcher ah” Bulong ni Third kay Xien pero narinig ko pa rin. Si Xien kasi ang consistent top notcher sa class namin.

“Best congratz!” Bati ni Dea nang makabalik na ako sa upuan.

“Thanks Best!” Masaya din ako sa score ko sa totoo lang. Nang matingnan ko ang answers ko, one mistake lang pala ako.

“Two mistake? Tsk.” Narinig kong sabi ni Xien. Kung ganun, one point lang pala ang lamang ko sa kanya.

Naglecture si na Ma’am at ginanahan akong makinig. Inspired lang ako. Mapaframe nga itong test paper ko.

Nang magbuzzer na ay nauna ako kay Dea na lumabas.

“Best sunod ka na lang sa library ha?” Hindi ko narinig sa sagot niya kaya tumalikod ako.

“Ay sorry!” Sabi ko sa nabangga ko. Hindi ko napansin na may nakasunod pala sa akin.

“Idiot!” He said firmly.

I looked at him . Si Xien pala!

“Stupid!” I answered back.

Nakita ko ang pagkabigla niya sa pagsagot ko sa kanya.

Natigilan ang lahat, naghihintay sa susunod na sasabihin o gagawin  ni Xien sa akin. Ramdam ko ang tensyon sa paligid ngunit ayokong magpatalo sa lalaking ito. Oo alam ko ako ang may kasalanan ngunit hindi naman tamang sabihan niya ako ng idiot.

Nagtitigan kami sandal bago siya magsalita.

“Watch your mouth lady” At iniwan na niya ako.

When the Mafia Prince falls in love (COMPLETED)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