Chapter 1

33 2 0
                                    

"Hey! Jha, 'di ba 'yon yung crush mo?  Look,
oh. May lumilingkis na ibang babae!" Anang kaibigan ni Jhamaica sa kanya. Nakanguso na itinuro nito ang lalaki na kanina pa nila sinusundan.  Naningkit ang mga mata ni Jhajha nang makita ang isang babae na pilit na ikinakawit ang mga kamay sa leeg ni Alex. 

"Oh, isang shot pa, tapos lapitan mo na ang crush mo!" Iniabot sa kanya ng kaibigan ang Raspberry Martini Red cocktail ladies drink na hawak nito. "Drink it! Then, go and make some move! Paano ka mapapansin ng crush mo kung hindi ka nagpapapasin di'ba?" tumaas ang kilay niya sa sinabi ng kaibigan. Tama nga ito, paano siya mapapansin ng lalaki na matagal na niyang sinusundan kung hindi siya gagawa ng paraan para mapansin nito. Isa pa, bihira lang naman ito magpunta sa bar kaya panigurado pagkatapos ng gabi na iyon. Ilang buwan pa ulit ang bibilangin niya upang makita ang lalaki. Hindi na siya nag-aksaya pa ng oras na sagutin ang kaibigan. Mabilis niya na kinuha ang Cocktail drinks  na hawak ng kaibigan at inisang lagok iyon. Alam niya na hindi pa naman siya lasing, at bawal siya na maglasing ng todo dahil panigurado na masasabon siya ng kuya Roldan niya.  At pagnakarating na naman sa kuya niya na nagpupunta na naman siya ng bar. Panigurado na ika-cut down na naman ang allowance niya the whole month. 
Mabilis siya na lumakad  papunta sa kinaroroonan ng lalaki. "Go! Girl! 'wag na 'wag kang babalik dito sa table natin hanggang hindi mo nabibihag ang puso ng crush mo!"  Habol na sigaw ng kaibigan sa kanya. Pilya siyang napangiti  sa tumatakbo sa isip niya ng mga sandaling iyon.

I will make sure that this night, you'll be mine, and you'll be under my spell, while your lips groaning my name.

 
Nang makarating siya roon, malagkit niya na tinapunan ng tingin si Alex, at lihim siyang napangiti dahil mukhang naa-ayon sa kanya ang gabi na iyon. Sawakas! Nakuha na rin niya ang atinsyon ng lalaki. Nakita niya na pinalis ni Alex ang kamay ng babae na kanina pa pilit na lumilingkis sa batok ng nito, napalunok siya nang hinaguran siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. Pagkatapos ay pinanatili ng lalaki ang mga mata sa bahagi ng mukha niya. 

This is it pancit! Ito na ang pinakakahihintay mo girl! Kaya 'wag na 'wag kang magba-back out kung hindi sasabunutan kita!

 Pinalamlam niya ang mga mata at nakipag sukatan ng tingin sa lalaki. Parang gustong bumigay ng mga tuhod niya sa sandaling iyon. Parang baga ang mga mata ng lalaki na pumapasok sa kanyang katawan. Hindi niya sukat akalain na darating ang oras na iyon na mapapansin siya nito. She will never waste the opportunity to take him. Once in a blue moon lang iyon mangyari, Kaya hindi na siya magsasayang pa ng oras. 

Just one night with you, and I will going to forget you, Alexander Lawrence, David.

Nang makatiyak siya na mukhang naaapektuhan na ang lalaki sa malagkit nila na pagtititigan. Hinaguran niya rin ang lalaki mula ulo hanggang paa. Napalunok siya ng mapadako ang mga mata niya sa ibabang bahagi ng harapan ng lalaki.  Kumakabog ang dibdib niya sa sobrang kaba na nararamdaman. Parang hindi na niya kakayanin pa na makipagtitigan kay Alex. Hindi siya sure sa ginagawa niya dahil hindi naman siya talaga ganoon klase na babae, pero hindi niya alam kung bakit may bahagi ng utak niya na tinutulak siya na gawin ang bagay na iyon. Nahagip ng mata niya na kumaway sa kanya ang kaibigan. At tila may sinasabi ito sa kanya, pero hindi naman niya ito maintindihan sa lakas ng tugtug na pumapaibabaw  sa bawat sulok ng bar.  Basta nakita niya na lumapit ang kaibigan sa lalaki na D.J ng bar, at may binulong ito roon. Makaraan ang ilang  sandali ay muli itong humarap sa kanya at nag flying kiss pa ito. At pagkatapos ay nag heart sign gamit ang mga daliri sa dalawang kamay nito. Nakakunot ang noo niya na pilit na inuunawa ang gustong sabihin ng kaibigan. Bigla siyang na pangiti ng i-play ng D.J ang favorite song niya na "Dust till Dawn "  by collab, between Zayn and  Sia.  Mahahalikan talaga niya ang kaibigan sa sobrang pasasalamat niya rito. Kaya pala ito lumapit sa DJ ng bar upang i request ang favorite niya na music na iyon. Alam kasi ng kaibigan niya na gustong-gusto niya ang music na iyon para kay Alex. Kaya promise niya sa sarili, I-te-treat talaga niya ng bonga ang kaibigan! 

ACCIDENTALLY YOURSDonde viven las historias. Descúbrelo ahora