Chapter 6- Admirer

1 1 0
                                    

Sayuki's Pov

Sayuri is my twin sister and I love her. Sayuri is my twin sister and I love her. Sayuri is my twin sister and I love her. I love her kahit ginising niya ako nang alas kuwatro nang madaling araw, para magkape, dahil kailangan daw niya ng makakausap pero hindi naman siya nagsasalita. Halos one hour na ang lumipas at stagnant pa rin siya. Ineexpect niya na mahuhulaan ko ang problema niya with my twin ESP.

Puyat ako. Hindi ako umiinom ng kape. But I lover her. She's my twin and I love her. My sister is a mute.

"Hindi ka pa ba magsasalita?!" I snapped at her. Nagulat ata siya kaya natapon sa kamay niya yung kape. Napabuntong hininga ako, ang sakit ng mata at ulo ko dahil kulang pa ako sa tulog. Pinunasan ko ang kamay niya gamit ang tissue.

"Sorry sis," sabi ko habang pinupunasan ang natapon niya.

"Ok lang, alam ko inaantok ka pa," she sighed. Sigurado akong malaki ang problema niya kaya siya ganito ngayon.

"Ano ba kasi? Ginising mo ako, dinala mo ako dito sa 24hours coffee shop kasi sabi mo may sasabihin ka. Ano yon?" Umupo ako ng diretso para magsimulang makinig sa kanya.

"May katangahan akong ginawa."

Pagkasabi niya non ilang libong scenario ang pumasok sa isip ko. Nagpabuntis? Nangholdap? Pumasok na dancer sa club? Nakipag one-night stand? Sumali sa sindikato? Nanood ng bold movie sa sine? Nagtulak ng droga? Nagsmuggle ng tao? Nagbenta ng bawal na alahas?Nameke ng passport? Nang e****a? Nagshoplift? Nagbasag ng mga bintana sa corridor?Ano?

Ipinilig ko ang ulo ko at tumingin sa kanya nang seryoso.

"I sold my soul to the devil. I made a bet with Timothy Blythe."

"You what?!" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Ohy my God Sayuri, sa lahat ng tao bakit kay Timothy pa?

"Okay, you made a bet with him I get it, what kind of bet?" At lalong nanlaki ang mga mata ko dahil gumana ang twin ESP ko.

"Don't tell me nakipag bet ka na ang kapalit eh isa sa inyo makikick-out dito sa Academy?!"

"Ganoon na nga," hinandusay niya ang mukha niya sa lamesa. She look so miserable.

Napailing ako.

"Well, kailangan mong manalo, anong exactly ang pinagpustahan ninyo?"

"Padamihan ng malalamang personal info tungkol sa bawat isa."

"Personal what?!"

Bigla siyang napataas ng ulo sa reaksyon ko at kunot noong tumingin sa akin.

"Oh bakit?" tanong niya.

"May alam ka ba sa kanya Yuri? Kasi sigurado akong wala akong alam sa kanya. Ang alam ko lang sa kanya eh bigla na lang siyang sumulpot dito seven years ago at pinagharian ang buong school. Kahit strand niya walang nakakaalam," humalukipkip ako.

"Don't worry Yuki, isa sa pinag-usapan namin ay hindi kita puwedeng tatanungin nang kahit ano," she told me in a assuring voice. For sure hindi siya nag-iisip noong naganap ang bet nila, naunahan nanaman siya nang pagiging implusive niya. Mautak talaga 'tong si Blythe eh. Natawa na lang ako. Nahalata naman niya na may meaning yung tawa ko.

"You're on your way out sister," napailing kong sabi sa kanya, napasimangot lang siya.

"Huh? Anong sinasabi mo?"

Dumeretso ako ng upo at sinuklaya ang buhok ko gamit ang mga daliri.

"Diba sabi niya hindi mo ako puwedeng tanungin?" dahan dahan siyang tumango.

Pandora's BoxOù les histoires vivent. Découvrez maintenant