001

12 2 2
                                    

Agosto epal

11:07 am

ANO ASAN KA NA
BILISAN MO NAMAN 
ang init dito, oy

Oo na, ito na sandali ka lang kasi
Atat ka

Pasundo pasundo pa kasi
Bilis na oy nag aayos ka pa ata dyan
Pangit ka pa rin naman  

WENDY ANG INIT
TUTUKTOK KO SAYO TONG PAYONG KO

ETO NA ETO NA AUGUSTIN 
DI MAKA ANTAY KITANG NAGSUSUKLAY PA

11:54 am

Pangit mo
Salamat sa sundo

Mas pangit ka
Pa bangs bangs ka pa para kang nagpapa cute
Balik mo payong ko mamaya

AYAW KO NGA
Bibigay bigay mo kanina sakin bahala ka dyan
Akin na to

Ilang payong na kinukuha mo sakin mahiya ka

Oo na, mamaya kunin mo sakin
Sabay ulit ako sayo uwi 

Yoko na ulol
 Papalibre ka na naman pamasahe

Di wag

Hintayin kita sa gate
Bilisan mo ha

Sharlene

2:32 pm

Wendyy ala na si ma'am? nandito ko canteen
HAHAHA nalate ako kanina kaya di na ko pumasok
Ngayong recess nalang ako papasok 

2:43 pm

Late 3 mins nagpalabas paboritong teacher mo haizxt
Hintayin mo ko pababa na ko

Agosto epal

2:49 pm

Bat paakyat ka agad?
Kunti pa lang nakakain mo ah
Bagong buhay ka?

Wag kang epal wala kong pera
Pampam ka na sa hallway pati ba naman sa chat

Bilhan mo nga ko icedtea kauhaw
Init dito sa room, di ako maabot ng electric fan pota
Sira aircon e

KAPAL MO DI MO KO UTUSAN, OY
Tsaka layo ng floor mo samin

2:51 pm

HOY KUNIN MO TONG ICED TEA
BILIS BAGO PA MAGBAGO ISIP KO 

Ha?
Saan ka? Wala ka naman dito sa labas ng room

Andito ko sa may hagdan yoko dyan sa room niyo
Titilian na naman ako

Kapal mo sandale

Bilis naman may klase pa ko iinuman ko to tamo

2:59 pm

Nakain ko na, salamat
Kunware ka pang tira mo yung siomai sus
E bat apat na piraso pa rin yung nakain ko?
Isang buong order pa rin, halatang inorder para sakin

Wag ka na ngang mag-isip ng kung ano
Mukha bang pakakainin talaga kita ng tira
Wag ka ng maingay, nandito na teacher ko

Sige, mamaya nalang ulit
Libre mo ko mais mamaya
Diba may utang ka pa saking sampu?
Abonohan mo nalang ng kinse hehe

Kapal mo

Mists of Wednesday AugustWhere stories live. Discover now