4

7 4 1
                                    

Chapter 4
Vitto Linnaeus Cendaña

Saturday came and I was excited to watch Solaze play. Sila pala ung Arkyv. I've heard about them at our previous school. Tutugtog din sana sila doon noon pero hindi na kaya ng budget ng school... gano'n na sila ka-gipit.

Nasa boutique ako ng kapatid ni mama ngayon para mag-hanap ng ireregalo sa kaibigan nila Solaze. Nakakahiya naman ata na pumunta doon na dala lang ang sarili ko.

"Para kanino po, sir?" Tanong ng saleslady. "A friend's friend, babae." I said shortly.

"Ano ba ang pwede na i-regalo para sa taong 'di ko kilala? Ininvite lang kasi ako, 'di ko naman kilala ung mag-bi-birthday."

"Gano'n po ba? Ano... siguro po regaluhan niyo nalang ng makeup. Mahirap po kung damit o sapatos dahil hindi niyo alam ang size ng pagbibigyan ninyo."

Napa-tango naman ako. May point! Tama siya.

"Okay then, yun nalang-" I stopped to look at her name plate. "Thank you, Sandra!"

Bumili lang ako ng ilang makeup pallet na nakita ko. Basta nalang ako dumampot ng makita ko at nang marami na ang nakuha ko ay binili ko na.

Nang maka-labas ay nagpa-sundo na ako sa driver namin para maka-uwi na ako at makapag-pa-pogi. Andun crush ko!

Pagka-dating ko sa bahay ay wala sila mom. Nag-dinner daw sa labas sabi ng mga maid. It took me half an hour to get ready. Kasama na doon ang ligo at ayos. Natural naman ako'ng gwapo.

In-born na 'yon.

Gwapo ka Vitto. Sana i-crushback ka ni Solaze. Kung di papalarin sana kahit 1 day lang.

Inayos ko ang sleeves ng polo ko. Bago bumaba ng kotse. I told my driver na tatawag nalang ako kapag mag-papa-sundo na ako. Nag-lakad na ako papasok at binigay ko sa bouncer ang pass ko.

Ka-pa-pasok ko palang nang maka-tanggap ako ng tawag kay Solaze.

"Hello, tutuloy ka ba?"

"Look behind you,"

Agad siya na lumingon saakin. She smiled and dropped the call.

"You came!" Iniwan niya muna sila Rancii na nag-se-set up pati ang kausap niya. She gave me a brief hug and looked at me. "Pogi ah!"

Kumalma ka Vitto. Inhale. Exhale.

She looked beautiful in her all white outfit. White shirt, white maong pants, and Air force 1's. Pati face make up nila mga outline na puti at may parang diamonds din ang buhok nila.

A-ang ganda...

"Ha?" She asked.

"Ang ganda mo," Nanlaki ang mga mata niyang malaki at namula siya. She tried to laugh it off. Cute. "'Lamat. D-dito ka upo,"

"Benedict! Wag niyong aanohin 'to ha!" Binatukan niya ang lalaking tumingin saakin na parang may binabalak na masama. "Aray! Lakas naman!"

Dancing In The Dark [DISCONTINUED]Where stories live. Discover now