Silence 8: Reflect

Magsimula sa umpisa
                                    

Nagpaalam na si Florence dahil tinatawag daw siya ni tita Claire, kaya kaming lima na lang ang naririto.

"Ma'am Ysabelle! Hindi na tayo gaanong nagkakausap nung mga nakaraang linggo ah," ani sir Allen nang maupo sa mahabang sofa ni Noah.

I gave him a shy smile. "Nakakahiya naman po kasing lumapit sa inyo ng faculty."

Sinikop ko ang aking mahabang buhok at inilagay ito sa isang high pony tail dahil pakiramdam ko'y pinagpapawisan na ako. Nakakadagdag pa ng init sa pakiramdam dahil hanggang ngayon ay naka teacher's uniform pa rin ako.

"H'wag ka mag alala, di na namin sasabayan nila Noah ang faculty. Separate table tayo. Para naman hindi ka lang laging nananahimik sa room niyo. May kanya kanyang mundo naman ang advisory mo," wika ni sir Frank na nakatayo lamang dahil mukhang walang balak si sir Allen na magbigay ng pwesto sa kanya.

"Kahit hindi na," pagprotesta ko. "Ayos lang ako."

"Hey, totoo itong sinasabi namin ah. Para naman makilala ka pa namin. At saka masaya kaming kasama," pag eendorse pa ni sir Allen sa mga sarili nila.

Nag angat lamang ng bahagya ang gilid ng aking labi ngunit hindi ito ngiti.

"Diba Noah?" lingon nila kay Noah na naglabas ng isa pang electric fan mula sa kanyang kwarto.

I feel like there's something different in seeing him doing normal things in the house than viewing him in a professional frame daily.

Noah nodded while turning the head of the electricfan in my direction. His eyes focused on my spot to see whether the air hits me.

"We will," pag sang ayon ni Noah sa sinasabi ni sir Allen.

Not only do I have to see Noah everyday because he's my apartment neighbor and school senior, now I'll also be spending morning and afternoon breaks with him. Seriously, the world's playing with me!

"Sana mag sem break na. Kinukulit na 'ko ng mga parents ko," ipinatong ni sir Allen ang paa niya sa sofa. "Pinauuwi ako."

"August pa lang, bro," halakhak ni sir Frank. "Utak mo nasa October na agad. Hindi pa nga sigurado kung may sem break. Baka long weekend lang din."

"Ayos na yung long weekend. At least makakatatlong araw din. Di tulad ngayon na pag sabado at linggo lang, isang araw lang naman akong makakastay. Sayang pamasahe," sagot ni sir Allen.

Bumaling sa akin si sir Frank.

"Ikaw ma'am? Saan province mo?"

"Sa Ibaan Batangas ako," tugon ko.

"Oh!" turo niya kay Noah. "Edi same pala kayo ng hometown ni Noah."

Yeah. We kind of disclosed that to each other earlier, so I wouldn't be surprised.

Tumango ako.

"Ibaan Batangas din ako," pagsali ni Thelma sa usapan.

"Hindi ka namin tinatanong," pambabara sa kanya ni sir Allen.

Umirap si Thelma. "Just to let you know na hindi lang sila ang magkahome town."

"Hindi rin ba kayo taga Batangas? Paano kayo naging magkakaibigan?" paglilipat ko ng tingin sa kanilang tatlo ni sir Allen, sir Frank at Noah.

"Magkakaklase kami ng senior high school dito sa Dasma," kwento ni sir Frank. "Taga rito ako tapos si sir Allen naman taga Bulacan, pumunta lang dito dahil tiyahin ang nag paaral sa kanya. "

"Yeah. Ngayong may kaya na ako, gustong gustong pinapauwi ng mga magulang," mapait na humalakhak si sir Allen.

"Hindi ka pala nag stay sa Batangas, Noah?" saad ni Thelma. "Kaya pala wala ka pag nangangampanya magulang mo."

A Silence In The ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon