DAY 1

9 1 0
                                    

Year 2016

"Wea, iha may gustong kumausap sayo."

Bumaling ako sa kanya.Kita ko sa mga mata niya ang labis na pag aalala at pag aalinlangan.Napabuntong hininga ako.

"Gusto kang kausapin ng mga pulis iha pero kung ayaw mo puwede ko naman silang paal-"

"Ayos lang po."Sagot ko nalang para hindi na siya mag alala.

Kahit nag aalinlangan dahil nga nag aalala siya sa akin ay tumango siya saka nagtungo sa may pintuan at pinapasok ang mga pulis.

Natulala ako pag kakita ko palang sa kanila.Hindi ko alam kung paano sasagutin ng maayos ang tanong nila nang hindi nanginginig o nahihisterikal man lang.

Ilang gabi din kasi akong hindi nakatulog dahil sa nangyari.Hanggang ngayon bangungot parin ang dulot noon sa akin.

"May ideya ka na siguro kung ano ang aming ginagawa dito, tama ba iha?"Tanong ng napapabalitaang bagong saltang pulis.

Napatango nalang ako. "Maaari mo bang i kuwento sa amin kung ano ang nangyari sa inyo sa skwelahang pinapasukan mo dati?"

Napabuntong hininga nalang ako bago mag simulang mag kuwento.

Flashback>>>>

Hindi ko makakalimutan ang unang pasok ko noon sa Silver Spring.

Nagpumilit pa si Sister Rosa para lang maipasok ako ng skwelahan at maka pag aral.

Lagi niya kasing sinasabi na ang problema ay dapat ginagawang inspirasyon hindi isang malaking alalahanin ng isang tao kasi kung mag po focus ka lang daw sa kung ano ang problema hindi daw yun malulutas.

Tandang tanda ko pa noong unang tapak ko sa Silver Spring.Lahat sila nakatingin sa akin na para bang sa pamamagitan ng tinging yun malalaman nila kung ano ang silbi o antas ko sa buhay.

Akala ko magiging maganda ang unang pasukan ng skwela para sa akin pero hindi pala.Pagpasok ko palang sa room namin agad ng sumalubong ang mga estudyanteng may hawak na papel.

Pinagbabato nila ako ng papel ng araw yun habang ako sa pamamagitan ng mga braso ko ang nag sisilbi kong panangga sa mga binabato nila.Napatingin ako sa teacher namin na hindi manlang ginawang sawayin o patigilin ang mga estudyante niya.Ni pag tingin nga sa gawi ko hindi niya ginawa.

Tumulo ang mga luha ko.Hindi ko inaasahan ito.

Nang mapagod sila'y sa kakabato ng papel agad naman nila akong inutusang linisin ang kalat na ginawa nila tutal mahirap lang daw ako at ang mahihirap daw na gaya ko ay dapat pinagsisilbihan ang mga mayayamang tulad nila.

Sa buong buhay ko ngayon ko lang naranasan ang ganitong buhay.Ngayon lang din ako nakakita ng mga kasing edaran ko na balikwas kung mag isip.

Trese anyos palang sila pero ang nasa isip na nila ay kasakiman.

"Tama yan Wea."

Napabaling ako sa likod ko ng marinig ang bulong na iyon.Isa iyong babae na nakasuot ng uniporme gaya ko pero ang pinagtatakahan ko lang ay bakit maputla siya.

Mahaba ang buhok niya at ang iba roon ay natatakpan na ang mukha niya pero hindi sapat yun para hindi ko maaninag ang nakapaskil na mala demonyong ngiti sa mga labi niya at ang nanlilisik na mga mata niyang nakatingin sa akin.

Nanginig ako sa takot.Hindi ko alam kung paano sisigaw o tatakbo sa mga oras na'to dahil kapag ginawa ko yun magmumukha akong katawa tawa sa harapan ng buong klase at isiping nasisiraan na ako ng bait

"Talagang nasisiraan kana ng bait Wea, tanggapin mo ng baliw ka na, hahahahahaha!ⁿ

Naramdaman kong may bumato sa akin ng matigas na bagay kaya napabaling ako doon. "Ano pang ginagawa mo dyan?! Aba mag linis kana! Baliw!"Singhal niya.

