Nag-iwas agad ng tingin si Kelly. Mukhang darating na yata siya punto na nagpapaliwanag. "Ah, wala." Mabilis niyang tugon, iniiwasan na magsimulang magtanong pa si Alex sa kanya.

Pero tila kilala talaga siya ni Alex at wala siyang maitatago mula rito. "Mukha mo! Tingin mo maniniwala ako sa iyo." Sumbat ni Alex, na para bang ang laki ng kanyang kasalanan kung paano siya akusahan nito.

"Tara na... sasamahan mo pa ako, 'di ba?" Pag-iiba pa ni Kelly ng usapan.

"Ay hindi!" Hinawakan ni Alex ang kanyang braso at iginaya paupo sa bakanteng upuan sa harap ng kanilang opisina. Nakapamaywang pa siyang hinarap ni Alex. "Magpaliwanag ka! Noong una, hinayaan lang kita... pero ngayon, hindi na."

"Huwag na kasi."

Gustong gusto ni Alex na malaman kung ano ang pinagdaanan ni Kelly. Pero sa itsura pa lang kasi ni Kelly, mukhang hindi pa siya handa na sabihin kung ano ang nangyayari sa kanyang buhay.

Napabuntong-hininga na lang si Alex. Wala itong magagawa kung ayaw sabihin ni Kelly. Respeto na lang sa desisyon nito.

"Sige... pagbibigyan kita ulit."

Malaki ang pasasalamat ni Kelly dahil hindi na siya kinulit pa ni Alex. Hindi pa kasi siya handang pag-usapan ang bagay na 'yon.

Sabay na silang umuwi dahil nga diretso sila ng Computer Shop malapit sa bahay nila Alex. Hindi kasi pwedeng sa bahay ni Kelly nila gawin ang invitation para sa kaarawan ni Mrs. Tolentino. Nagsabi na rin siya kay Mr. Tolentino, kung ano ang magiging plano nila. Si Mr. Tolentino na ang bahala na magda-dahilan kay Mrs. Tolentino, kung bakit late siya uuwi ngayon. Para hindi na rin makahalata pa ang kanyang ina.

Sa isang linggo na dapat nila gagawin iyong kaarawan ni Mrs. Tolentino, pero dahil nga sa mga nangyari nagdesisyon si Kelly na i-adjust na lang. Hindi naman gaano kalayo ang araw kung kailan nila inilipat ang magiging araw ng selebrasyon.

"Magandang gabi po." Bati ni Kelly kay Mrs. Galvez tsaka ito nagmano nang tuluyan silang makapasok sa loob. Nadatnan kasi nila si Mrs. Galvez na nanonood ng telebisyon.

"Magandang gabi rin sa iyo, hija..." Hindi nakaiwas sa tingin ni Kelly kung paano pa siya pinasahadan ng tingin ni Mrs. Galvez. "Magandang dalaga naman pala." Nakangiting komento pa ni Mrs. Galvez.

Si Kelly ay naguluhan sa binitawan na kataga ni Mrs Galvez. Parang iba kasi ang ibig sabihin. Nakita pa kasi niya kung paano nito tinignan ang anak nang nakakalokang tingin.

"Siya na ba 'yon?" Baling ni Mrs. Galvez kay Alex na katabi lang niya.

"N-Nay..."

Kahit hindi pinansin ni Kelly ang ka-trabaho sa gilid niya, sigurado siyang kinakabahan ito. Ramdam niya iyon sa boses ni Alex. Kaya naman naguguluhan pa rin si Kelly sa pinag-uusapan nilang mag-ina.

"Pinapakaba mo ang bisita..." Singit ni Mr. Galvez sa usapan ng kanyang mag-ina. Kakalabas pa lang nito mula sa kanilang kusina. Kaya naman nabaling ang tingin ni Kelly kay Mr. Galvez.

"Magandang gabi po." Magalang na bati ni Kelly.

Tumango lang si Mr. Galvez sa kanya at inimuwestra nito ang upuan kanyang gilid. "Pasensya ka na sa dalawang 'to. Ganyan lang talaga sila, kapag nakakakita ng maganda... galing kasing bundok." Nakatanggap naman ng hampas mula sa asawa si Mr. Galvez na siyang ikinangiwi nito. May pagkakalakas kasi ang hampas, talagang tumunog iyon. "Asawa naman..." Reklamo ni Mr. Galvez. Lihim na natawa si Kelly sa naging reaksyon nito. Sumimangot kasi ito sa paghampas ni Mrs. Galvez.

"Kung ano-ano kasi ang sinasabi mo." Irap naman ni Mrs. Galvez, halatang hindi niya tanggap iyong sinabi na kataga ni Mr. Galvez.

"Sorry na... nagbibiro lang naman ako." Yumakap si Mr. Galvez sa likod ng kanyang asawa pero inalis lang ni Mrs. Galvez.

ACCIDENTALLY GLANCES THE CITY BOYWo Geschichten leben. Entdecke jetzt