My lips parted. "Dahil sa Instagram post nung mokong na 'yun, tsk!" Reklamo ko.

"Mismo," she replied.

"Paano mo naman nasabi na magkaibigan lang kami?" Pinagtaasan ko siya ng kilay.

Nagtataka talaga ako dahil hindi ko pa naman nababanggit si Drake sa kanya. Sabi niya kasi, e, kung ano man ang mayroon sa amin ni Drake ay ganoon din ang mayroon sa kanila ni Kazuo. So, sinasabi ba niyang... may gusto rin sila sa isa't isa?

Na gusto rin manligaw ni Kazuo sa kanya?

At ayaw isugal ni Yuriko ang pagkakaibigan nila ni Kazuo?

"Hindi tayo mag-cocommute kanina kung may namamagitan sa inyong dalawa na higit pa sa pagiging magkaibigan," mahinanon niyang sabi. "Magkakaibigan sila nina Kazuo at Fourth, 'di ba? Hindi papayag ang tatlong 'yon na hindi nila maihahatid 'yung girlfriend nila kaya kung higit pa sa magkaibigan ang mayro'n sa inyo ni Drake, edi sana sinundo ka na no'n kanina." Nagkibit-balikat siya bago isalin lahat ng hiniwa ko kanina sa niluluto namin.

Point taken.

Kahit naman sa kaibigan nilang tatlo, hindi sila pumapayag na hindi ito magpapahatid pauwi. Pero kung sa taong mahal nila iyon, walang ayaw-ayaw dahil ihahatid ka nila sa ayaw at sa gusto mo. Kung ano man ang mayro'n sa'min ni Drake... Ayaw ko pa muna pagusapan iyon dahil sobrang gulo pa.

Iniiwasan ko siya.

Ako ang lumalayo at hindi siya. Kaya hindi niya ako mahatid o masundo dahil tinatakasan ko siya. Tinutulak ko pa rin siya papalayo dahil sa takot na nararamdaman ko.

Nagkibit-balikat nalang ako. "Medyo magkaibigan, medyo hindi," bulong ko.

Umiling lang din si Yuriko. "Ito dapat tama lang ang sukat na ilalagay mo para hindi masyadong maalat," aniya habang abala siya sa pagluluto at ako naman ay abala sa panonood sa kanya.

"Kaya ko ba 'tong lutuin ng hindi ka kasama, Yuri? Mukhang mahirap!" Reklamo ko.

"Kaya nga pinag-aaralan mo, e," sabi niyaZ "Para kanino ba kasi 'to? Bakit ka nagpapaturo? Sigurado ka ba na para sa Mommy mo 'to o para kay Drake?" Sunod-sunod niyang tanong.

Natawa na lang ako bigla dahil sa dire-diretso niyang tanong. "Wait, chill! Sasagutin ko naman lahat ng tanong mo, e, pwedeng one-by-one nalang? Madami naman tayong panahon para magusap!"

Hindi ko pa rin mapigilan ang tawa ko. Sinabayan ko pa nga ito ng pagpalo sa counter top nila dahil sa sobrang tuwa. Natigil lang ito nang mag ring ang phone ko na nasa coffee table sa may sala.

"Kunin mo na, Celest," ani Yuriko.

'Kuya <3 is calling... '

Sinagot ko ito kahit na wala pa rin akong balak na kausapin siya. Baka kasi importanteng bagay ang itinawag niya kaya hinayaan ko na lang muna. Tinapat ko ang telepono ko sa'king tenga. Wala akong marinig kung 'di ang ingay ng background music mula sa kabilang linya.

"D-drake?"

[Hello? Tash?] Hindi ako pamilyar sa boses nito.

"Uh... Bakit? Sino 'to?" Tanong ko.

[This is Koby speaking, uhm, friend nila.... Can you come over ba?]

"Why? What happened?"

[Drake passed out, e... Ayaw naman umuwi unless ikaw daw ang susundo.]

"Where's Fourth and Kazuo? Bakit hindi nila ihatid 'yang tropa nila?" Umupo ako nang pabalang sa sofa.

[Fourth's picking up her girl daw sa Ateneo. I forgot her name and Kazuo's on his way to pick you up.]

Bawat Daan (Puhon Series #1)Where stories live. Discover now