Dear Ex: Part 1

146 4 0
                                    

Hindi na kita mahal.

Break na tayo.

Tinapos ng dalawang text na iyan ang dalawang taon natin.

==========

Three months na ang nakakalipas no'ng nakipaghiwalay sa akin si Jolina. Ewan ko ba, pero siya ang kauna-unahang babaeng minahal ko ng sobra.

Ako nga pala si Taneo, 4th year college na ako ngayon.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maintindihan kung bakit bigla akong iniwan ni Jolina.

Ilang beses ko siya sinubukang kausapin pero di niya ako pinapansin. Sa tatlong buwang pangungulit ko sa kanya sa chat o sa personal, na nauuwi lang sa pag-iwas niya. Kaya naisipan ko na lang na gumawa ng letters para sa kanya.

Napagod na kasi ako na suyuin siya ng personal eh kaya dinaan ko na lang sa sulat ang lahat ng gusto kong sabihin at itanong sa kanya.

Day 94:
Dear Ex,

Jolina alam kong naiinis ka na sa kakulitan ko pero masisisi mo ba ako? Hindi ko pa rin maisip na iiwan mo ako. Hindi ko alam kung ano ang dahilan. Maiintindihan ko naman kung sasabihin mo eh, hindi yung iniiwasan mo ako. Sa bawat pag-iwas mo ay mas sinasaktan mo ako. Mahal na mahal na mahal kita tandaan mo yan.

Tan-Tan

Dear Ex [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now