Chapter 2: How bright & win become friends

Magsimula sa umpisa
                                    

"Edi Ikaw na bahala, para sayo namang party yun" Wise kong Sagot (HHAHAHAHAHA nakalusot din)

"Ang kapal talaga ng mukha mo"_Gulf.

"Pero gwapo Naman" pabiro kong Sagot

(Natural sa aming dalawa na ganto mag-usap bilang magkapatid maliban sa dahil 2yrs lang gap namin at close kami sa isat-isa pero di maiiwasan na magtalo paminsan minsan. Pero kahit ganun Alam namin yung salitang Respeto.)

Hindi na ito sumagot at dumiretso na sa kanyang Laptop.

"Gulf baka duon nako matulog kila Win" paalam ko.

"Hmmmmm" Sagot nito habang natatawa na para bang may gustong sabihin.

"(Binato ko Pabalik sa kanya ang tsinelas Niya) hoy Anong tinatawa tawa mo?" Irita kong tanong sa kanya.

" Wala bakit masama?? Btw paano mo nakilala si Win? Classmate mo ba yun dati? Bat parang sobrang close nyo?"_Gulf.

"Di mo ba narinig asar niya kanina?"

"Alin? Yung bagay kayong dalawa?" Sabi nito habang tawa ng tawa

"Ulol Isa kapa!""dahil nga sa dati kong crush ko na may crush sa kanya."

[Flashback]

Alam ko gwapo ako at maraming nag kakagusto sa akin, pero bihira lang ako magkaruon ng crush.

Nagka girlfriend din naman ako dati kaso di talaga nagwowork dahil gamer ako (sa laro ha Hindi sa relasyon) at dahil nga sa pagka adik ko sa games lagi ako kinukulang sa time kaya lahat ng nagiging girlfriend ko brineakan ko.

HHAHAHAHAHA Oo tama ! ako ang nakikipagbreak, feeling ko kasi nakakasira sa kagwapuhan ko Este pagkalalaki ko pag sila pa nakipag break sakin at ayun nga hindi na ako nakapag girlfriend simula ng nakapag trabaho na ako  dahil kulang pa ang naiiwan kong oras para sa paglalaro.

Nung panahon na sa sobrang babad ko sa laro every after work, halos konti nalang lagi ang tulog at pahinga ko kaya bigla akong nagkasakit at ng mga time na yun, dahil nga baguhan palang ako dito sa Condo kaya Wala pa akong kaibigan na pwdeng tawagan or malapitan na pamilya para hingan ng tulong Since si Mama at Papa ay nag out of town para sa business nila, well lagi Naman yun nag a'out of town halos Wala na nga may nakatira sa bahay kaya nagdecide nadin ako mag moved'out and Gulf is also busy in his own business as well, so yun na nga I decide to go outside to buy my medicine. Habang naglalakad ako papuntang botika di ko namalayan na nahimatay na ako. Pagka gising ko  nakita ko ang isang babaeng maganda, maputi at mahaba ang buhok, habang pinapahiran ako ng basang towel sa mukha, then that I realized I need someone who will take care of me. Nakatulog ulit ako habang pinupunasan  nya ang mukha ko dahil medyo masama parin ang pakiramdam ko.  Pagka gising ko nakita ko ang isang lalaki na nakatalikod sa akin at nakaupod malapit sa bintana habang naglalaro Ng mobile legends

"SHIIIIIIIIT DEFEAT nanaman ang bobo ng mga kasama ko !" Sigaw nito sa Cp nya

Bigla akong natawa at narinig niya ito

"ay sorry, nagising ata kita" worried nyang tanong

"Hindi okay lang, nagising na ako bago kapa sumigaw" Sagot ko dito.

"Kamusta lagay mo?"

Ewan ko bigla akong namula at tawa ako ng tawa sa sinabi niya.
Nagtataka siyang tumingin sakin at bigla niyang narealized yung sinabi niya.

"I mean pakiramdam mo ?" Hiya nitong tanong

"Sorry! (Tumigil na ako sa tawa at nang realized ko na hindi pala kami magkakilala) Okay na ako, btw nasaan ako?"

Unexpected Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon