Chapter 1: The new beginning

132 10 0
                                    


"La, magiging ok lang po kayo ha?" Paulit-ulit na sinasabi ko kay lola

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"La, magiging ok lang po kayo ha?" Paulit-ulit na sinasabi ko kay lola. Paano ba naman kasi minsan hindi iniinom ang gamot, medjo makakalimutin kasi ang Lola ko.
" Hayy nako Lori- ahh... ehh.. este Max magiging ok lang ako, ano kaba!" Muntikan na nyang masabi ang pangalang Lori.
" OOPSSS!! Muntikan na masabi ang Lori!" Patawang sabi ni tito Boyet. Di ko ba alam kung matatawa ako o magagalit dahil sa pangalang Lori na yon.

"O sige na ho, lalakad napo ako magiingat po kayo ha?" Kumaway ako kay lola at tito Boyet. Papasakay na ako sa traysikel pero may lumapit sa akin na bata.
"Ate, paano na ako? HUHUHUHU" Halos tumulo na ang sipon sa kakaiyak habang si tito Boyet halakhak ng halakhak dahil tumutulo ang sipon nito.
"Okay lang yan basta wag kang magpapakita na takot ka ha?" Madalas kasi syang ma bully at ako lang ang nagtatanggol sa kanya.
"Sige na ho.." Sumakay na ako sa traysikel at kumaway bago umalis medyo malayo-layo ang byahe namin kaya natulog muna ako.

Pasado alas dose ng tanghali ng magising ako sa ingay medyo na gu-gutom na ako kaya niyaya ko muna si manong driver na Kumain sa restaurant.

"Manong, tara kain muna ho tayo meron ho
dung malapit na resto kain muna tayo--"

AAAAAAHHHH

"Aray ko!!! Hala! Manong ayos lang ho ba kayo!?" Tanong ko kay manong driver at sabay na tumingin sa kotse na napahinto din. Agad akong sumugod at pinag pa-palo ang kotse.

"Hoy!! Lumabas kayo dyan!!!" Pasigaw kong sabi sa nagmamaneho.

"Arghh, shit!" Sabi ng lalaki na medyo may itsura.

"Hoy! Tingnan nyo ang ginawa nyo!" Galit na galit kong sabi sa gwapong lalaki.

"Driver, wallet." Aba medyo mayabang sayang may itsura pa naman. Kumuha sya sa wallet ng libo- libong pera at ibinato sa akin.
"O, ayan na!! May hinahabol ako kaya umalis kana!"

"Ano?! Ganon-ganon nlang ha?!"

"Fine, what do you want--" Sinampal ko sya dahil deserve nya naman yon at di manlamang nag sorry dahil nabangga nya kami.

"What the hell?!" Tinulak nya ako at bumalik sa kotse kasama ang kanyang driver.
"Driver, let's go! Nawala na sya o!" Sigaw nya sa driver.

"Aba putangi-- hoy!! Hoyy!!!" Hindi ko naman mahahabol ang kotse dahil sa bilis ng takbo nito.

"Manong, tara ho dalhin po kita sa ospital." Yaya ko kay manong na may sugat sa braso.
"Hindi na po ma'am hihingi nlang po ako ng tulong at kayo naman po magcommute na medyo tanghali na ho kasi eh" Diko alam Kay manong kung bakit ayaw nya pero kung un ang gusto nya sundin ko nlang.
"Sige ho manong magiingat po kayo ahh! Salamat po!" Naghanap ako nang traysikel at tumuloy na hindi manlamang ako nakapag lunch siguro pag dating ko nalang kay tita Marta ako kakain.

Alas siyete na ng gabi ako nakapunta sa apartment at medyo nakakatakot dito kasi ang dilim at wala masyadong tao. Maya-maya nakita kona si tita na may dala-dalang puto at kutsinta.

"Tita!!! Hehehehe"

"Oh!! Lori-- este Max!!" Sabi ko na eh lagi naman nadudulas ang dila nila kaya ako nalang magpapasensya.
"Lori...." Mahinang sabi ko sabay na yumuko.
"Naku!! Pasensya kana ha.."
"Hindi po ok lang po.." Nalilito parin ako kung ano mararamdaman ko kung magagalit ba o malulungkot, pero hindi panahon para maging malungkot ako ngayon!
"Tita..." Mahinang sabi ko Kay tita.
"Hmm?" Nakigaya naman sya at humina rin ang boses.
"It's my New beginning!!

Hi readers!! Don't forget to follow me ha?? New chapter every Monday to Friday 😀👏

Max or Lorelei? (Fan Fiction)Where stories live. Discover now