Chapter 33: Cool Off

Start from the beginning
                                    

"Your mouth!" Penelope snapped at her

"O bakit ka nagagalit? Kasi di ba totoo? Kung nasa matinong utak yang kaibigan mo just like what you are pertaining, hindi siya mang aagaw ng boyfriend ng iba! Erica, mag empake ka na!" hinatak ako ni Annie paakyat sa kwarto ko. Kinuha niya yung bag na nilagyan nung mga damit ko na galing sa bahay at binuksan ang cabinet ko

"Erica please hintayin mo naman muna si DA"

"Para saan pa? Will you stop now? Sapat naman na yung nakita natin kanina di ba?!" Annabeth butted in

Huminga ng malalim si Penny at nakikita kong she's desperately holding on the patience she still have. "Annabeth, naiintindihan ko naman na gusto mo lang ipagtanggol si Erica dahil kaibigan mo siya pero sana-"

"Naiintindihan mo naman pala eh! E di hayaan mo na lang kami! Isa pa, dont act like Derick's lawyer! You know what, you should choose your friends carefully!" putol na naman ni Annie sa kanya at basta na lang kumuha ng mga damit sa cabinet ko at ipasok doon sa bag

"Erica.." nakikiusap ang mga tingin sakin ni Penny. Sa totoo lang tama din naman siya. Siguro naman may magandang rason si Derick di ba kung bakit niya yun nagawa? Hindi naman pwede na basta niya na lang itapon ang pinagsamahan namin di ba? We promised to love each other until the end. Hindi naman basta pwede na lang kalimutan ang isang pangako di ba? Oo, mas nakakahigit naman talaga sakin si Catherine sa kahit anong aspeto pero ako yung mahal niya..

Pero tama din naman si Annabeth. Pagdating ni Derick makikinig lang ako sa mga sasabihin niya and I know kasinungalingan man yun o hindi paniniwalaan ko pa din. Dagdagan pa nung ginawa niya nitong nakaraan lang na pagsisinungaling sakin nung tungkol kay mama.

"Tama si Annie, Pen. Kailangan ko na muna siguro umalis. This is just too much to bear. Kung mananatili ako dito baka may magawa ako sa sarili ko na hindi maganda" kahit paano nagawa ko pang ngumiti ng kaunti pa consuelo na lang sa sarili ko.

"Tara na, besh" hatak hatak na naman ako ni Annabeth hanggang sa makarating kami sa labas at magtawag siya ng taxi, hindi na kami sinundan pa ni Penelope.

"Wag mong iyakan yun. He's not worth it" pinahid ko yung mga luha na sinasabi niya that I am oblivious na tumutulo na pala.

I love him. I still do. But then sa ngayon mas maganda siguro kung hindi na muna kami magkikita. It's getting too much. The euphoria of our relationship is gone at ngayon puro problema na ang dumating samin.

Pagdating sa bahay nila Annabeth kinuha agad nung katulong yung bag ko. Nagulat pa ako na sa kwarto niya kami dumiretso dahil inaasahan ko na ipapagamit niya sakin yung isang guestroom

"Dito tayo magkasama. Mamaya may gawin ka sa sarili mong di maganda eh" naisip siguro ni Annie yung naisip ko

"Anong akala mo sakin suicidal?" nagbibirong balik ko. Kahit naman madaming nangyayari ngayon sakin na masama hindi pa din yun sapat na dahilan para wakasan ko ang buhay ko.

As long as nakakatulog pa ako sa gabi at nakakadilat sa umaga, wala pang dahilan para sumuko ako. Because another day is another life. And another life is another chance para bumawi sa mga kalungkutan ng nakaraan.

"We'll never know. Do not underestimate love. Nakakatanga yan!" pilit pa din ni Annabeth na binalewala ko na lang. Tinignan ko ang cellphone ko at nagbabaka sakaling may text galing kay Derick pero wala. Anyway, what's the point of waiting for his text? For all I know baka nga hawak pa din ni Slutty Cathy ang phone niya.

Oh Slutty Cathy. Magkatunog, bagay na bagay!

"Besh.."

"Ayokong pag usapan si Derick, besh kung yun ang gusto mo. Give yourself a break from him too" putol agad ni Annie sa sasabihin ko. Tinignan niya ako na may simpatya sabay iling

The Wicked Liar 2: The Lying Game [PUBLISHED BY POP FICTION]Where stories live. Discover now