Chapter 5: Power-off

16 1 1
                                    

"hey my friend, balita ko nag open na ulit yung fav Resto natin ha." _ (Stevan my co'worker) asking about dinner

Afterwork kasi hilig namin sa labas kumain , you all know na hindi ako mahilig  magluto specially before pandemic my lunch and dinner I always eat in a restaurant and hindi rin ako mahilig mag almusal pero minsan dinadalhan ako ni Win ng breakfast. Lagi niyang sinasabi na Sayang daw kaya akin nalang tira tira niyang pagkain, hindi naman ako maselan kaya okay lang kasi feeling ko hindi naman tira2 yung binibigay Niya. HAHHAHAAHA meron bang tira-tirang mainit pa,. Anyway dahil nga pandemic pa hindi na muna ako Umuo.

"Umm Pass muna ako, sa bahay ako ngayon kakain"

"Ehhhhm. May babae kanang inuuwi dun?, Wowww Congrats my friend may nagluluto na sayo"

Nirolyo ko ang folder na hawak ko sabay hampas sa Ulo niya.

"Ulol! Dun na kasi nakatira si Gulf , tinext niya ko kanina na magluluto siya"

"Hah? Talagaaaa?? Yung chef??" (Gulat na pagkakatanong nito, at Oo alam niyang chef si Gulf dahil nadala ko na sya duon before bago pa isara ni gulf ang Resto niya, nagyayaya nga Siya ulit bumalik kaso nagkataong nagsara na pala si Gulf kaya hindi kami natuloy)

Tumango nalang ako dito bilang pagsagot

"Pwde makidinner mamaya?" Lakas na loob na pagkasabi nito.

"Umm pwde naman kaso fully vaccinated ka na ba?"

"Hah? Kaylangan ba? Ano ba yan! Ang strict naman dyan sa Condo niyo."

"Safety first kasi, we allowed visitors naman, but only for those who has fully vaccinated lang. Hinahanapan nila nang vaccination card lahat ng bumibisita duon"

"1st dose pa lang ako, Sige next time nalang"

Umalis na ito at habang nag sasaved ako ng files bigla akong nakatanggap ng message about 1hr power off interruption in condominiums. I just ignored it for 30 sec then I realized that gulf was there. Dali2 akong tumayo at nagpaalam umuwi.

"Stevan mauuna na ako" Sabi ko dito habang natataranta sa pag Alis.

Rinig ko pa pag sigaw nito kahit malayo na ako

"Hoyyyyy bright bakit? 10minutes left pa before 7" sigaw nito habang ako patakbo papuntang parking lot.

"Shiiiiiiiiiiiit" sigaw ko dahil ayaw umandar ng sasakyan ko.

Hindi ko na alam gagawin ko kaya tumakbo nalang ako para maghanap ng taxi while trying to dialled gulf's phone number pero naka off ito.

Gulf's Pov:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Gulf's Pov:

After ko matapos ang chapter 5 ko sinandal ko ang aking ulo sa semento habang nakaupo ako saking kama then I closed my eyes to imagine things to happen for my chapter 6 not realizing na nakatulog ako bigla. Pag gising ko ay sobrang dilim at init, I check my phone but it's lowbat, I was about to open my laptop but suddenly fell on the floor, sa sobrang dilim I started to had a panicked attacked. Halos nahihirapan na ako sa paghinga habang patuloy na pagtulo ng aking mga luha nang biglang ramdam ko ang pag akap sa akin nang mahigpit ng isang tao.

" Sorry,.. sorry ! Nandito na ako, SORRY ! " Sabi nito na para bang kasalan niya.

Inakap ko din siya pabalik habang tuloy parin ang aking pag-iyak

"Shhhh" patuloy na pagpapatahan nito sakin habang hinihimas ang aking likod para kumalma.

Nang maramdam kong kumalma na ako ay bigla kong inalis ang pagkakaakap sa kanya nang bigla nyang hinawakan ang kamay ko sabay sa pagtayo at hilahila niya akong dinala palabas ng kwarto ko.

