Chapter 3- I'm Sorry?

2 2 0
                                    


Timothy's POV

Oh Boy, puwede na siyang maging boksingera. Literal na may circle sa paligid ng mata ko, nangingitim. Hindi ko maimulat.She looks so satisfied after what she did and just me left me there crumpling in pain. Dinala ako ng mga ka-team ko sa clinic. Man, sumama ang pakiramdam ko. Inuusig ako ng konsensya ko, magsorry daw ako sa boksingerang 'yon. At bakit? Siya 'tong nanakit sa akin. Siya ang dapat magsorry.

Napangisi na lang ako, imposible kasi mangyari 'yon eh. Mas mataas pa sa Eiffel Tower ang pride niya.

"Uy Sir. Timmy class hour ah, anong nangyare sayo?" Pumasok ang roommate kong nagse-celebrate ng heartbreak. Napatayo naman ako, oo nga pala, hindi ako nakapagbigay ng excuse slip. Natigilan naman siya nang makita ang mukha ko.

"Ang panget mo Sir.Timmy!" Maluha-luha siya sa kakatawa sa akin.

"Thanks ha!" sarcastic kong sagot habang nilalapatan ng cold compress ang black eye ko.

God, I'll hunt you down De Chavez!

Lumabas na ako ng clinic. Dumeretso ako sa girl's dorm. Well, bawal ang lalake sa dorm nila. Pero sino ba ako sa tingin nila? Puwede kong puntahan kahit anong lugar na gusto kong puntahan dito. Wala akong pake kung may higher year na magalit sa akin dahil sa paglabag ko sa rules, I have a mission—search and destroy Sayuri De Chavez.

"Hi! Sir. Timmy- whoah! Anong nangyari sa perfect face mo?!" Napairit na sabi ng isang lowerclassman. Napapikit ako sa inis, hindi lang dahil sa black eye kundi dahil sa sakit ng ulo na binibigay sa akin ng Sayuri na 'yon. Wala siyang pakialam kung masira niya ang pinakaiingatang yamashita treasure ng Strawberry Fields Academy—my face.

Good Lord, De Chavez has made me bitter. Tuloy-tuloy ako, hanggang sa makita ko siya sa girl's common room (living room ng mga dorm) nanlaki ang mata niya nang makita ako, hanggang sa napalitan ito ng iba't-ibang emosyon, galit, gulat and apologetic look.

"Oh hello Mr. Blythe, Buti dumating ka na."

Napakunot noo ako. Oh, so hinihintay niya ako? Ang prinsesa ng kadiliman ay hinihintay ako? Dapat na ba akong matuwa? Kailangan ko na bang magpapansit dahil dito?

"Sa tingin ko may kaylangan kang panagutan," ngumisi ako sa kanya.

Binigyan naman niya ako ng 'Duh' look. "Hey, baka nakakalimutan mo, nasa girl's dorm ka."

Puwede ko na ba siyang bigwasan sa harap ng mga estudyanteng 'to? As in ngayon na. Tumayo siya, sinuklay ang buhok niya gamit ang kamay niya at tumingin nang seryoso sa akin.

"Well, I believe I deserve an apology, " she stated in a matter-of-fact tone. Literal na nalaglag ang panga ko.

Nagpapatawa ba siya? Ako? Si Timothy Blythe, do not- I repeat,-do not- apologize! I never have in my life! Kung kasing taas ng Eiffel tower ang pride niya, puwes kasing layo ng buwan ang chance na magso-sorry ako sa kanya!

"Naghihintay ako," humalukipkip siya habang taas-noong naghihintay na magsalita ako. Sige maghintay ka hanggang sa magyelo ang araw.

Sayuri's Pov

Believe it or not, may plano akong magsorry sa kanya. Kinausap ako ni Yuki at sinabihan ako na hindi ko dapat sinuntok si Timothy. At bakit sino ba siya? Bagay lang sa kanya 'yon! Gagawin ko na sana eh.

"Hudas kang babae ka," napailing niyang sabi sa akin sabay talikod paalis. Laglag ang panga ko at tila umakyat lahat ng dugo ko sa ulo. Wala pang tumawag sa akin nang ganoon. That's foul!

"Hoy Blythe bumalik ka dito!" umalingawngaw sa buong dorm ang sigaw ko.

"Freak!" sigaw niya pabalik. At doon sumabog na ang boiling point ko, sobrang galit ang nararamdaman ko ngayon.

Pandora's BoxDove le storie prendono vita. Scoprilo ora