Thoughts About OPM and K-POP

184 6 3
                                    

Hay Nako.

Ewan ko ba. Sumagi lang sa isip ko na gawin to. Hindi to story. Oo hindi nga story. xD.

Me, myself and I.. ay isang K-POPPER.. Syempre dakilang K-POP Lover nako. Pero syempre pag K-POPPER ka, natural lang na pag may mga ampalaya at barakong kape (gets niyo?) ang umaligid sa mga comments, magagalit ka. Pero ako pinapabayaan ko lang naman yung mga yun. Pero napunta sa point na grabe na lalo na pag sinisisi na yung KPOP dahil sa ganyan.

Eto na nga yun. Yung mga maka-OPM (not all naman.. others lang) sinisisi nila ang K-POP kung bakit nasisira na ang industry nito. Oo sa panahon ngayon lalo na lumalaganap ang K-POP sa Pilipinas. Di rin natin masisisi ang mga tao.

Maka-KPOP nga ko. But still mahal ko pa rin ang OPM. Pero yung ibang mga pinoy na kanta I don't know pero di ko trip. Lalo na yung mga kantang gawa ng mga tambay. Hindi sa hate but ayaw na ayaw ko talaga. Ang tipo ko sa OPM yung mga bands like PNE, Eraserheads.. Pati na rin yung sina Sarah G., Yeng C., etc. Kung tutuusin yung OPM dati mas maganda pa kesa sa ngayon. Kung baga ang OPM dati napakalively.

I know Filipinos really love lively music. In my words, opinion ko lang, medyo di na rin lively ang OPM ngayon.

Yung K-POP nga eto sumulpot.

Nung una, dedmakels lang ako sa K-POP.. Pero I dunno why bigla na lang ako naadik sa K-POP. It's because siguro na catchy and lively ang music.

Eto na nga yung sinasabi ko sa inyo. About why do many Filipinos blame K-POP sa pagkasira ng OPM industry? Well, masasabi ko na di pa sira ang OPM industry.

Pero karamihan talaga sa Pinoy they blame K-POP talaga. Oo dedmakels ako dun pero talaga nung may nagsabi na puro noselift, retoke, etc. yung mga Koreans eh yun na yung nagtulak sakin na gawin to sa Wattpad.

Ang masasabi ko lang... Ano ang tawag niyo sa One Direction? kay Taylor Swift? kay Justin Bieber? Kung tutuusin mas marami pa silang Filipino fans kesa sa K-POP. Oo to be honest I also like 1D and Taylor Swift, maganda mga songs nila. Pero bat K-POP talaga ang dapat sisihin? Not to say na sisihin nyo rin ang 1D at si Taylor Swift. Pero bat laging KPOP?

Masasabi ko siguro kung bakit K-POP lang bineblame nila kasi di maintindihan. Oo ni ako di ko maintindihan yung lyrics. Pero nasa tono yun eh. Eh diba nga Music parang nagiging lengwahe narin yan? Wala ako pakelam kung di ko maintindihan.

Well, feel ko lalong dumami haters ng K-POP dito sa Pinas nung sumikat Gangnam Style dito. Kasi ang dami naman sikat na dance craze dito pero bat sumikat pa yung Gangnam Style? Oo di ko ganun gusto yung Gangnam Style pero gusto ko yung sayaw.. Pero mas gusto ko pa rin yung Cha-Cha.

Sabi nga nung iba, ang dami na daw nakuhang pera ng K-POP sa mga Pinoy. Well kagustuhan ng mga fangirls and fanboys na pumunta sa mga concerts and magkaroon ng albums and merchandises. Kung baga para sa mga K-POPPERS makapunta lang sa concert ay dream come true na.

Masingit lang. Kasi may mga K-POP Haters pala na sumasayaw ng Gangnam Style sabi sa isang meme. Lol what?

Sabi yata sa meme. "Kung makainsulto sa K-POP wagas, pero kung makasayaw naman ng Gangnam Style wagas din."

Well totoo nga yun.

Hindi sa ginaganyan ko ang OPM. Opinions ko lang naman ito eh. Mahal ko pa rin ang OPM kahit papaano kasi true Pinoy ako.

Tignan nyo nga si Sandara Park. Oo siya yung nagpasikat ng K-POP dito. Pero kahit ganoon mahal niya parin yung Pilipinas kasi nagsimula career nya dito.

Kaya sa mga Pinoy K-POP Haters diyan na bineblame ang KPOP sa pagkababa ng OPM industry. I don't care. Ang mapapayo ko lang, you support nalang them. Kasi pag madaming suporta sa isang singer eh lalo sumisikat to. Mas mabuting itaguyod nyo na lang ang pagiging OPM fan nyo kesa sa pagpopost ng harsh comments about K-POP.

Pahabol na Salita pa pala. Wag niyong sabihin na baduy ang K-POP at ang mga K-POPPERS tulad ko. Di porket nakikinig kami sa kantang di namin maintindihan at kumakanta na kami ng KPOP songs we're baduy. Pag sinabihan nyo pa kami uupakan ko kayo. Haha Just Kidding. :D

Sana talaga wala na ako makitang harsh comments from the haters. -_-

Ok you're free to comment. Sige ok lang kahit harsh comment yan.

I'm just saying na "Wag niyo na iblame ang KPOP.. Instead support ur favorite Filipino Singers nalang."

Basta I support both KPOP and OPM. Period.

_________________________________________________________________

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 26, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Thoughts About OPM and K-POPWhere stories live. Discover now