"Are you okay now?"

I was shocked when I clearly saw him.

"Mew??"

Ngumiti lang ito at bigla namang pagpasok ni Bright sa pinto galing sa labas bakas sa mukha niya ang pagod na para bang hinahabol ang paghinga at Dali-dali itong lumapit sa akin.

"Okay kalang gulf???" (Bakas sa mukha niya ang pag aalala)

Tumango lang ako at Pina upo ako nito sa sofa habang si Mew ay kumuha naman ng tubig para sakin.

"Thanks bro" _Bright (Sabi nito kay mew)

Habang nakaupo kaming tatlo at nag-aantay na magkaron ng kuryente ay bigla akong nagtanong kay mew.

"Paano ka pala napunta dito?"

Hindi pa ito nakakasagot ay bigla namang sumagot si bright.

"I called him." _bright

Tinignan ko lang si Bright na para bang nagtatanong ako na kung bakit ?

"Wag kana mag reklamo diyan, nag aalala ako sayo. Muntik pa nga ko masagasaan kanina habang nag hahanap ng taxi"

Nag taka ako kung bakit si Mew ang tinawagan niya hindi si Win.

"Si win?" Tanong ko dito.

Inirapan lang ako nito.

"Kailan ka pa naging intirisado sa iba?" _Bright (iritang Sagot nito dahil sa dami kong tanong.)

Natawa lang si mew at biglang Sabi nito na "birthday ng Mama niya ngayon kaya umuwi Siya kaninang umaga"

"Tekaaaa. Bago ako pumasok naka locked yung pinto, paano ka nakapasok dito bro?" Gulat na tanong ni bright kaya sabay kaming napatingin kay mew.

Ngumiti ito ng konti at tumingin ito sa terrace habang nakanguso habang tinuturo  kung saan siya dumaan.

"Whaaaaaat !!" Sigaw namin ni bright.

"Bro !!! Sabi ko paki check lang si gulf. Hindi ko sinabing mag buwis buhay ka"

Na ikinagulat ko naman kasi Alam namin lahat na delikado ang ginawa nyang pag daan sa terrace.

"Don't worry, nasa 3rd floor lang naman tayo" _(sagot ni Mew na para bang wala lang sa kanya.)

"Ano akala mo sa sarili mo? Spiderman na pag nalaglag ka may biglang lalabas na sapot sa kamay mo para makakapit?" Pagalit kong Sabi dito dahil sa pag aalala.

Bigla naman itong nagulat at tumayo at si Bright ay humalakhak sa pagtawa na ikinagulat ko naman ang kanilang naging reaksyon.

"Bright !!!!!"_ sigaw nito.

"Bro HAHHAAHHAHAHA Spiderman ka daw HAHHAHAHAHHA" _Bright

Aalis na sana siya ng biglang nagka ilaw at huminto naman sa pagtawa si bright.

"Aalis na ko."_ Mew

"SpiderMan saan ka dadaan?" _Bright (Pagbibiro nito kay mew kaya tinitigan lang siya ng masama.)

"Dito kana mag dinner" _ Singit ko sa usapan nila, bilang pasasalamat nadin.

Mew pov:

Agad akong umupo sa lamesa nung niyaya niya ako na dito na mag dinner.

"Bro?? Himala ! Nahawa ka na ata kay Win." _bright

Nagtaka ata Siya kung bakit Hindi ako tumanggi na sa kanila ako mag didinner. Ewan ko din kung bakit pero para akong naaadik na sa mga luto niya kahit 2 beses ko palang ito natikman.

"Matagal pa yan maluluto, sa Sofa kana muna mag antay" dagdag pa nito.

Hindi ko na siya pinansin dahil naiinis padin ako sa pagtawa niya kanina nung sinabihan ako ni gulf na Spiderman. Umalis Naman ito kaagad sa harapan ko at pumasok sa kwarto niya para magbihis at ako ay naiwang nakaupo sa lamesa  habang nakatitig kay Gulf na nagluluto.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 20, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Unexpected Love Where stories live. Discover now