THE ABANDONED SCHOOL

69 0 0
                                    

(Written by: Cabahug, Elvie S.)

"WHAT is this place? Omg, it's so creepy!"

"Nakakairita 'yong boses mo, Tiffany. Apaka-OA nito."

"Hoy badoy, wag mo ngang awayin 'yang baby girl ko."

"Anong baby girl ka r'yan? I will never patol on you 'no! I have taste!"

"Wala pa lang taste e. "

"Manahimik ka nga. Baka bigwasan kita r'yan e. Ano, gusto mo ha? ano?"

Napailing na lang ako at lihim na napasapo sa noo. Ano bang nagawa ko noong past life ko at ganto ako kamalas ngayon?

"Stop that. If you want to go home early, we have to do this fast. Tama na ang pagrereklamo." napasimangot naman sila sa naging tugon ni David.

Nasa isang abandonado kaming paaralan ngayon para sa film making namin. Si Ma'am ang pumili ng magkakagrupo kaya alam 'kong lahat kami ay hindi sang-ayon sa naging resulta.

Si David ang leader at s'ya ring director ng pelikula. Si Tiffany ang magiging bida, kapartner n'ya si Brandon. Well, hindi naman talaga dapat si Brandon pero wala talaga kaming choice kasi s'ya lang ang lalaki sa amin maliban kay David.

I am the scriptwriter and also responsible for the audio. Si Kian na tinawag ni Brandon na badoy, ay ang magiging cameraman.

"Bakit kasi hindi na lang tayo sa ibang school? Frankly, this ain't look like a school! Parang hindi romance gagawin natin kung hindi horror e!" ani ni Tiffany with a disgusting face.

"Hindi na kasi pwedeng pumunta sa school tuwing weekends. Wala rin namang iba pang school na pwedeng puntahan, ito na lang talaga ang last choice. And about sa look n'ya, pwede naman nating i-edit to make it more bright." nakangiting tugon ko sa kanya.

"Pumasok na tayo para macheck natin kung saan magandang mag-film ng first scene." sabi ni David.

I composed myself and held my bag tightly. This day is going to be tiresome.

"Dito ka pumwesto, Kian. We have to get the best angle in this scene."

This is our last scene. Thankfully, naging maayos naman ang pags-shoot namin. I never expected na magagaling pala sila. Bagulan at makukulit lang talaga.

In this scene, maglalakad lang sila papasok sa school while holding each others hand. Ready na ang lahat at naka-stand by na kami sa kanya kanyang pwesto.

Hindi pa rin ako komportable sa lugar na 'to. First and for all, let's not forget the fact that this school is an abandoned. Typical horror stories. Nilibot ko ang tingin ko sa buong school.

Hanggang matigil ang paningin ko sa second floor ng isang building. Nangunot naman ang noo ko ng may mahagilap na parang anino. Pinaningkitan ko ng mata ito, only to find a girl.

A girl standing there wearing a familliar school uniform.

With a creapy smile plastered on her face.

"JESSICA!!!"

"Ahhh!!" Napatalon ako sa gulat ng bigla akong hawakan sa balikat ni Kian. Agad ko naman s'yang hinampas. "Ano ba!"

"Bakit?" natatawa n'yang sabi habang sinasangga ang braso. "Kanina pa tapos 'yong scene at tinatawag ka ni Direk. Patay ka, zoning out in a middle of the work. Tsk. Napaka-unproffesional Ms. Cruz." he said with a dissapointed look.

"Shut up." I said and rolled my eyes at him. Umakbay naman s'ya sa'kin. "Ano ba kasing tinitingnan mo r'yan ha?"

"Wala. Namalikmata lang ako." sagot ko. "Ano ba, alisin mo nga 'yang kamay mo! Huwag mo akong hawakan!" sabi ko at pilit na tinatanggal ang pagka-akbay n'ya sa'kin.

Anthology of Horror StoriesUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum