chapter 5

285 10 0
                                    


                      *INGGIT*




CAMILLE POV:



maaga ulit akong nagising dahil gustong gusto kong nakikita,
Ang pag sikat ng araw nakakarelax
Ito.

Gising na rin si crystal hindi pa rin kami nag iimikan madalas kaming mag salubong sa kwarto,kapag kukuha ng damit sa kabinet minsan nag kakasabay rin kami pumunta sa CR pero hindi pa din kami naguusap.

Lumipas ang ilan linggo hindi pa rin kami nag uusap ni crystal minsan gusto ko siyang kausapin pero tinatarayan niya lang ako.

"oh mga anak aalis muna kami ng papa ninyo mag linis kayo ng bahay paalam ni mama.

"opo ma magsisipag po kami
sabat ni aldrin.

Ng makaalis na si mama nilapitan ako ni crystal at may mga inabot siya sa akin.

"oh labhan mo to sabi ni crytal.

"bakit ako ang mag lalaba  ng damit mo nag tataka kong na sabi.

"basta labhan mo to lahat yan pag hindi mo nilabhan yan patay ka sa akin sagot ni crystal.

Hindi na lang ako nag salita agad kong nilabhan ang mga damit namin habang nakikita ko si crystal na
panay nood lang ng tV.



Crystal pov:

Masarap ang buhay ko kapag wala
sila mama panay pa utos ko sa
mga Kapatid ko since ako naman
ang unang lumabas sa mundo,
Ako ang pinaka panganay kaya
Hindi rin makatanggi ang twin ko
Kapag inuutusan ko siya.

"hoy aldrin ayusin mo nga yan pag lalampaso mo tignan mo madumi pa din inis na utos ko kay Aldrin.

"bakit ikaw te wala kang ginagawa sarap  buhay mo sagot ni Aldrin.

"EH ano naman kung masarap buhay ko at utos ako ng utos baka gusto mo isumbong na kita kay mama hah..
Pananakot ko kay aldrin.

"opo te di na ako iimik ano pa gagawin ko tapos na ako mag lampaso sagot
ni aldrin.

"mag punas ka ng mga bintana tapos tulungan mo si Camille mag laba ako na mag Huhugas ng plato utos ko kay Aldrin at agad naman siyang sumunod.

Maya maya pinuntahan ko naman si Camille kung tapos na mag laba para tulungan na siya ni Aldrin.

"ano hindi ka pa rin tapos dyan darating na sila mama sabi ko
Ky Camille.

"tulungan mo naman ako
para matapos to ang dami
sagot ni Camille.

"bakit ako!!!??? si Aldrin tutulong  sayo no magasgasan pa mga magaganda kong daliri noh
Sagot ko ky camille sabay irap.

Nag hugas ako ng plato at
pag Katapos humiga ako sa sofa
dahil Antok na antok na naman ako.
Hindi ko na malayan na dumating
Na pala parents namin.




Aldrin pov:


Nang dumating sila mama at papa agad ko silang sinalubong para tulungan sila mag pasok ng mga
Binili nila sa loob ng bahay.

"nasaan ang mga ate mo tanong ni mama sa akin.

"mama si ate Camille nag lalaba sa likod ng bahay, si ate crystal naman
Tulog sa salas sagot ko kay mama.

"ABa!!bakit tulog na naman si crystal pinag lilinis ko pa kayo ng bahay tapos na ba?? Tanong ni mama.

"opo ma yung paglalaba  na lang
ang hindi pa tapos tinutulungan
Ko po si ate Camille mag laba
Nakangiti kong sambit kay mama.

"bait bait naman ng anak ko sige dahil masipag ka may ibibigay ako sayo sabat ni papa sa akin.

"Wow talaga papa sige wait lang po tutulungan ko pa po si ate Camille.

Pag Katapos ko tumulong kay papa at mama tinulungan ko ulit si ate Camille mag laba,si ate crystal naman tulog pa rin.

"ate Camille tignan mo si ate crystal tulog pa rin hanggang ngayon.

"hayaan mo na Aldrin tapusin na lang natin ang pag lalaba.

"sige po ate Camille kaso madaya si ate crystal nag hugas lang ng plato
sagot ko ulit.

"hayaan na lang natin si crystal ganun ugali niya EH isa pa siya ang panganay sa amin dalawa kahit twins kami kaya nga sundin na lang natin siya payo  ni ate Camille.

"sige po ate Camille buti ka pa masipag na mabait pa nakangiti
Kong na sabi kay ate Camille.

"ikaw naman ang bulero kong kapatid sabay nagtawanan kami.



Camille pov

Nang matapos na kami mag laba kumain na Kami katabi ko si crystal
At aldrin kumain katapat namin si mama at papa.

Tahimik lang kami kumain ayaw dahil ayaw ni mama na maingay habang kumakain masarap mag luto si mama pati si crystal,ako naman masarap lang kumain.

Pagkatapos namin kumain si crystal pa din ang pinag hugas ni mama dahil siya lang naman hindi napagod sa amin sa gawain bahay.

Pagkatapos ni crystal maghugas ng plato tinawag kami ni papa at mama.

"Camille binilihan ka namin ng sapatos dahil masipag ka
sabi ni mama sa akin.

"salamat po mama at papa
nakangiti kong na sabi sa kanila.

"ikaw naman Crystal ito damit para sayo sabi naman ni papa kay crystal.

Ngunit nakita ko sa mukha ni  crystal na hindi siya natuwa sa binigay ni papa dahil nakatingin siya sa binigay sa akin.

"pwede naman tayo mag hiraman ng sapatos ko sabi ko ky crystal at
nguMiti ako sa kanya.

"ok na ako dito magkaroon pa ako ng utang na loob sayo sagot ni crystal sa akin at umirap siya sa akin.




Crystal Pov :

Pumunta ako sa kwarto na masama pa rin ang loob dahil sa binigay sa akin ng papa ko.

"ang dami dami ko nang damit buti pa si Camille may bagong sapatos ako wala huhuhu siguro ampon lang nila ako kaya ito lang binigay sa akin
Naluluha kong nasabi sa salamin.

Ng makita ko si Camille na papasok na sa kwarto pumunta ako sa higaan ko at nag talukbong ng kumot para hindi niya ako makitang umiiyak.

"Crystal ok ka lang ba??
tanong ni Camille

"oo ok lang ako sarado mo yung ilaw bago ka matulog hindi ako makaka tulog na bukas ang ilaw inis kong sagot kay Camille.

"oo crystal sasarado ko na lang pag katapos ko mag hilamos
sagot ni Camille sa akin.

Hindi ko na kinausap si Camille tahimik lang akong nag iisip
Hanggang sa makatulog na ako.








ME AND MY TWINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon