Nang makarating kami sa garahe ay huminto ako sa tapat ng kotse ko.

"Pero--"

"No but's, baka ibangga mo pa 'tong sasakyan mo. Lalo na't brokehn hearted ka pa? Nah." Sabi ni Kuya at sumakay.

Napanganga naman ako doon. What the? Shiz.

Tinulak na ako ni Ate papasok kaya pumasok na ako sa sasakyan at nakasimangot na tumingin sa bintana nang bigla kong maalala ang nakita ko kahapon sa rooftop. Blake and Liz... kissing. Haha!

Bigla na lang akong hinarap ni Ate at pinunasan ang luha ko.

"Stop crying. Kagabi ka pa umiiyak,"

"I can't.." Sabi ko at umiyak lalo.

"Shh, sis, hush." Aniya at niyakap ako.

Ilang minuto din kaming ganun ng humiwalay na siya.

"That's why we'll go to EU. Sasamahan ka namin,"

"Ate, you don't need to do that. Kaya ko naman. And for sure, hindi ko siya makikita dahil magiging busy ako dahil isa ako sa officers remember?"

"Kahit na," Sagot niya.

Hindi na ako kumibo. Tumingin na lang ako ulit sa bintana. Maya maya ay nakarating din kami sa EU. Bumaba kami ng sasakyan at maglalakad na sana ako papasok ng hinila ako ni Kuya.

"Wait there, missy. Sasabayan ka namin. We'll just wait for Kaitleen. May aayusin lang daw siya sa dress niya,"

Tumango na lang ako at sumandal sa hood ng kotse ko. How I miss driving my baby.

Maya maya ay lumabas na din si Ate.

"Tara na!" Aniya at hinila kami ni Kuya.

Nakarating kami sa theatre. Yup, may ganto kami. Hindi nagamit ng mga Elementary 'to kahapon dahil inaayos kami at ang mga college lang ang makakagamit.

Umupo na sila Kuya sa harapan at ako naman ay nagpaalam na pupuntahan muna sila Max.

Pumunta ako sa gitna ng theatre dahil nandun sila.

"Kylie!" Tawag sakin ni Andy ng makita niya ako.

"Ayos kana ba?" Tanong sakin ni Paulo.

Ngumiti ako ng bahagya sakanila. "Oo." I lied.

"Tara, dito ka sa tabi ko." Yaya sakin ni Annie.

Umupo ako sa tabi niya at tinignan ang laptop na nasa harap namin ngayon.

"So mamaya, may mga performance tayo diba? May mga aasikaso naman dito kaya kahit iwan natin 'to walang mangyayaring masama," Sabi ni Max.

Nang nagsimula na ang open remarks galing sa principal namin ay umupo na kami sa mga assigned seats namin. Hiwa-hiwalay kaming officers dahil nasa kanya kanyang section seats kami.

Umupo na ako sa assigned seat ko. Kahilera ko ang mga kaklase ko. 'Yung iba ay nasa harap o likod namin. Umupo ako sa tabi ni Doms dahil doon ako naka-assign.

Nagsimula na ang performance ng mga Freshmen 6 na section sila kaya medyo matagal lalo na't may remix pa. Nang mag Sophomore na ay hagalpakan kami sa Section 4 dahil may comedy 'yung sayaw nila. Sampung section sila. At pagkatapos noon ay nagkaron ng break ulit.

30 minutes lang din ito kaya bumaba na kami nila Jai.

"Kylie! What happened to you yesterday?" Ngayon nila ako niraratrat ng tanong dahil kanina ay aliw na aliw sila sa panonood.

Ngumiti ako ng tipid at hindi na lang nagsalita.

"Nagalala kami sayo. Ano bang nangyari?" Tanong ni Ara at umupo na nang makarating kami sa Cafeteria.

Campus QueenWhere stories live. Discover now