Chapter 33: Cool Off

Začať od začiatku
                                    

"Pero paano kung may magandang reason naman? Paano kung nagkamali tayo ng nakita kanina?" logical na tanong ko dahil hindi talaga kaya ng utak ko ma digest na pinagtataksilan ako ni Derick.

Tatalikuran ako ng lahat pero alam kong hindi kasama dun si Derick. He'll never leave me just because of that slut.

"Nung kailan lang nagpa medical ako and as far as I am concern normal naman ang vision ko so malayong nagkamali ako nang nakita kanina. For God's sake tatlo tayong nandun! Mahal mo siya. Alam ko naman yun. Pero magtira ka naman ng para sa sarili mo. Remember what I told you nung huli tayong magkita? Wag kang sosobra, besh. Masama yun"

Kapag ba nagmamahal tayo are we able to measure it kung sobra ba o kulang?

"Magpapaluto na muna ako kay yaya ng pwede kainin. You stay here. Gusto mo ba hiramin laptop ko?" tumayo na siya at akma sanang lalabas pero pumunta muna sa study table niya para kunin yung laptop at inabot sakin

"Suit yourself. Dont make anything that's unusually stupid. Pwede ba?" bilin niya pa na parang nanay.

Nanay.. Mama..

"Oo na lumabas ka na!" I dismiss dahil ayoko ng ipakita sa kanya yung reaksyon ko. Inabala ko na lang yung sarili ko sa pagbubukas ng laptop pero aware akong nakatingin pa din siya sakin hanggang sa tumalikod na at lumabas.

Bigla akong kinabahan nang maalala ko na dapat nung isang araw ko pa nakita ang grades ko. At enrolment week na din pala!

Para akong hinahabol sa bilis ng tibok ng puso ko habang tinatype ko ang address ng student portal namin. Nagdadalawang isip pa ako kung pipindutin ko yung Grading Per Exam Period na button dahil doon makikita ang grades ko.

But wait, bakit naman ako matatakot kung alam ko naman na pinagbutihan ko ang sem na to?

With the little courage that's left with me, I pressed it. Napahawak pa ako sa dibdib ko when I realize na walang red mark! Meaning, wala akong bagsak!

Student Name: DELA SERNA, MANILLA ERICA RAMOS
Student ID No: 12108861894567

Nat Sci 1 (1.0)
Humanities 1-11 (1.25)
English 1-11 (1.25)
Filipino 1-11 (1.50)
PE 1 (1.25)
MSC 1 (1.0)
TCC 1 (1.25)
Math 1-11 (1.50)
Psych 1 (1.25)

GWA: 1.25

Hindi ako makapaniwala. Kung hindi ako nagkakamali, naka uno talaga ako sa MSC? Sa subject ni Ma'am Veluz? At mataas din ako sa kanya sa english? Scholar pa din ako?!

Napangiti na lang ako and chanted a prayer na nagpapasalamat. Humingi din ako ng tawad para sa mga pagkakataon na kinabu bwisitan ko si Ma'am Veluz. Guess she's not that evil witch after all.

"You cant be here!" narinig kong sigaw ni Annie kasunod ng mabibigat na hakbang na parang papalapit ng papalapit

"Annie please kakausapin ko lang siya" boses ba ni Derick yun?

"Wow ha, pagtapos nang nakita namin kanina ikaw pa ang may gana gumanyan?! Get out of here, Derick!" siguro mga ilang hakbang na lang nasa pintuan na sila but I cant even move a finger.

He came.. He came for me..

"I will kapag kasama ko na siya" dinig kong sagot ni Derick at ilang sandali pa bumukas ang pintuan

"You ass-" hindi na natuloy ni Annie ang pagmumura niya dahil nabuksan na ni Derick ang pintuan. Nagtagpo agad ang mga mata namin and I keep mine expressionless.

The Wicked Liar 2: The Lying Game [PUBLISHED BY POP FICTION]Where stories live. Discover now