“Pogi naman! Aagawan mo pa ko ng negosyo.” Biglang singit ni Ate Lisa sa usapan namin na halatang nagbibiro.

“Ate Ganda naman. Andami dami mo na ngang customers e. Mas mayayaman pa. E hindi naman kawalan si Ela. Isa lang to.”  Pagpapaliwanag naman ni Jacob kay Ate Lisa.

“Hahaha. Ikaw talaga pogi! Sige na nga. Malakas ka sakin e.” Muling pagbibiro ni Ate Lisa.

“O pogi o. Tapos na. Balik ka ulit.” Sabay ngiti naman ni Ate Lisa.

“Onaman Ate.” Sabay kinindatan pa nya si Ate Lisa. At halatang kinilig naman si Ate Lisa dahil sa nakita ko pang napangiti nanaman sya. Hahaha.

Sabay na kaming naglakad lakad ni Jacob. Pabalik na sana sya sa floor kung saan nakalocate ung mga offices bawat college at ako naman papuntang cafeteria para kitain na ung mga kaibigan ko nang biglang tawagin ako ulit ni Jacob.

“Ela!”

Napalingon ako sakanya at nakita kong papalapit sya sakin. Inantay ko lang na makalapit sya sakin para alamin kung bat nya ako ulit tinawag.

“Napag-alaman ko kasi na graduating student ka na. If I know, your on-the-job trainings are coming soon. Maybe you can come to ask if you need some companies. Pwede kitang i-recommend.” Sabay ngiti nya at abot sakin ng calling card nya.

“Thank you Jacob.” Kinuha ko na rin lang. Nakakahiya naman kasi kung tatanggihan ko pa. At lalong nakakahiya kung aasa nanaman ako sa tulong ni Mrs. Garcia. Dahil panigurado sya nanaman ang gagawa ng paraan para makahanap ng papasukan kung kumpanya. E sayang naman kasi ito na nga si Jacob. Saka matatanggihan ko ba tong poging to. Nung una ko palang syang nakita crush ko na agad sya.

Ayy! Ela ang landi mo nanaman. Wag ganyan. Nasan na ang pagiging Maria Clara naten? Hahahaha.

“Osige. See you some other time.” Sabay ngiti nanaman sya. Yung mga ngiti nya na gustong gusto ko laging makita. Saka parang matagal ko nang nakita.

Pagtalikod nya, agad nanaman syang napaharap sakin. “One more thing, kung okay lang sayo, gusto sana kitang makausap pag hindi kana masyadong busy.” Sabay may kinapa sya sa bulsa nya at nilabas ung phone nya at sabay abot sakin.

Napataas lang ung kilay ko at sa mukha ko na parang nagtatanong. “Kukunin ko sana ung number mo. Para macontact kita.” Sabay ngiti nanaman sya. Yung ngiti nyang nakakatunaw.

Owmaygas! Ela ang ganda mo naman. Si Pogi kinukuha ung number mo. Textmate! Ayy. Self control anlandi ko nanaman ata. Hahaha.

Kinuha ko ung phone nya at nilagay ung number ko saka ibinalik ko ulit sakanya.

“Thank you! Sige. Ingat!” At tuluyan na nga syang umalis at nagdiretso nako sa cafeteria.

Johann’s POV

Nung iniwan ako ni Ela kanina sa hallway. Nagdiretso nalang akong mag-isa papuntang cafeteria para sundan kung nauna na sya sakin dun.

Pagkadating ko sa cafeteria, nakita ko na agad kung san nakaupo ung barkada. Agad ko ng hinanap si Ela kung andun na sya.

Nang makalapit nako sakanila, napansin kong wala pa si Ela dun. San nanaman kaya nagsususuot suot ung babaeng yun?

“Oh? Hindi mo kasama si Ela?” Tanong kaagad sakin ni Valerie. Nagtaka agad ako sa binungad na tanong sakin ni Val.

“Hindi. Bakit? Hindi pa ba sya nagpupunta dito?” Takang tanong ko kay Val.

“Ah. Akala ko naman sinamahan mo sya.” Sagot nya. Sabay kuha ng chips sa table.

Knowledge Or Lust Fulfiller COMPLETED!!!Where stories live. Discover now