Chapter 30 Unknown Sender

Magsimula sa umpisa
                                    

“magpahinga ka na kaya muna?”.

“di pwede. Di pa tapos yung program pag natapos na tsaka na”.

“ah sige balik kana sa dept natin. Akyat lang ako sa office ni Charles”.

“okay”.

“ay teka”. Hinawakan ni Mitch yung kamay ko

“oh? Anyare?”

“pwede kunin ko yung pictures? At email noong sender baka sakaling malaman natin kung sino napapadala ng mga eto sayo”.

“ah sige”. Binigay ko sa kanya yung laptop ko at andameng niya pinipindot. Alam ko madameng connections yan si Mitch since mayaman sila. Kaya nagbabasakali din ako  na baka ma trace niya kung sino man kung na se-send ng mga pictures na yun

“okay done na save ko na sa flash drive ko. See you later”.

“okay sige”. Pumasok na ako sa office at sinubsob ko mukha ko sa table ko. Feeling ko lumilipad ako. High pare!

“oi Lex okay ka lang ba?”. Narinig ko yung boses ni Maam Loraine.

“Feeling ko I’m flying!”.

“Bangag ka nanaman. Di kapa natutulog noh?”.  

“tinatapos ko pa kase yung program sa system di ko mahanap error”.

“hay nako. Pasensya kana Lex ha”.

“keri lang maam ano ka ba”

“kung gusto mo mag half day ka nalang muna ngayon. Para makapagpahinga ka naman”.

“talaga maam? Pwede bay un?”.

“oo pwede naman”.

“salamat maam!”.

“ingat sa pag uwi ha”.

Kinuha ko agad cellphone ko at tinxt si Chocs.

*Una na ako uwi. Pinag half day ako ni Maam Loraine*

Niligpit ko na mga gamit ko sa table at nilagay sa bag ko.

*kita tayo sa car park. Hatid kita*

Ambilis mag reply ng lalaking eto. Adeek lang sa text? Hohoho

*okay*

Pagbaba ko ng car park naka-sandal si Charles sa kotse niya ang gwapo lang *0*

“Bakit ka nag half day?”.

“zombie na daw kase ako”.

“lika hahatid na kita”.

Sumakay naman ako agad sa kotse  Antahimik langs!Wiw.

“antahimik mo yata Chocs?”.

“ah wala naman”. Naka focus lang siya sa daan.

“alam niyo mo ba ang weird ni Mitch. Same pa kayo ng sinabi kanina”.

“yaan mo nalang yun”.

“I know”.  Nag vibrate yung cellphone ko.

*1 MMS Received*

Another picture again.

“Sino nagtext?”. Kahit kelan napaka chismoso ng taong eto. Kulang nalang i-wire tap cell phone ko e.

“MMS lang. Picture ulit”.

“patingin”. Kinuha niya cellphone ko.

“mamaya mo na tingnan baka mabangga tayo e”. tinago ko yung cell phone sa bulsa ko.

After 30 minutes andito na kami sa bahay.

“pasok na ako chocs ha. Sorry di ko na talaga kaya e”. pagpasok na pagpasok ko ng kwarto ko tumalon ako agad sa kama ng hindi manlang nagbibihis.

Nagising ako ng 9PM ng gabi dahil sa pagtalon ni Cloud sa kama ko.

“Cloud shoo! Inaantok pa ako!”. Taboy ko sa kanya.

“wala kase ngayon si Sydney kaya ikaw muna iistorbohin ko”. Sagot niya pa.

“maraming salamat Cloud sa pag istorbo mo sa tulog ko. Porke wala yung gf mo ako ngayun napag ti-tripan mo”.

“pero ng ikaw na eemo noon kay uhm”. Tinakpan ko bunganga niya.

“oo na sus nagpapa konsensya pa”.

Biglang tumunog nanaman cellphone ko. Kinuha naman agad ni Cloud sa bag ko.

“sige Cloud! Parang sayp yata yung cellphone ko e”. in-unlock niya agad yung cell phone ko. Kaming dalawa lang nakaka alam ng password ng cellphone ko.

“sino nag send sayo nito?”. Pinakita niya sa akin yung pictures.

“hindi ko din alam. Last week pa yan e”.

“kilala mo yung lalaki?”.

“hindi malamang. Kung kilala ko yung lalaki malamang matagal ko nang nasalvage yun” na i-kwento ko na dati kay Cloud about sa nangyari ng gabing yun.

“paano kung iwan ko ni Charles kapag nalaman niyang nawala ko lang ng ganoon ganoon yung pinakaiingatan ko?”.

“mahal ka noon tiwala lang”.

“lahat nalang ba ipapa alala kung gaano ako kamahal ni Charles? Tsk”.

“sige tulog ka na ulit. Aalis na ako”. Paalam niya sa akin.

“pagkatapos mo ko istorbohin gumaganyan ka”.

“may naalala pa kase akong gagawin ko”.

“sige ingat nalang”.

Paglabas ni Cloud pinagmasdan ko yung picture na bagong dating. Isa lang masasabi ko.

“kilala ko talaga tong lalaking eto”.

 ****

 I'll be updating the next chapter as soon as may 100 votes and 50 comments ang chapter na to. Game!

He's so hot [Complete] || She's so Hot [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon