Erik's Birthday

404 18 6
                                    

Just a short au || Twitter saw this first ;)))

Flashbacks

Erik's pov

_____________

Nagising siya sa sikat ng araw na pumapasok mula sa bintana ng kanyang kwarto. Unti unti niyang minulat ang kanyang mata at sumunod ang pagguhit ng maliit na ngiti sa kanyang muka nang maalala ang petsa ng araw ngayon.

Happy Birthday to me.

Muli siyang pumikit upang magpasalamat sa Diyos sa panibagong taon na ibinigay sa kanya. Ang totoo niyan ay nasabi na niya ang lahat ng kanyang hiling kahapon at ilang beses na rin siyang nagpasalamat, ngunit hindi siya magsasawa dahil utang niya ang lahat ng ito sa Kanya.

Muli siyang napamulat nang may marinig na mahinang ungol at nang may gumalaw sa tabi niya. Hinarap niya ito at mas lalong lumapad ang ngiti sa kanyang muka.

"Rise and shine, sexy!" mahina niyang bulong rito.

Nakita niya ang pagguhit ng ngiti nito at ang unti unti nitong pagmulat.

"Magandang umaga, Pogi! Happy birthday."

Sumiksik ito sa tabi niya at agad niya rin itong kinulong sa mga bisig niya.

It's a good morning indeed.

Abala si Erik sa selebrasyon ng kanyang kaarawan sa kanilang tahanan kasama ang kanyang pamilya, kinabukasan pa naman talaga ang araw ng kanyang kaarawan ngunit napili niyang ngayon na ito ipagdiwang. Narinig ni Erik ang mahinang pagtunog ng kanyang telepono, kinuha niya ito mula sa kanyang bulsa at nakita na tumatawag sa kanya ang isang importanteng tao sa buhay niya, unfortunately, she's not there with him. He answered the video call and her bare face welcomed him. Damn, she's still beautiful.

"Maligayang Kaarawan, Pogs"

Awtomatikong gumuhit ang ngiti sa kanyang muka nang marinig ang boses ni Angeline.

"Thank you, Ge."

"O, bakit parang ang lungkot mo?" nakakunot noong tanong nito sa kanya.

"Because you're not here. Miss na kita."

Nakita niya ang pagguhit ng ngiti sa labi nito at ang panliliit ng mata nito sa kanya.

"Sus, namiss lang pala ako. Nandyan naman ang pamilya mo, Pogs, kaya hindi mo na ako kailangan diyan." birong saad nito sa kanya.

"Bakit? Pamilya na rin naman kita, ah!"

"Sorry talaga, Pogs. Promise, babawi talaga ako sa'yo bukas."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 11, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

AE One Shots (Angeline Quinto & Erik Santos)Where stories live. Discover now