Pangatlong pahina

Start from the beginning
                                    

Kita ko namang tumingin sila sa akin. Si daddy na nakangisi at si Mommy na naghihintay ng sagot ko.

"Hmm, ako pa rin ang pinaka maganda sa buong school." Nakangiti kong sabi.

"Hahahaa, I'm proud of you." sabi ni tita Erza. Si Daddy naman ay natawa at nag okay sign pa.

Si mommy?

"Stop skipping class if you want a high grades. Listen to your teacher, do your assignment. Reading books is a must too." sabi niya.

"So nagmana ako kay uncle Yvan?" Masayang sabi ni Serenity.

"Papa mo?" Sarcastic na sabi ko. Tumingin naman silang lahat sa akin kaya ngumisi lang ako.

Nasa punto na ako na, kaya kung ipaubaya sa kanya lahat, wag lang si Uncle Shawn na kakampi ko mula nuon.

Alam ko rin na gusto niya ang attention ni Uncle Shawn. Kaya lang hindi niya makuha, hindi nga ngumingiti si Uncle Shawn sa kanya.

"Nga pala, Serene. Tumawag sa akin ang  may-ari sa Car racing Institute. Kasama ka raw sa linggo?" Sabi ni Tita Erza.

"Hehe,"

"What?"tanong ni mommy.

"Duh, ate. Since 15 pa lang ni Serene. May pipirmahan kang consent. Hindi yan makakasama ng wala yun. Don't tell me di mo alam?"sabi pa ni tita Erza.

"Serene Gayle Evans, who signed the consent?" seryosong sabi ni Mommy.

Pag ganyan na yan ibig sabihin galit na siya.

"Me!" rinig kong boses galing sa may pinto kaya humarap ako ruon.

"KYAHHHH UNCLE SHAWN. I MISSED YOU,"malakas na sabi ko at agad siyang niyakap.

"Haha, I missed you too, precious." sabi nito at humarap sa lahat.

Pinaupo ko si Uncle sa tabi ko. Ako na rin ang sumandok ng pagkain niya.

"Wow, Serene. May favoritism ka talaga. Magkamukha naman kami ni Bro ah," rinig kong sabi ni uncle Yves.

"Yvan-"

"Ate, don't worry. I'm her mentor. And beside aattend kayong lahat sa quiz bee competition ni Serenity sa sunday. Ako na ang bahala kay Serene. Kaya nga umuwi ako, to support her." May lamang sabi ni Uncle Shawn.

Hanggang ngayon alam kung hindi pa rin okay si Uncle shawn kay mommy.

"Manunuod ako,"

"Kay Serene na lang ako manunuod. Exciting."

Halos sabay na sabi ni uncle Yves at tita Erza.

"Ako rin, papanuurin kita anak. "sabi ni Daddy sa akin.

"Dad, No!!! sinong pupunta sa akin?" Sabat ni Serenity.

"Nanduon naman ang mommy mo. Tapos ang mga lolo at lola mo,"sabi ni Dad.

Nailing na lang ako. Dahil alam ko na ang mang yayari.

1

2

3

Nailing ako ng umiiyak na nag walk out si Serenity. Tinignan ni Mommy si Daddy ng masama.

"Hayaan niyo na si Shawn kay Serene. Susuportahan natin si Serenity. Alam niyo naman kinakabahan yun sa maraming tao lalo pag hindi niya tayo makita, kaya na ni Serene ang sarili niya. Malakas yan gaya ko...nuon."sabi ni mommy at ngumiti sa akin.

Ngumiti na lang rin ako.

"Hahaha, same scene. Serenity is an actress,"nang aasar na sabi ni uncle shawn kaya muntik na akong matawa.

Nagpatuloy kami sa pagkain. Si mommy naman sinundan si Serenity.

Sanay na ako jan, siguro kung mabunggo ako at malapit ng mamatay. Pipiliin niya pa rin si Serenity. Uunahin niya ito. Kasi sa tingin ni mommy, kaya ko na. Malakas ako, hindi ko na kailangan ng supporta.

"You okay?" Tanong ni uncle Shawn sa akin.

"Of course,"sabi ko.

"I don't know why you keep on being nice to your twin,"naiiling na sabi nito.

"She's fragile,"mahinang sabi ko.

"Haha, silly. The heart transplant was successful. You don't have to worry about it. Ate is stupid, kunting iyak lang ng kambal mo..bibigay agad."

"Uncle, bakit ayaw mo si Serenity?"tanong ko.

"I hate her attitude. Simula nuong bata pa kayo, malaki na ang inggit niya sayo. Galit ako pag nakikisabay siya sayo sa lahat. Kahit ang ilang awardings mo hindi napuntahan nina ate dahil sa drama niya,"sabi ni uncle.

"Okay lang naman, you were there to-"

"It's not okay. "

Yeah, it's not okay.

Your BOYFRIEND is my HUSBAND!Where stories live. Discover now