Chapter 2: Game Crest Organization

Start from the beginning
                                    



"Pinainom mo ba siya ng gamot?" pagbibiro ko kay Frey.



"Narinig ko 'yon!" pagmamaktol ni Faye na nagmamadaling humabol sa 'min.



"Nakalimutan ko. Saka na lang siguro kapag naglaro na tayo," natatawang sabi ni Frey. I chuckled. Ngumuso si Faye pero alam ko naman na sanay na siya sa 'min ni Frey. We're childhood friends. Madalas silang dalawa ang nakakasama ko sa paglalaro.



"Remember. Magpanggap muna tayong hindi magkakakilala sa simula. Let's use our mobile phones to communicate when we are outside the game. Maghiwa-hiwalay muna tayo paglabas natin sa airport," seryosong sabi ko sa kanila.



"Kailangan ba talaga?" takang tanong ni Faye.



"Yes," sagot ko kay Faye.



Tumingin sa 'kin si Frey. "May plano ka na kaagad?" interesadong tanong niya.



"Wala pa. But we will reunite inside the game. Tayo pa rin ang magiging magkagrupo. Iniiwasan ko lang na may makakilala sa totoong identity ko. Tiyak na mamaliitin nila ang kakayahan ko kapag nalaman nila na babae ako. Let's be cautious for now," seryosong sagot ko.



"Ibig sabihin, lalaki pa rin ang magiging character mo?" gulat na tanong nilang dalawa.



"I think so. At saka magtataka sila kapag naging babae ang character ko," natatawang sagot ko sa kanila. Hindi makapaniwalang tumingin ang dalawa sa 'kin. Tinaasan ko sila ng kilay dahil sa pagtataka na nakaguhit sa bawat mukha nila. Sabay silang umiling.



"Siguro mas maganda kung mamaliitin ka nila. Because of their overconfidence, they will surely let their guard downs. They will not take you seriously. Matatalo mo sila kaagad nang walang kahirap-hirap. Alam kong kaya mong maglaro nang maayos kahit babae ang character mo. Pero bahala ka na nga. Decide what you think is right for you," sabi ni Frey. Hindi na rin nagsalita si Faye. Weird ba talaga ang desisyon ko? Pero may point si Frey. But It will not be exciting anymore if they don't take me seriously.



"Saka na tayo gumawa ng plano kapag nasubukan na natin ang laro. Let's just enjoy for now," sabi ko na lang.



"Sure, Captain!" masiglang sabi nilang dalawa. I frowned because of the fast shifting of their moods. Bago kami lumabas sa exit ng airport, naghiwalay na kami. Mas nauna akong lumabas. Napansin ko na maraming tao sa harapan ng airport. May number na nakaassign sa bawat bus na susundo sa 'min. Lumapit ako sa number four na bus. Sa ibang bus sasakay ang kambal kaya hindi ko sila makakasabay.

Alkia Kingdom: Beyond the Ranking QuestWhere stories live. Discover now