Chapter 2: Game Crest Organization

Start from the beginning
                                    



Ipinakita ko sa driver ang invitation letter na natanggap ko. Kinuha na niya ang bagahe ko at hinayaan na akong pumasok. Napansin ko na marami ng tao sa loob. Gusto ko sanang umupo sa gilid ng bintana pero naunahan na nila ako. Wala ng bakante sa tabi ng mga bintana. Naglakad ako at napansin ko ang isang lalaki na tila natutulog na. Natatakpan ang mukha niya ng sumbrero at prenteng nakasandal ang ulo sa bintana. Umupo ako sa tabi niya. Kung natutulog siya, mas magiging madali ang pagsulyap ko sa labas ng bintana dahil hindi siya masyadong gumagalaw. Hindi rin siya maingay.



Ilang minuto lang ang hinintay namin bago umandar ang bus. Isinandal ko ang likod sa upuan. Pinagmamasdan ko lang ang mga nagtataasang building na nadaraanan namin. Organisado rin ang mga levitating cars na nagliliparan sa skyways. Ilang oras lang ay napansin ko na dumaraan na kami sa isang malaking tulay. Natanaw ko na ang asul na dagat. Sa tantiya ko ay malapit na kami sa destinasyon namin. Natatanaw ko na rin ang ibang isla. Totoo na konektado ang mga isla sa pamamagitan ng mga naglalakihang tulay. It almost formed a cirle of islands. Pero kumunot ang noo ko nang mapansin na may isa pang isla sa pinakagitna ng apat na isla. May apat na tulay na konektado sa pinakagitnang isla na 'yon hanggang sa bawat isla. Akala ko apat pero lima pala ang islang pagmamay-ari ng Game Crest. It's not a circle anymore. It's actually a star-connected islands.



Sa pinakagitnang isla, naroon ang limang palapag na headquarters ng Game Crest Organization. Mapapansin ang crescent moon na tatak sa tuktok ng building. Tumigil kami sa harap ng isang mataas at malapad na building. Nagsibabaan na ang mga kasama ko sa bus at halatang excited na excited na. Hinintay ko munang bumaba silang lahat para hindi hassle. Tatayo na sana ako nang matigilan ako. Natutulog pa rin ang lalaking katabi ko.



Bumuntong-hininga ako. Wala akong pagpipilian kundi ang gisingin siya. Tinapik ko siya sa balikat. Sa simula, magaan lang ang pagtapik ko hanggang sa unti-unting lumakas. Kaunti na lang at yuyugyugin ko na sana ang balikat niya pero gumalaw ang mga kamay niya upang pigilan ako. Hawak niya nang mahigpit ang pulsuhan ko. Napangiwi ako dahil sa sakit. Inalis niya ang sumbrero sa mukha at mapungay ang mga mata na tumingin sa 'kin. Halatang inaantok pa siya. Mukhang wala pa siya sa huwisyo. Pero kapansin-pansin ang gwapo at maamo niyang mukha. Matangos din ang ilong at mapupula ang mga labi niya. Katamtaman lang ang haba ng mga pilik-mata niya.



"Why?" iritableng tanong niya sa 'kin. Maniniwala na sana ako na mabait siya kung hindi lang siya nagsalita. Sana itinikom na lang niya ang bibig niya. Mas magmumukha pa siyang anghel kung ganu'n ang ginawa niya. I frowned. Dapat nga magpasalamat siya dahil ginising ko pa siya. Binawi ko na ang kamay ko na hawak niya.



"Look around and you'll know. Observe first before you ask," naiinis na sagot ko. Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya. Bumaba na ako. Kinuha ko rin ang traveling bag ko. Nakita ko sina Frey na nakatingin sa 'kin pero hindi ko sila nilapitan. Ipinakita ni Faye ang mobile phone niya sa 'kin. I get what she meant. Pasimple tumango ako at kinuha ang mobile phone ko. We exchange messages.



Pasimple kong pinagmasdan ang paligid. May mga puno sa paligid at mapapansin ang isang beach sa pinakadulong bahagi ng isla na kinaroroonan namin. Pumasok kami sa loob ng building. Ipinakita namin ang invitation at ihinatid na kami sa kanya-kanyang silid. Marami kaming silid na nadaanan. May iba't ibang rooms na nakaassign sa 'min. May isang staff na nag-aassist sa bawat participants. Pumasok kami sa isang silid sa ikaapat na palapag.

Alkia Kingdom: Beyond the Ranking QuestWhere stories live. Discover now