Chapter One "The Girl at the Gasoline Station"

1.1K 21 1
                                        

Scene One

"Shocks!!! Lowbat ang cellphone ko!!!
Ma, malayo pa ba? Kung ganito kalayo dapat nag eruplano na lang tayo."

"Mayaman ka? Huh? Mayaman ka? Ako na nga nagmamaneho dito puro ka pa reklamo. Nagdudutdut ka lang ng coc mo magdamag! Hala, pag may nakita tayong gasolinahan na may convinience store, isaksak mo yang cellphone mo at magpapagas din ako at kakain kami ng tita mo. At ikaw na ang magmamaneho." Okray bigla sakin ng nanay ko.

Sabay tawa ang tiyahin ko sa backseat ng sasakyan namin..

"Kasi naman paopao, nakisuyo nga kami sayo diba?, at samahan kami dito ng mommy mo. Alam mo naman na its been 25 years narin namin di nakikita ang mga ibang highschool friends namin at bestfriends. Alangan naman pabayaan mo kami ng mommy mo dito at wala ka naman ng gagawin sa bahay at bakasyon nyo naman na sa college." Ani ng tiyahin ko.

Scene Two

Maya-maya pa ay nakakita na ang mommy ko ng gasolinahan at convinience store.

Finally at nakapagcharge narin ako ng phone habang enjoy na enjoy naman sila tita at mommy sa mga kausap sa phone. Timang lang? Ang mga kausap e, yung mga mamemeet din naman nila mamaya.

Pag open ko ng phone ko ay tadtad na pala ako ng message ng bestfriend ko.. Galit na galit sakin at dapat may ipapakilala daw sakin.

Maganda daw yun at iiyak daw ako pag namissed ko ang oppurtunity.
Paasa diba? Bubuwangin pa ko.

So tawagan ko kaya? Ay wag na, nadala na nga pala ako.
Baka bumagsak na naman ako sa mas pogi pa kesa sakin..
Pero teka.. Pano kung chicks nga?

"Tol.. Sensya isinama ako nila mommy dito sa kita kits together nila ng highschool. Ano tol, nakita mo ba yung ipapakilala nyo sakin? Maganda ba?" Tanong ko sa bestfriend ko na buti na lang may girlfriend na kaya solo ko yung chicks..

............"Uror!!! Bahala ka sa iba ko na ibibigay ito. Sinet ko nga yung date para maipakilala rin saiyo ito. Hindi ko pa nga nakikita at kahit yung girlfriend ko wala pa rin dito. Di pa nga nagrereply e. Pero malas mo, sabi ng girlfriend ko, maganda daw talaga."

Shocks!!! Patakam naman itong bestfriend ko. Well, ano naman na magagawa ko? E halos nandito narin ako sa gubat.

Scene Three

Maya-maya ay tinawag nako ng magandang mommy ko. At hawak ang susi at ngiting-ngiti sakin habang winawagayway ang susi.

-_-

Fine! Ako na magdridrive. Saktong pagkaabot ko sa susi at start ng kotseh ay bigla akong najijingle..

"Teka ma, nawiwiwi ako at baka sampung bansa na naman yung lalakbayan pa natin" paalam ko kay inang reyna.

"Jusmeo ka, puro ka commercial, dapat kanina mo pa yan ginawa. Sige ihi kana pao." Papayag din pala umaapela pa ang mother earth ko.

Scene Four

Wiwi lang naman talaga nais ko, e biglang nagbadya rin si jerbax.
Shit, need ibuga, at hindi masaya bumyahe ng may mga kargada at namamawis..

Badtrip pa na c.r bakit ba kadalasan sa mga c.r ng gasolinahan e contest ng parumihan? Nabasa tuloy yung brief ko, kesa naman idikit ko ang pwerta ko e kung magka u.t.i pako at mahawa? Bwesit na C.R at walang flush. Buti na lang at may tubig. Yun lang barado..

Scene Five

Pag labas ko na halatang banas at bantot na bantot sa c.r ay may nakabangga akong babae.

"Ay sorry miss" ani ko.

Di ko namalayan na nakahawak pala ako sa suso nya para hindi sya matumba sa pagkabangga ko.

Napabugtong hininga sya.

"No its okie." Napakagandang tinig. Sabay smile sakin. At tingin sa kamay kong nakahawak parin sa suso nya.

"Ay sorry, hindi ko namalayan." Ani ko ulit.

"I know.no problem." Tugon nya at sabay taas ng kanyang sumbrero para makita ko rin ang mga mata nya na okie lang lahat.

Huwawwwww!!! Swabe,,, parang commercial lang?
Yung ngiti nya pamatay...
Kahit nakasumbrero sya, ramdam kong babae sya at mahinhin.
Ang ganda nya...pero teka oo nga pala... kawawa naman sya..
Naiwan ko kasi yung ebidensya ng krimen ko sa loob.
Hala, takbo na nga ako at dyahe, see you in my dreams magandang binibini...

Pero habang akoy palayong naglalakad, di ko maiwasan bumalik tanaw sa kanya.
Kahit sya, napansin ko, ay tinatanaw parin ako...

Well kilig to the bones ako...
Oh assuming lang ako?
Kapal talaga ng mukha ko ahahaha...

Scene Six

Agad din ako sumakay sa sasakyan at umalis na..
Muntik na ko dun. Pinagpawisan ako.
Balak ko magpunas ng pawis pero ...
Naiwan ko ang panyo ko sa dugyot na C.R na yon.
Naku sayang naman, favorite ko pa naman ang panyong iyon.
Bigla akong nalungkot at nanghinayang sa favorite kong panyo....

Pero buti na lang, sumasagi parin sakin ang kanyang mga ngiti..
Posible ba ang love at first Sight?
I think im inlove.....

Sabay patugtuog ko ng mga love song cd ko at sinabayan kumanata
Habang binabay bay parin namin ang daan...

My Mom's Alumni (RatedR-Comedy GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon