Chapter 7: Working on a project together

16 4 0
                                    

Nauntog ako sa ulo ni Deib, ang sakit ah? Luh parang ngiting ngiti pa si kuya oh may nakakatawa? May nakakatawa? Yung mga gamit ko oh nahulog.
"Ano ba?! Yan kase eh! Bitawan moko!!" Sigaw ko, wala manlamang tulong? Ikaw dahilan kung bakit nadapa ako eh!!
"Ehem, ehem Mr. Enrile and Ms. Del Valle" Hala patay! Siya kasi yung bago naming principal. May Ibang lahi pero parang dugong pinoy!

"GO TO MY OFFICE, NOW!!" Nagalit siguro sya dahil may ka meeting sya tapos ang ingay namin. Demiretso na kami sa principal office at kinausap si Mr. New Principal medyo na trauma nga lang ako sa nangyari sakin noong nakaraang linggo. Speaking of nakaraang linggo anong nangyari sa mga suspect na nagpa-dukot at pumatay dun sa lalake?
"Ms. Del Valle and Mr. Enrile, ipapatawag ko ang parents nyo! Ginulo nyo ang meeting namin ng student council at ng mga bagong teachers!" Hala, patay na talaga!! Nagmakaawa ako kay sir na wag ipatawag ang daddy ko malamang magagalit nanaman yun at kung saan saan ako ipapalipat ng school.

"Sir, wag po! Kahit ilang beses nyo po akong pagsasampalin wag nyo lang po ipatawag dad ko!!"

"Well... I'm not gonna do it until.. you work... on a project together... sabay kayo gagawa.." Project?! Okay lang naman sakin ang project pero wag Kasama tong hinayupak na to!

"Sir pede pong solo nalang?"

"Then I'll contact your father about--"

"Sige na ho sir" Tawa ng tawa tong si Deib ah!! Kanina pato sapakin kita dyan eh! Wala manlamang pake! Parang masaya pa na may gagawing project! Nakakatamad nga eh!
"Okay lang sakin sir" sagot nya. Buti naman sumagot ka kanina ka pang mukhang statue dyan eh!

"Okay you have the whole weekend to prepare don't be late! The presentation is on monday, it's about anti bullying project" Wait, monday?! Hayst may gagawin pa ako sa weekends eh. Hahanapin pa namin kung sino yung suspect tapos.. AAHHH!! Kasalanan to ng hinayupak nato eh. Pagkatapos ng ilang araw dumating na ang magiging worst day ko. It's saturday in the morning at magkikita kami ni Deib sa bahay nya. Lumabas na ako ng kwarto at papalabas na ng bahay ng hinatak ako ni Loki pabalik.

"Where are you going?" He asked

"S-sa b-bahay ni D-deib"

"What? Bahay nya?! Bakit? Di ka makakaalis hanggat di mo sinasabi kung bakit" Eh? Ano ka boyfriend ko? Anong gagawin mo pag diko sinabi? Sino kaba? Ikaw lang naman yung roomate ko na humalik saken diba? At ang nakakainis naka dalawa pa ako ng kiss sakanya.

"Anong gagawin mo pag diko sinabi? Aber?" Nilapit nya saakin ang mukha at sinabing
"Then... I'll kiss you again" H-ha? A-ano ako uto uto?
"Lolo mo panot ano ako magpapaloko?" Nilapit nya nanaman ang mukha nya saakin.
"Oo na!! Pinapagawa kami ni principal ng project! Nakita nya kami kasing nag aaway sa hallway at ayun nagulo namin yung meeting ng student council at mga teachers" Umalis na ako at naghanap ng taxi. Ng biglang sumama si Loki saakin.

"I'll come with you"

"Baket pa? Nandun naman si Deib ah?"

"Wala ako tiwala dun sumakay kana sa taxi!" Tinulak nya ako sa taxi at umupo sa tabi ko ewan ko ba talaga kung ano meron sa lalaking to eh nung pagkakakilala ko sakanya nung una palang kaming nagkita ang cold tapos nung sinabi ko na Lorelei ang name ko naging sweet at protective na?

