Chapter 22

1K 37 0
                                    


---

Napamulat ako ng mata nang makapa ko na wala na si Jaid sa aking tabi. Napabangon ako at tumingin sa loob ng kwarto. Where is he? Bumuntong hininga naman ako at tumayo para mag banyo pero napaigik ako ng maramdaman ang sakit sa aking ibaba. Jusme. Malilintikan talaga si Jaid sa akin! Kasalanan niya ito eh! Psh.

Kahit masakit ay pinilit kong mag lakad papunta ng banyo para mag linis ng katawan. Napahinto naman ako ng may magahip ang aking mata at nag mamadaling pumunta sa salamin na nandito sa banyo.

Anak ng! Bampira ba ang lalaking 'yon?! Kung makasipsip ay akala mo wala ng bukas. Napahilot ako ng sintido at tinignan ang mga marka na iniwan niya sa aking leeg, dibdib at tiyan. Bakit hindi ko man lang naramdaman ito kagabi?

Simulan ko na ang pag linis ng katawan at naka tapis ng twalyang lumabas ng banyo. Napangiti naman ako sa paper bag na nasa ibabaw ng kama. Mabuti naman at naisipan niyang bilhan ako ng bagong damit..sinuot ko ito at nang matapos ay bumaba na para hanapin siya.

Kumalam ang tiyan ko sa amoy na nanggagaling sa kusina kaya tinungo ko ito..I saw him busy cooking some dish while swaying his hips. Napangiti ako sa ka-cute-an niya. Walang ingay akong lumapit at niyakap siya sa likod.

"Morning hon" lumapad ang ngiti niya at hinalikan ako sa noo. "Morning too, baby" nginitian ko siya at tinignan ang niluluto niya..

"Take a seat first. Malapit na matapos ito" tumango ako at naupo at pinanuod siyang mag luto ng almusal. Panay ang lingon nito at ngingitian ako kaya napapailing nalang ako sa kaniya.

"How's Mcervin?" bungad na tanong ko habang kumakain kami..

"She's with her Lola's and by the way babe, it's our engagement party tonight" nabilaukan ako sa sinabi niya kaya napaubo ako. Tumalima naman siya agad at inabutan ako ng tubig habang hinihimas ang likod ko.

Nang mahimas masan ay nilingon ko siya. "Engagement? You didn't tell me about it" napakamot naman siya ng kilay at alanganing tumingin sa akin.

"I was about to tell you about it yesterday but you seduced me" napanganga ako sa sinabi niya at napatitig sa kaniyang mukha kung seryoso ba siya sa sinasabi niya.

"Anong seduced?? Anong kalokuhan 'yan, Jaid?"

"Tama naman ako eh. Inaakit mo ako kaya nakalimutan kong sabihin sa'yo ang tungkol doon"

"Alam mo, pauso ka. Namimintang ka nalang bigla" umawang ang bibig ko kumurap. Did he just rolled his eyes in me!? Nangunot ang noo ko at umayos ng upo. Tinaasan ko siya ng kilay at binato ng matatalim na tingin. He gulped and lower his gaze. I can see how his adam apples move due to nervousness. Aba, dapat siyang kabahan dahil matapos niyang papakin ang katawan ko ay tatarayan niya lang ako? Psh.

"Kasalanan mo naman talaga eh" aba't hindi pa talaga mag papatalo.

"Anong sabi mo? Paki ulit at hindi ko marinig" lumunok siya at tinatagan ang sarili. Sinalubong niya ang nag babanta kong tingin at bilib na ako dahil nagawa niyang hindi mag iwas ng tingin sa akin.

"I said it's your fault. You really seduced me last night so I forgot to tell you about the party."

"Hindi ako ulyanin para makalimutan ang pinag gagawa ko, Jaid. Saan banda ang pang aakit doon eh wala nga akong ginagawa?"

" That's it. You didn't do anything but just looking at your face, it's enough to make me aroused and want to feel you again"

Just what the f-ck?? Holly mother of yukinam generation! I can clearly feel how my cheeks burn right now.

Napaiwas naman ako ng tingin at tumikhim. Kingina! Bakit ako kinikilig? Nagagalit ako dapat sa kaniya diba??

Napaigtad ako nang maramdaman ang mga braso niya na pumulupot sa akin. I can feel his warm breath in the side of my ear. Shvta! Bakit hindi ko namalayan na nakakilos na siya palapit sa akin!?

"Now you're blushing. Argh! You're making me horny again" tinampal ko na ang braso niya at kumalas sa yakap nito. Dinuro ko siya gamit ang nanginginig kong kamay at kumikibot naman ang aking labi dahil sa kahihiyan na nararamdaman.

"Prenuhan mo ang bibig mo, Jaid. Hindi na ako natutuwa!"

"Paanong matutuwa eh kinikilig ka"

"Jaaaaaaaaaaaaaid!" gigil na sigaw ko pero tanging halakhak niya lang ang narinig ko ng kumaripas siya ng takbo palabas ng kusina. Lokong lalaki 'yon. Ang lakad ng sapak.

Napahinga naman ako at inalala ang sinabi niya. Engagement party namin mamaya pero wala man lang akong kaalam-alam. Psh. Iyong totoo, ako ba talaga ang ikakasal?

Tinapos ko nalang ang kinakain ko at niligpit ang pinag kainan. Hinugasan ko din ang mga plato bago lumabas ng kusina at hinanap si Jaid.

Nakarinig ako ng lagapas ng tubig sa bandang likod ng bahay at doon umawang ang bibig ko dahil may swimming pool pala dito. Sa gilid ay may nakasabit na duyan na gawa sa abaca pabilog ang hugis nito at sasakto ang dalawang tao. Sa gilid naman nito ang maliit na lamesa na gawa sa kahoy at doon nakapatong ang twalya na gagamitin siguro ni Jaid pag umahon na siya. Ang lugar na ito ay napapalibutan ng mga halaman kaya maganda talagang tambayan lalo na't mahangin.

He was busy swimming back and forth so I didn't disturb him. Tinungo ko ang duyan at doon naupo, tama nga ako malaki ang espasyo ng duyan.

"Pakiabot ng twalya babe" tahimik ko naman na kinuha ang twalya at inabot sa kaniya. Iniiwasan kong mapatingin sa katawan niya dahil naiilang pa din ako.

"You don't like what you see? But you scream loud everytime where in bed" doon na ako napalingon sa pang aasar niya. Sinamaan ko siya ng tingin at padabog na tumayo.

"Enjoying much? Continue doing that then you'll sleep here in the pool" nawala ang mapang asar niyang ngisi kaya ngiting tagumpay akong tumalikod sa kaniya para makaalis.

Lihim akong natawa ng marinig ang pag tawag niya sa akin at rinig ko ang nag mamadali niyang hakbang para maabutan ako.

"You're just joking right? Hon, hey! You're kidding right?" hinarangan niya ako sa harapan at gusto ko ng tumawa sa natataranta niyang mukha pero pinigilan ko ang aking sarili.

"Ito ba ang mukha ng nag bibiro? Umalis ka diyan at mag bihis na para makauwi na tayo. Kung nakakalimutan mo lalaki, iyong anak natin baka hinahanap na tayo"

"Tell me first that you're just joking earlier. It's not true right? You can't do that to me, I know"

"Pity you but I won't take it back. Now move your ass now or I'll really leave you here" pananakot ko kaya naman napipilitan siyang umalis sa harap ko at umakyat ng hagdan papuntang kwarto. Nang mawala siya sa paningin ko at doon na ako natawa ng mahina at gumuhit ang ngiti sa labi.

Huh! See that? I'm the only one who can do that to him. Only me and will always be.

My Son's Billionaire Father Where stories live. Discover now