Dear Ex Part 6

36 1 1
                                    

"Taneo I'm sorry." she said habang lumuluha.

"Jolina." tawag ko kanya

"Taneo, di mo deserve 'yon. I'm so sorry."

"Jolina" wala akong ibang masabi kung hindi ang pangalan niya.

Kung nasasaktan siya ngayon, naiintindihan ko. Ang ayoko lang ay nakikitang siya na ganyan, na wala akong magawa para sa kanya dahil nasasaktan din ako ngayon.

"Hindi ko alam kung saan ako magsisimulang magpaliwanag sayo. Sobrang nahihiya ako sa ginawa ko."

"Jolina, lahat ng paliwanag mo iintindihin ko. Just tell me bakit tayo humantong sa break-up. Ang pagkakatanda ko kasi wala naman tayong pinag-awayan na pwede maging dahilan ng break-up natin."

"Kaya nagsosorry ako e. Naging mabuti kang boyfriend sa akin pero sinaktan lang kita."

"Tell me"

"Taneo"

"Maiintihan ko."

"Hindi alam ni tita ko na nagkaboyfriend ako. No'ng nalaman niya, nagalit na galit siya."

"Then,"

"Pinapili niya ako between you or my studies. Kapag itinuloy ko pa raw ang pakikipagrelasyon ko sayo, titigil ako sa pag-aaral. That moment hindi ko alam kung ano ang gagawin ko."

"Bakit hindi mo ako kinausap?"

"Kinuha nila ang cellphone ko. Sila rin ang nagdesisyon. Sila ang nagtext sayo ng mga 'yon. Ayoko talagang gawin 'yon pero wala akong magawa. Ayokong mapalayo sayo, pero hiyang-hiya ako sa mga sinabi nila sayo. Para kasing ako na rin ang nakasakit sayo."

"Naiintindihan ko." sagot ko kahit ang totoo ay nasaktan ako lalo.

Bakit kailangang mangyari ito.

"Bakit ganyan ka Taneo.? Naiintindihan mo pa rin kahit nasasaktan ka na.?"

"Maiintindihan kita kahit masakit kasi mahal kita Jolina"

"Pero.."

"Jolina naiintindihan ko ang desisyon nila. Kung 'yan ang alam nilang makakabuti para sayo, tatanggapin ko. Maghihintay na lang ako kung kailan ka na papayagang magboyfriend"

"Paano if matagalan?"

"Kahit matagal. Kahit umabot pa yan ng 5 years, 10 years, maghihintay ako, basta ikaw ang makakasama ko sa future." sabi ko

"Taneo" umiiyak pa rin siya.

"Jolina, 'yong pangako sayo no'ng niligawan kita tutuparin ko 'yon. Ikaw lang ang mamahalin ko hanggang sa huli."

"And I'm lucky kasi sa dami ng babae, ako 'yong minahal mo."

"Jolina ako ang maswerte kasi binigay ka Niya sa akin. Worth it ang paghihintay ko kasi ibinigay Niya sa akin ang babaeng ipinagdarasal ko."

Siya ang una't huling mamahalin ko

"Wala akong ibang masabi kung hindi salamat at hinintay mo ako. Taneo, hindi kita hinanap kusa kang dumating sa buhay ko. Kaya sobrang mahal kita kaso.."

"Naiintindihan ko. Tatanggapin ko na gan'to palang tayo sa ngayon. Unahin mo munang tuparin ang pangarap nila para sayo, nandito lang ako palagi para sayo. Ngayon alam ko na ang reason kaya okay na ako, sana maging okay ka na rin. I'll patiently wait again, I promise you that."

She wipe her tears and look at me with her sweetest smile. "Thank you my Taneo."

"I love you my winnie." She just smile at me. Lumapit ako sa kanya and gently kiss her forehead.

Dear Ex [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now