"Tara na, Kazu!" Aya ko kay Kazuo na abala sa kanyang phone habang nakatayo sa gilid ng Raptor niya. Inangat niya ang tingin sa 'kin bago itago ang phone niyang kanina pa niya hindi mabitawan. Binuksan ko na agad ang pintuan sa shotgun seat, hindi ko na siya inintay gawin pa 'yun. Sinuot ko na ang seatbelt ko bago i-connect ang phone ko sa bluetooth ng car niya.

"Kanina ka pa abala sa phone mo, ah?" Umayos ako ng upo. "Stinalk mo, 'no?" Pangangasar ko sa kanya.

Alam ko naman na kaya siya abala sa phone niya kanina ay dahil sa accounts ni Yuriko na sinend ko sa kanya. Siguro stinalk niya 'yun hanggang sa pinakadulo.

This man is whipped!

Grabe ang kamandag mo, Yuriko Rei.

Sinamaan niya ako ng tingin bago ibalik ang tingin sa daan."Naka-private."

Ayun naman pala! Kaya masama rin ang timpla ng mukha nitong isang ito. Naka-private naman pala ang accounts at paniguradong wala siyang nakita! Sa sobrang lakas ng tawa ko halos maubusan na naman ako ng hininga. Binuksan ko ang phone ko bago ko tinipa ang password nito. Ipapahiram ko na lang muna sa kanya ang account ko para naman may marating siya sa kaka-stalk kay Yuriko.

If I'm Yuriko, I'll find this creepy pero mag best friends naman sila noon pa at mukhang nagkaro'n rin ng something kaya okay lang rin siguro 'to. Pero dahil nagmamaneho siya, ako na lang ang humawak sa phone ko at tuwing may nakikita akong picture ni Yuriko, e, binabaling ko 'to sa kanya.

"Celest, stop." Tinulak niya ng bahagya ang phone ko.

"Ano? Miss mo na? Ganda 'no?" Matapang na tanong ko sa kanya.

Suminghal siya. "Lagi naman."

He really loves her, grabe. I hope she gives him a second chance. To prove na he's no longer the same Kazuo before. Kahit naman putol-putol ang kwento niya, alam kong may rason siya kung bakit wala siya sa tabi ni Yuriko nung mga panahon na 'yon. The love he has for her is strong as hell.

Hindi ito puppy love lang.

"Nagmahal ka na ba?" He asked out of nowhere.

Nabigla ako sa tanong niya. Ni hindi ko nga alam kung may sagot ba ako dun. Hindi ko naman kasi alam kung totoong love ba 'yung naramdaman ko noon. I had a few boyfriends back in high school. I don't actually count them as boyfriends or exes since below 18 years old naman.

I don't really know.

Damn.

Was it really love? Or was it just an infatuation?

I was young and dumb. I loved their company, pero siguro hanggang doon lang. I've been with a lot of guys before pero hindi naman seryosong relasyon ang mga iyon. Sumasang-ayon naman sila sa no-strings-attached na relationship kaya pare-pareho lang kami.

Except for this guy na I dated when I was in my last year in junior high. Grade 10 to be exact. He's nice and good looking but I really have this weird taste when it comes to guys. Madalas ako dinadali ng mga bad boy na 'yan. Hindi ko alam kung bakit gano'n ang taste ko sa lalake. Feeling ko ata ako si bob the builder na pwedeng patinuin o ayusin ang isang taong dadaan lang naman sa buhay ko. Toxic, I know.

It broke my heart.

Kung love ang paguusapan, sigurado akong siya lang 'yung sineryoso at minahal ko talaga noon. Kaso wala , e. Kahit anong pagseseryoso ang gawin mo, pag hindi kuntento sa 'yo, hindi kuntento sa 'yo.

He cheated and it made me feel worthless.

Sobrang down ko noong mga panahon na 'yun. My father died when I was in senior high, grade 11. Heart attack. Tumigil ang takbo ng mundo ko. Nanlambot ang dalawang tuhod ko at bumigat ang dibdib ko. That's when my mom decided to set an appointment with a psychiatrist. I thought okay na ako after years that's why I said yes to him. I thought he's not that typical bad boy na hindi na marunong magseryoso.

Bawat Daan (Puhon Series #1)Where stories live. Discover now