Nakalimutan ko... (One shot)

677 49 5
                                    

Tristan Aguilar.

Ikaw na hinahangaan ko na simula nung elementary. Nagsimula lang ang lahat nung nakyukyutan ako sayo dahil may pulbo ka sa likod at may towel pa e kalalaki mong tao. Syempre normal lang yun dahil bata ka pa pero dun ako unang naattract sayo. Ewan kung bakit. Nung highschool na tayo, nalaman ko na sa ****** Academy ka pala mag-aaral. Syempre ako naman na si anino ay susunod sayo. Yun na siguro ang tinatawag nilang puppy love.

Gusto kita palaging nakikita pero kinakabahan sa tuwing makakasalubong mo. Ang labo diba?. Para akong tanga na gusto kang malapitan pero natatakot at kinakabahan pag kaharap na kita. Ang weird ko no.

Isang araw nabalitaan ko na nililigawan mo yung isang kaklasi mo. Nagalit ako at nainis!. Buti pa siya napansin mo, ako simula elementary magka schoolmate na tayo pero parang hindi mo pa ako kilala.

Kung kaklasi kaya kita, mapapansin mo kaya ako?. Pero malabo ng mangyari yun dahil masyado kang matalino, average lang ang IQ ko. Sana lang dumating yung tamang panahon na paglapitin tayo ng tadhana.

Bago matapos ang high school life natin, nabalitaan ko nalang na nagbreak kayo ng girlfriend mo dahil ipinagpalit ka niya sa iba. Diba dapat masaya ako dahil may katiting na pag-asa nanaman ako sayo. Pero sa twing nakikita kitang malungkot, naiinis ako sa ginawa sayo ng babaeng yun. Sino ba siya para saktan ang isang Tristan Aguilar. Walanghiya siya ah!. Gusto ko siyang sabunutan dahil sa kalandian niya. Nakakapakshet!.

Atlast, nagcollege na tayo. As usual parehas nanaman tayo ng school at kurso. Pero as usual parin hindi tayo magkaklase dahil grabe IQ mo eh. Nasa A ka habang nasa C ako. Ang layo ng agwat natin. Nakakainis dahil hindi talaga kita maabot kahit anong gawin kong pag-aaral. Bakit kasi hindi ako ipinanganak na matalino eh.

Nabalitaan ko nanaman na may nililigawan ka. Eto nanaman ako na iniimbestiga kung sino ang babaeng yun. Alam ko masakit pero ano pa bang magagawa ko?. Gusto ko lang naman na maging maayos ka sakanya. Kaya aalamin ko kung anong ugali niya. 

Napanatag naman ako nang malaman kong yun ay ang bestfriend mo. Alam kong hindi pa yun alam ng public pero dahil stalker na ako since elementary, nalaman ko din. Palagi kayong magkasama kahit nung highschool pati ngayon kaya naman mas lalong lumakas ang hinala ko. Parehas lang kayo kaya siguro siya ang natipuhan mo. Syempre nasaktan nanaman ang puso ko. Alam ko namang hindi mo ako mapapansin eh pero handa akong masaktan basta alam kong masaya ka.

Tanga na kung tanga. Ganun ako magmahal. To the highest level. Maximum. Todong-todo. Na minsan humahantong na sa wala ng natitira para sa sarili ko.

Pagkauwi ko agad akong nahilata sa kama at naisip nanaman kita. Umiiyak nanaman ako dahil naaawa na ako sa sarili ko pero hindi kita magawang bitawan. Mas masakit yun. Ayoko, kaya kuntento na muna ako sa ngayon na nakikita kita araw-araw.

Isang araw nagkasakit ako at hindi ako nakapasok. Midterm exam pa naman pero hindi ako nakapasok dahil sa sobrang taas ng lagnat ko. Sabi ng doctor masyado daw akong nadedepressed. Siguro dahil yun sa sobrang pag-iisip ko sayo.

Nakapasok ako kinabukasan pero napagalitan ako ng prof pero pinagtake naman ako ng exam pagkatapos kong ipakita ang pirma ng doktor ko. Pinapasok ako sa isang room at nagulat ako dahil nandun ka. Anong nangyayare? bakit ka nandito?.

Nginitian mo ako kaya naman bigla nalang din akong napangiti. Na parang may buhay ang sarili kong labi dahil sila na mismo ang ngumiti sayo kahit hindi ko pa pinahihintulutan.

Kinwentuhan mo ako saglit habang wala ang prof na magbibigay ng exam. Sabi mo nagkasakit ka rin kahapon. Alam mo ba na ang saya-saya ko dahil ito ang unang beses na kinausap mo ako. Ang ganda ng boses mo at ang way ng pagsasalita mo. Ang cool mo. Ang friendly mo pa dahil kinakausap mo ako kahit hindi mo ako kakilala.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 04, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Nakalimutan ko... (One shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon