Marahil natatahimikan siya sa loob kaya niya ako tinanong?

"A-ah oo masarap silang lahat." ngumiti akong medyo nag aalinlangan.

Wala na siyang sinagot sa aking sinabi. Naging tahimik nalang muli ang byahe hangga't nakita ko ang kotseng tumigil sa tapat ng apartment na tinutuluyan ko!

What the hell? Paano niya nalaman saan ako nakatira? Wala naman akong nilagay na address sa resume ko, tsaka wala pa akong mga background sheets na sinasagutan galing sakanila!

"Paano niyo nalaman saan ako nakatira?" Gulat na gulat kong tanong.

"It's in your resume. " He replied shortly.

Alam ko talaga wala akong nilagay! Or baka meron at hindi ko lang natandaan?

Isinawalang bahala ko na lamang ito, baka nga meron talaga, kase kung ganoon paano niya nalaman saan ako nakatira?

"A-ah," I laughed awkwardly.
"Salamat po sa pag-hatid Manong. Goodbye Sir, see you tomorrow. " I told them smiling.

He just nodded his head.

I quickly went out his car and waited for his car to disappear in my sight.

Pumasok na ako sa loob at nakita ang aking gamit sa labas ng aking kwarto!

Potangina! Sinasabi ko na nga ba tinotoo ng walanghiya ang kaniyang sinabi!

Unti unti kong pinulot ang aking mga damit sa labas ng pinto, nagulat ako ng may nakita akong kamay na kinukuha rin ang aking damit at inilalagay sa loob ng aking maliit na travel bag.

Gulat na napalingon ako kung kaninong kamay iyon at nakita si Sir Darius!

"S-sir? What are you doing here p-po?"

"Stop talking and just help me scoop your things up" He told me coldy again.

Gulong gulo parin ako sa nangyayari. Bakit sila nandito? Diba nakaalis na sila? Tsaka bakit siya pumasok sa building?

Sinunod ko nalang ang kaniyang sinabi at sinundan siyang pumunta sa kaniyang kotse, ipinasok niya ang aking mga gamit sa likod ng sasakyan. Nang maipasok na lahat ng gamit ko roon ay tumingin siya sa akin.

"Let's go. I have a place for you to live from now on" He quickly went inside his car.

Nakatayo lang ako sa labas hindi ako pumasok. Bakit ako papasok? Tsaka jusko baka mamaya yung tinutukoy niyang tutuluyan ko ay ibawas sa sweldo ko ang renta buwan-buwan. Sa yaman ba naman niya impossibleng ang tutuluyan ko ay mura lang ang renta! Baka nga buong sahod kona yung renta nun sa isang buwan!

Nang mapansin niyang nakatayo lang ako sa labas ay lumabas siya ulit.

"What now? Hindi ka papasok? Do you want me to drag you inside?" He told me annoyingly

"S-sir saan po ang tinutukoy niyo? Baka mahal ang renta doon, wala po akong pera." Nakayuko kong sabi.

He hissed at me. "It's not. You don't have to worry about anything. Walang mababawas sa sweldo mo.
I got you, always. " Humina ang boses niya sa huling sinabi kaya't hindi ko masyado iyon naintindihan.

Sumakay nalang ako sa loob ng kaniyang sasakyan. Nakakahiya naman kasi, baka mamaya sesantihin pa ako nun kase 'di ako sumunod sakaniya.

Nakakapag-taka lang kasi, walang bayad yung tutuluyan ko? Seryoso ba? Napakagalante naman ng kumpanya may pabahay din!

Tumigil ang sasakyan sa isang gate, automatiko itong bumukas at halos malaglag ang panga ko sa nakita!

Mansion!

Anak ng! Napakalaki naman nito! Dito ba ako tutuloy? Bahay ba niya to? Bakit kami nandito?

Ng huminto ang sasakyan sa harap ng isang pinto ay bumaba siya kaya't bumaba din ako.

May mga nakaabang na mga katulong sa harapan namin.

"Magandang Gabi Hijo. Kamusta? "
Ani ng matanda sa gitna. Sa tingin ko ito ang mayodorma dito, iba kasi ang suot niya sa suot ng iba.

"Good Evening as well Manang. As you can see I have someone here. Dito muna siya tutuloy. Please ready our guest room and spare her some clothes." Napanganga na naman ako!

So totoo ngang dito ako tutuloy? Bakit naman dito? Sa bahay niya? Ano ko ba siya? Diba Boss?

Tumingin ako sakaniya at nagtanong
"P-po? Sir dito ako tutuloy? Bahay niyo ho ito h-hindi ba?" I aksed him stuttering.

Hindi niya ako sinagot at nagdire-diretso lamang papasok ng bahay.

Walanghiya! Bastos!

The Second Time Around.Where stories live. Discover now