Yumuko ako para magisip.

Nakakainis itong ganito!

Hindi ko alam kung saan ako magsisimulang hanapin si Cassandra.

Bumusina ako ng sobrang lakas kaso may tumakbong guard sa tapat ng kotse ko at tinutukan na ko ng baril.

Napalunok ako at nakipagtitigan sa kanya.

Dahan-dahan siyang lumapit sakin at kinatok ang pintuan ng kotse ko.

Lumabas ako at binaba niya agad ang baril niya.

“If you treasure your life, please leave this residence”

“Sige. Aalis ako. Pero pakisabi sa amo mo na nasa panganib ang anak niya. Someone took her---”

“What do you mean by someone took her?” Napatingin ako sa may gilid ng kotse ko at nakita ko ang nanay ni Cassy na nakakunot ang mga noo.

Lumapit siya kaagad sa akin at sinenyasan ang mga bodyguards niya na lumayo at hayaan siyang kausapin ako.

“Speak” Utos niya.

“Kausap ko po si Cassy sa phone kanina. Lasing siya at nasa bar. Pupuntahan ko na po sana siya nung narinig ko na sumigaw siya. Kinidnap po ang anak niyo”

Napapikit siya na para bang sumakit ang ulo niya.

Not the expression I was expecting.

As a mother, hindi ba dapat nagfaint na siya or nagulat or naiyak?

Parang problema sa trabaho ang pinoproblema niya ngayon ah.

“Who did this?” Pagalit na tanong niya.

“Her name is Kim Margarette Hampshire. I heard it over the phone before the call ended”

“Sino si Kim? Bakit niya pinakidnap ang anak ko?”

“Isa po siya sa mga may galit kay Cassandra. She’s the founder of Blue Girls Sorority. Bago pong sorority yun sa school na ang tanging goal ay magrecruite ng mga kaaway ni Cassandra. Last week po, nagaway sila. Pinahiya siya ni Cassy at natanggal ang BGS sa school. Kim was also suspended that is why she hated Cassy so much. Hindi ko po talaga inaakalang magagawa niya ito”

I can see anger in her eyes.

Kinuha niya agad ang cellphone niya at rinig kong kung sino-sino ang tinawagan niya to find her daughter and to arrest Kim.

The RoyaltiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon