"Binalaan na kita diba? Ang sabi ko layuan mo siya kung gusto mo ng tahimik na buhay! Hahayaan ka namin pero hindi ako papayag na mapunta ka sa gold digger na yun Lara! Kahit itakwil mo pa kami ng mommy mo ay hindi ako papayag na mapunta ka sa basurang babaeng yun!" Galit din na sabi niya sa akin , akala ko this time magbabago na siya akala ko sa mga lumipas na panahon na hindi ko siya nakita at nakasama ay nagbago na siya pero hindi , walang sinuman ang kayang magpabago sa taong ganyan na at ginugusto pa yung ginagawa niya.

"Hon please kahit ngayon lang hayaan mo na yung anak natin na maging masaya, pakiusap lang sobra na siyang nasasaktan , tama na at itigil mo na lahat ng ito para sa kanya hon" sabi ni mom kay dad habang nakahawak siya sa mga kamay ni dad at ako naman ay napapailing iling nalang sa sobrang galit na nadarama ko napaka manhid niya talaga eh no?

"Grabe kana dad?! Wala kang kasing sama! Di na ako magtataka kung hindi lang ito yung ginawa mo , napaka gahaman at sarili mo lang ang iniisip mo, nagpunta ako dito para i confirm talaga na kasama ka sa may gawa ng ganitong nangyayari sa akin but ano pa ba ang aasahan ko sayo? Ano pa ang buhay na haharapin ko ngayon, kung hindi niyo ako hahayaan maging masaya mas mabuti nalang na mawala na ako sa mundong ito!" Kinuha ko na yung pocket knife sa may bulsa ng jacket ko kasabay nun ay ang pag open ko at pag tutok ko nun sa may pala pulsuhan ko.

"Anak please wag mong gawin yan! Magagawan pa natin ng paraan ito pero hindi yan sagot sa problema mo" naiiyak na sabi ni mom habang papalapit siya sa akin , hindi ko na kaya pa lahat ng nangyayari na ito.

"Mom iniwan na ako ni brei dahil sa kanya , ubos na ubos na ako mom! Pagod na ako, sana maging masaya kana dad pag nawala na ako!" Ginilitan ko na ang aking palapulsuhan kasabay nun ay ang pagtagas ng mga dugo sa aking kamay , tuloy tuloy lang ako sa pagilit nun , ayoko na mabuhay kung ganito lang naman.

Hanggang sa unti unti nang nandilim yung paningin ko na sanhi upang matumba ako sa may sahig.

"Bilisan mo tumawag ka ng ambulansya!!!!!! Lara anak!!!" Sabi ng mama ni Lara habang hawak hawak ang kanyang duguan na anak.






















Brei's Pov

Nagmumukmok lang ako dito sa may kwarto ko , mukhang pinagsisisihan ko na ata na ginawa ko yun kay Lara pero kung ayun naman yung makakabuti sa kanya bakit hindi?

"Ate brei?! Kain na daw sabi nila mom and dad! Bumaba kana dito nang sa ganun ay makapagsimula na tayo ng hapunan" sigaw naman ni frances sa may pintuan ng kwartong ito.

Bumangon na ako at kasabay nun ay ang pagtayo ko ngunit nabigla naman ako ng may bumagsak na frame sa may likuran ko.

It was Lara's picture na ipina frame ko dahil sobrang cute niya doon, bigla naman akong kinabahan dahil doon at unti unti ko yung kinuha.

Damn sana hindi totoo tong nasa isip ko ngayon, ibinalik ko na muna ito sa may bed table at winalis ko na yung mga bubog.

Nang matapos ako ay agad na akong bumaba ng hagdan kasabay nun ay nagtaka ako dahil sa mga tinginan nila sa aking tatlo.

Napatingin naman ako sa tinitignan nila ngayon , nakabukas ang tv at ang bumungad sa balita ay....

Breaking News! Former Winkle Pop Member na si Lara Mae Layar ay isinugod sa hospital dahil sa umanoy sa pag gilit niya ng kanyang pala pulsuhan gamit ang dala niyang pocket knife sa mismong harap daw ng kanyang mga magulang! Kasalukuyang nasa Emergency Room ang naturingang sikat na idol at critical ang kondisyon for more upcoming updates abangan niyo lang po ang aming balita!

Halos mawalan naman ng lakas ang aking mga binti dahil sa aking nalaman na siyang dahilan upang mapaupo ako ngayon.

Parang pinipirat yung puso ko ngayon at nahihirapan akong huminga lumapit naman kaagad sa akin si Frances upang alalayan ako.

Tuloy tuloy lang ang pag agos ng aking mga luha sa mga mata this can't be? Bakit mo naisipang gawin yun Lara bakit? Hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag may nangyari masama sayo.

"Ate brei? Kailangan ka ni ate Lara ngayon tara na at puntahan na natin siya sa hospital" sabi sa akin ni frances tumango na lamang ako sa kanya at lumabas na kami kasabay nun ay siyang pagdating ni mark ngayon na may dalang sasakyan.

"Hop in!" Sigaw niya sa amin dali dali naman kaming sumakay na sa sasakyan niya.

Please mahal mabuhay ka lang at ipinapangako ko na ipaglalaban kita na papatunayan ko sa parents mo na hindi pera ang habol ko sayo.

A few minutes later ay napahinto si Mark sa kanyang pagmamaneho na sanhi upang magtaka ako.

"Mark bakit ka huminto? Mark magsalita ka! Bilisan mo na ang pagmamaneho sapagkat gusto ko nang makita si Lara!" Naiiyak na sigaw ko sa kanya ngunit napaestatwa naman na siya habang nakatingin lang sa phone niya.

Tito Joaquin

Mark? Im sorry to say this but Lara passed away right on this moment hindi na siya naka survive pa sa daming nawala na dugo sa kanya.

Humihingi ako ng tawad sa inyong lahat at lalo na kay brei sa ginawa ko , hindi sana mangyayari itong lahat kung hindi na ako nakisali sa kanilang dalawa.


"Mark sabihin mong prank lang to please! Hindi pwede buhay pa si Lara nayakap at nakausap ko pa siya kanina! Mark please magdrive kana! Gusto ko siyang makita buhay pa siya mark! Buhay pa siya!" Sigaw ko habang napahagulgul na sa pag iyak , niyakap niya naman ako at pati na din si frances para matigil ako sa pagwawala ngayon sa sasakyan.

"Brei im sorry..." Ayan lang ang narinig ko kay mark ngayon habang ako ramdam na ramdam ko na na mauubusan na din ako ng hininga pa na sanhi upang mahimatay din ako.

I DATED AN ANTI FAN (LABREI)Where stories live. Discover now