Chapter 16

24.2K 488 81
                                    

AN: Again, sobrang thank you sa lahat ng ngvote and nagcomment. Hindi ko akalain na bebenta ang 'lumilipad na baboy' hehe. This chapter, medyo seryoso so hindi ko alam kung magugustugan niyo padin. I don't also know if this is worth the wait. Pigang piga na lang talaga ang utak ko,hehe

For real convo, kapag italicized, thought of the person yun. On with the story...

March 16, 8:19 pm
Dennise

Kuting

Please

Did I really hear you right?

Did you really say what I think you said?

Ui naman, alam kong inis ka but please usap naman tayo

Calling PutingKuting....Calling PutingKuting...

Toot Toot Toot

Calling PutingKuting....Calling PutingKuting...

Toot Toot Toot

Calling PutingKuting....Calling PutingKuting...

Toot Toot Toot

Bkt mo naman bnababa?

Calling PutingKuting....Calling PutingKuting...

The number you have dialled is currently unavailable. Please try your call later.

"Shit! Pinatayan ako ng phone. Baldo bakit ba naman kasi isa't kalahati kang tanga. Hay."

March 17, 8:46 am

"May isang puting kuting na nawawala." Pagpaparinig ni Ella sa kakababa pa lang na si Den.

"Kelan ka pa nagkapusa Ate Ells?" Takang tanong ni Jia.

"Actually hindi akin yung pusa, sa aso yung pusa."

"Ha? Agang-aga nakahithit ka agad." Kunot noong sabat ni Gretchen. Napansin kasi nya na nakangisi pareho si Ella at si Fille na parehong nakatingin kay Den na mukhang wala sa sarili.

"Ako pa talaga ang nakahithit? Yung pusa kaya dyan ang kahapon pang tulaley."

"Kaya nga eh, lutang na lutang. Lumilipad ang utak. Pakibaba nga." Sumali na rin si Fille sa panggagatong ni Ella.

"Oi kayo dyan, nagsasarili kayo. Share naman dyan. Kayo lang nakakaintindi ng pinag-uusapan nyo." Nacurious na din sina Marge sa pinag-uusapan ng dalawa.

"Huwag nyo ngang pinagpapapansin yang biik at inahing manok na yan. Napakatsismosa." Pinandilatan na ng mata ni Den yung dalawa, pero imbes na matakot lalo lang tumawa ang mga ito.

"Hala, bakit naging zoo na dito. Sino si Pusa? Si Aso? Inahing manok? Hindi ko na itatanong ang biik. Obvious na yun." Kahit si Captain Dzi ay nakisali na rin sa usapan. Napatigil naman sa pagtawa si Ella at siniringan na lang si Captain habang nagtawanan lahat.

"Hahaha. Burn."

"Tse, huwag nyo ngang ibaling sakin ang usapan. Mas maganda yung kwento ng aso't pusa."

"FilleGretch ba yan? Sila yung aso't pusa di ba?"

"FilleGretch? Luma na yan. Napagsawaan na natin yan. Iba itong bagong version, mas amusing. haha." Syempre nabatukan si Ella ni Fille.

"Inggit ka lang Donya at wala kang kapartner. Cute pa din kaya kami ni bebe ko." Tumabi pa si Fille kay Gretch at yumakap dito na lubos namang kinatuwa ni singkit.

"Mamaya na kayo maglampungan, sige na donya ikwento mo na ang aso't pusa version 2." Everybody made themselves comfortable. Medyo nagegets na nila na si Den ang pusa na tinutukoy ni Ella. Alam nila na laging tinutukso nito kay Den yung textmate na sinasabi nya pero hindi nila alam yung buong kwento kaya kitang kita sa kanila na excited na silang marinig ang kwento ni Ella. Si Dennise naman na hindi mapakali ay umakto ng tatayo para umalis pero agad syang hinawakan ni Ella at iniupo sa tabi nya.

One Message ReceivedWhere stories live. Discover now