Chapter 10

33 1 1
                                    

Ryan's POV

"Bro, kalokohan mo noh?" Inaasar ako ng JC na to habang nakatingin siya sa screen ng PSP niya.

Wala na bang ibang alam tong JC na to bukod sa pag-lalaro?

"Hoi Loko, umuwi ka na sa bahay niyo. Aalis pa ko."

"Bro..." Sabay tingin sakin. "Anong plano mo?"

"Ang patayin ka dahil sobrang pakilamero mo. Umuwi ka na. Bukas na lang ulit tayo mag-kita."

"Bahala ka." At tumayo na siya. Kasi pag di pa siya tumayo, ako mismo ang tatadyak sa kanya palabas ng kwarto ko. "Harris, wag mo naman akong bugbugin sa isip mo. Wala akong alagad sa isip mo."

Kelan pa naging mind reader tong kaibigan ko?

"Basta hindi ako mind reader. Aalis na ko at may clan war kami mamayang 3."

"Lumayas ka na at baka ako ang mang-iespada sa leeg mo. Magkaroon pa ng clash of friends."

Tumawa naman ng wagas tong ugok na to. "Hahahahaha Bro, ano ka si Einstein at naging pauso ka? Hahahahahahaha!"

"Hello BG. Umakyat ka dito sa kwarto ko. May nakapasok na baliw."

[Yes sir!]

Tinawagan ko yung Body Guard namin habang itong kaibigan ko, tawa nang tawa.

Binuksan ko ang pintuan para mabilisan ang pag-tataboy sa baliw kong kaibigan.

JC's POV

Hahahahahahahahahaha Pauso talaga to si Harris noh? Hahahahahahahahahahahaha

"Sir ito po ba yung baliw?" Aba't sinong baliw ang nakapasok? Ako mismo ang mag-papalayas. Asan asan?

"Yes, that boy." Sabay turo sakin ni Harris. Baka nakatago sa likod ko. Silip sa likod....Wala namang tao.

"Crazy man, let's go."

"Oh!oh!oh!oh hoy bouncer ibaba mo ako!"

"Hahahahahahahahahaha! Itapon mo na yan BG." Sabi ni Ryan at sinara niya na yung pintuan niya.

"Sir slash crazy man, kailangan mo nang mailabas sa tahanan ng mga Standford at baka masisante ako. Mabaliw pa ako katulad mo."

Binatukan ko naman kaagad yung goon na to. "Eh baliw ka pala eh, kaibigan ko yung amo mo. Baka gusto mong masisante? Ibaba mo ako."

"Aray ko naman! Eh si Sir Ryan nga nag-utos sakin."

Mabuti at binaba na ako ng goon na to kundi baka nateakwando ko na to.

"Sa susunod wag mo ng uulitin yung ginawa mo sakin. Dudukutin ko yang dalawa mong mata at ibebenta ko sa Divisoria. Naiintindihan mo ko?"

At kahit mukang labag sa kakalbuhan niya, tumango siya.

"Very good." At tinapiktapik ko yung bunbunan niya. "Very good kalbokleng!"

At umalis na ko sa tahanan 'daw' ng mga Standford.

Habang nag-lalakad pauwi sa aking tahanan, may nahagip ang gwapo kong mga mata na isang babae.

"Yung babaeng may alagang munting tae yun ah..."

Ms. Casanova Meets Mr. HeartthrobWhere stories live. Discover now