Nakalimutan ko... (One shot)

Start from the beginning
                                    

"Ayy teka. Schoolmate kita nung elementary at highschool diba?" biglang tumalon ang puso ko. Mygash. Napapansin naman pala niya ako kahit papaano. Ang saya-saya ko grabe. Ito na ata ang pinakamasayang araw ko sa mundo.

Hindi pa kita masyadong masagot ng maayos pag tinatanong mo ako dahil nahihiya ako sayo. Kinakabahan na parang timang. Ang tagal kong hinintay ang pagkakataon na ito.

Alam mo ba na ang wish ko nung mga oras na yun ay tumigil ang oras? o kaya wag munang dumating yung prof. Gusto pa kasi kitang makasama ng matagal. Baka kasi ito na rin ang huli nating pag-uusap kaya ayokong matapos ang sandaling ito.

Pero mukhang ayaw saakin ng tadhana dahil kakawish ko palang, dumating na yung prof at binigyan lang tayo ng 1 hour para tapusin ang exam. Nainis ako dahil sinira niya ang moment natin.

Hindi ako makapagconcentrate dahil naiisip kita at nalulungkot ako na baka pagkalabas natin sa room na ito, babalik nanaman tayo sa dati. Hindi nanaman magpapansinan at hindi mo nanaman ako kilala. Ayoko!. Sa nangyari ngayon, mas lalo kong gusto na mapalapit sayo.

Nagulat ako dahil 30 minutes palang tapos ka na. Eh wala pa nga akong nasasagot kahit isa eh. Nagpaalam ka saakin atsaka ka na umalis. Nakakainis. Hindi ko na nagawa pang tapusin ang exam dahil na blanko ako. Wala na akong maisip kundi ikaw. Nakalimutan ko na nga lahat ng pinag-aralan ko. Nagpunta nalang ako sa tahimik na lugar sa school para mag-isip.

Dun na nga siguro matatapos yun. The End. Dedbol. Wala na talaga. Gusto pa kitang makasama. Gusto kong maging magkaibigan tayo kahit papaano. Pero kahit yun ata ayaw ibigay ng tadhana.

May ginawa ba akong kasalanan sa past life ko para maranasan to?. Nakapatay ba ako ng malandi? o nambasted ng gangster?. Hay ewan. Sana naman kaibigan na ang turing mo saakin. Kahit hanggang dun lang magiging okay na ako. Magiging masaya na ako.

Isang araw nakasalubong kita. Bigla akonb sumaya dahil pinansin mo ako. Nag 'Hi' ka saakin at nag wave kapa at may kasama pang ngiti. Napa 'hello'naman ako sayo. Sobrang saya ko nanaman nun dahil yung simpleng 'hi' mo lang, napasaya na ako. Kahit na wala lang yun sayo.

"Late na ako!" nagmamadali akong tumakbo papasok ng school. Pero pinalabas lang ako ng prof dahil 30 minutes na akong late. Nalungkot ako pero okay lang. Nakakaboring naman ang subject na yun eh. Nag stay lang ako sa may bench.

"Uyyy" that voice. Napalingon ako at nakita kita. Nakangiti ka saakin at nabuhay nanaman bigla ang mga labi ko at ngumiti pabalik sayo.

"Bakit ka nandito? Wala kayong prof?" umiling ako at sinabing late ako kaya napalabas ako ng prof. Natawa ka naman ng malakas at sinabi mong ganun din ang nangyari sayo.

Minsan tuloy naiisip ko na tadhana talaga tayo dahil sa mga nangyayari eh. Parehas kasi tayo. Kinilig naman ako sa naisip ko.

Nagkwentuhan nanaman tayo kaya ang saya ko. Na parang nagwawala na ang puso ko sa sobrang saya at kaba.

"Nililigawan mo ba si Aina?" nabigla ako sa tanong ko sayo. Waaaaaa! babawiin ko na sana ang tanong ko pero nagulat ako sa pagngiti mo. Is it a yes?. Huwag please! Huwag mong sabihing oo dahil kung nagkataon na maging kayo, baka kayo na talaga forever kasi sobrang fit kayo sa isa't-isa.

"Ah yun ba?. Oo" biglang gumuho ang mundo ko. Nag excuse ako sayo na magccr lang ako pero pinipigilan kong tumulo ang luha ko. Agad-agad akong tumakbo papunta sa cr at nagkulong sa isang cubicle. Ang tanga ko talaga. Ako naman ang may kasalanan nito eh!. Bakit kasi tinanong pa!.

Alam ko namang nililigawan mo si Aina pero mas masakit pala kung manggagaling mismo sayo. Idagdag pa na sobrang saya mo nung sinagot mo ako. Kitang-kita yun sa mukha mo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 04, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Nakalimutan ko... (One shot)Where stories live. Discover now