Dumating na kami sa bahay ni Deib agad naman kaming pinapasok ng yaya.
"Kayo po pala si Max ang ganda nyo po sa personal, boyfriend nyo po?" Boyfriend amp*ta mukha bang boyfriend to?

"Ahh hindi ko kaibigan lang po.."

"Ang ganda dito ah... ano to?" Luh!! Nangingialam tong si kupal! Agad ko syang hinatak at sabay na bumulong.
"Huy.. wag Kang mangialam dyan mamaya pagbayarin pa tyo" Para kasing bata na nakakita ng laruan. First time yarn?

"Ah ate asan po si Deib?"

"Ahh nasa kwarto nya gusto nyo samahan ko kayo?" Sinamahan kami ni ate sa kwarto ni Deib infernes ang ganda ah.

"Eto Max pasok ka nalang dyan, maiwan kona kayo ha?" Kumatok ako ng tatlong beses at binuksan naman ni Deib ang pinto.

"W-what?? Why are you here?"

"Wala lang gusto ko lang protektahan si Max mamaya kung ano gawin mo eh. Pero may point naman si Loki hindi ko pa masyadong kilala si Deib baka mapahamak ako pag dumikit ako ng dumikit sakanya baka magkaroon pa ng de javu yung nangyari saken.

"Sorry ha ang kulit kase neto eh pede pa syang sumama?"

"No" Mabilis nyang sagot

"Bakit? May binabalak ka ba?" Banat naman ni Loki.

"I do not have! Fine! You can come with us" ayan pumayag din pumasok na kami at parang small mansion yung kwarto nya ang laki. Umupo kami sa sofa at sinimulan ang project. Si Loki? Hayun nagbabasa lang ng libro walang pakialam, sige diyan ka lang ah good boy kalang dyan.

"By the way Max, may...."

"Alin? May...??"

"Nothing"

12:06 na ng tanghali at nag decide kaming kumain muna. Ayos tipid ah dito rin nakikain si Loki. Andaming pedeng pagkaabalahan bakit dito pa? Bakit kailangan sumama?
"Palamunin siguro to ng magulang, parang patay gutom" Bulong ni Deib saakin. HAHAHAHAHAHAHA parang real talk kay Loki yun ah hahahaha.

"You're probably thinking na patay gutom ako? Ahm.. it's true but unlike you na naasa lang sa pera ng magulang" Mind reading. Mind reading!! Kapal mo Loki!! Pinapakain ka na nga eh Jusko!
"Ah.. eh... Sorry Deib ganyan talaga yan" Ako ang nahihiya sayo Loki jusko! Bat pa kasi sumama sama dito eh.
"In fact sumama lang naman ako kay Max eh" One more word Loki at malilintikan ka saakin pagbalik ng bahay.
"Maghihintay lang ako sa labas" Sabi ni Loki. Pagkatapos naming kumain bumalik na kami sa kwarto ni Deib at tinuloy ang project. Mga ilang oras lang din kaming tahimik parang dejavu. San na nga pala si Loki? Eh, bahala sya dun.

"Max, maglalagay ba tayo dito ng design sa par--" Napatigil si Deib ng may pumasok na babae siguro nanay nya yun.

"Deib-- oh who is this girl?" Sabi na eh nanay nya yun. Medyo kahawig nya din eh.

"She's.... my friend. My friend mom"

"Oh, you have a new friend? Do you mind if I join your conversation? I want to get to know you more Max"

Hi readers! Thank you sa pagbabasa AHAHAHHA mag wa-one hundred na yung reads natin!! Congrats!! Thank you den sa pagsuporta lalo na yung mga kaibigan ko na araw araw nagbabasa neto huhuhu thank you guys!!! :))

Max or Lorelei? (Fan Fiction)Where stories live. Discover now