"Narinig mo ba iyon Wea? baliw ka daw?"

Umiling iling ako habang umiiyak. "Hoy baliw ano ba-"

"Saktan mo siya Wea, saktan mo siya!"

Tumingin ako ng masama sa kanya saka marahang tumayo.

"Hoy! anong tinitingin tingin mo dyan ha?! Baliw ka ba?!"Sigaw niya sa akin habang papalapit ako sa kanya.Narinig ko namang nagtawanan ang lahat sa sinabi niya.

"Hey guys look at her ,she's crazy by the way."

Muli kong narinig ang tawanan ng lahat pero hindi ko yun pinansin.

"Saktan mo siya Wea, tinawag ka niyang baliw kaya marapat lang na gantihan mo siya!"

"Hahaha you look pathetic and craz-Ugh!"Nagulat ang lahat sa ginawa ko ng iuntog ko ng pag kalakas ang ulo niya sa upuan na naging dahilan para bumulwak ang dugo niya sa kinauupuan niya.

"Magaling, Wea binabati kita.Hindi ka talaga baliw."

Imbes na magulat sa ginawa ko ay napangiti ako.

Hindi ka baliw Wea, hindi.

"You freak what did you do?!"Sigaw ng isa sa classmates ko.Bumaling ako sa kanya at saka napa tingin kay Gomez.

Bigla akong natauhan ng makita kung wala awat na bumubulwak ang dugo sa ulo niya dahil sa pagkakahampas ko sa ulo niya sa kinauupuan niya.

Nanlamig ako at hindi makagalaw.

Anong ginawa mo Wea?

Napaiyak ako habang nakatingin pa rin kay Gomez na nakatitig sa akin ng masama.

"Ma'am nandyan na po ang ambulansya."Singit naman ng kaklase kung si Perez.

Nang marinig naman iyon ni ma'am ay agad niyang inakay si Gomez palabas ng room na agad namang sinundan ng iba ko pang kaklase habang ako ay naiwang mag isa sa room.

Iyak ng iyak at sisingsisi sa nangyari.

Siguro nga baliw ako.

"Hindi ka baliw Wea, tama lang yun ginawa mo sa kanya dahil inaapi ka niya."

Napatingin ako sa babaeng nakaupo sa harap ko.Naka Indian sit ito habang nakatingin sa akin.

Sa tingin ko nasa trese anyos din ang babaeng na sa harap ko ngayon.Hindi ko alam kung ano bang nais niya at ginugulo niya ako.

Umupo ako saka niyakap ang mga tuhod ko habang umiiyak.

Mali ang pakinggan at sundin siya.Naturingan pa naman akong nakatira sa kombento pero masama ang pumapasok sa utak ko.

"Kung iniisip mong mali ako dahil pinakinggan mo ako, nagkakamali ka dahil kahit hindi mo ako sundin gagawa't gagawa ka pa rin ng mga bagay na hindi mo inaasahan sa huli."

Napatitig ako sa kanya."Anong ibig mong-"

"Ms.Blont sinong kausap mo dyan?"

Napabaling ako sa taong nakatayo sa pintuan.Nakakunot noo siyang nakatingin sa akin.

Bumaling ako sa kaninang kinaroroonan ng babae pero wala iyon doon.

Hindi niya ba nakikita ang babaeng yun.

"Ahm may kausap po ako kanina na babae dito."

Napagmasdan ko ang mukha ng lalaking guro ng kumunot ang noo nito. "Ikaw lang mag isa ang nakita kong nandito."Sagot naman niya.

"Hindi niya talaga ako makikita dahil matagal na akong patay Wea, at sila ang dahilan kung bakit ako namatay."

Napalingon ako sa gilid ko at bumungad sa akin ang mukha niya na kung kanina ay halos matakpan ang mukha niya ng buhok niya, ngayon ay mas malaya ko na itong nakikita.

Halos manlamig ako tipong hindi na ako makagalaw sa kinauupuan ko.Nanlilisik na mga mata,may mala demonyong ngiti sa labi, gula-gulanit na uniporme at inu-uod na mukha nito ang tumambad sa akin.

"AHHHHHHHHHHH!!!!!!"

My Elementary Daysحيث تعيش القصص. اكتشف الآن