Chapter 18 ~ Torn into two ~

Start from the beginning
                                        

"G-Ganun po ba?"

"Oo. Sige na, pumasok ka na." Nag-nod ako at dali-daling pumasok.

"Harvey sabi mo daw—"

"Magpapagamot na ako."

"Ah yun pa—" WHAT! "Ano? M-M-Magpapagamot?" Yung mata ko, pakiramdam ko, natanggal. Yung puso ko, tumigil. Yung dugo ko, parang naging deoxygenated lahat.

"Oo, magpapagamot na ako wag mo lang gawin yung sinabi mo. Hindi ko kayang mamatay na alam kong may susunod sa akin. Basta kapag hindi ko kinaya, hindi ka pa susunod, okay?"

"Harvey," sambit ko. Lumapit na ako sa kanya at umupo sa upuan na nasa tabi ng kama niya. Hinawakan ko yung kamay niya.

"Please? Wag kang madaya ah! Hindi ko naman kasalanan kapag hindi ko kinaya eh. At least lumaban ako. Diba sabi mo, lalaban tayo? Gagawin ko lahat para lang tumagal at gumaling ako. Naniniwala akong kaya ko kasi sabay tayong lalaban."

"Pero sabi mo... sabi mo nahihirapan ka na," malungkot na sabi ko.

"Syempre kakayanin ko para sayo. S-Sa hirap at ginhawa diba? Basta para sayo. Because you know what? Before, I used to be the one who saves you and now you are the one who keep me going."

Hindi ako makapaniwala. Oo, tama siya. Halos siya ang nagmistulang superman ko kahit pa nung nagkasama kami sa maikling panahon nung bata kami, ayon sa kwento ni mommy na lagi daw akong pinoprotektahan ni Harvey. Pero, ako? Anong silbi ko?

"Harvey, na-realize ko na naging selfish ako. Hindi ko alam. Hindi ko na alam kung ano bang desisyon ko. Inisip ko kanina, hahayaan ko nalang na magulang mo ang magdesisyon tutal sila din naman ang may karapatan. Pero ito ka ngayon, nagsasabing lalaban tayo. Ayaw kong mahiwalay sayo pero alam kong nahihirapan ka na. Anong gagawin ko?"

"Basta. Kung saan ka, doon ako. Mahal kita eh. Kaya lahat, gagawin ko para sayo."

Ngumiti nalang ako sa kanya nang bahagya at napayuko. Sa akin nakasalalay?

"Mahal ko siya... anong dapat gawin ko? Saan ba dapat ako?" nabulong ko nalang sa sarili ko.

Sabi ng puso ko, wag kaming susuko at sabay kaming lumaban. Pero hindi ba unfair yun? Lalaban kami tapos puro siya lang din ang makakaranas ng paghihirap. Siya turok doon, turok diyan. Inom nun, inom niyan. Habang ako, hintay diyan, upo doon. Sabi naman ng utak ko, pakawalan ko na siya dahil hindi ko na kakayanin kung makikita ko pa siyang mas maghihirap.

Parang ang weak naman nun? Hahayaan ko nalang na mawala siya without putting up a fight? Hindi ko kayang pakawalan siya ng ganun lang. Pero wala pa rin sa akin ang desisyon. Kahit gaano pa ako mag-pumilit lumaban, kanilang desisyon pa rin yung mananaig.

"Okay ka lang?" Nakabalik ako sa realidad nang magsalita si Harvey.

"O-Oo naman," nakangiti kong sabi.

"Alam mo ba, mahal na mahal kita. Kapag—" napatigil ito at biglang naubo.

"Sshhh, wag ka na munang magsalita. Mapahinga ka nalang, okay? Hindi ako aalis sa tabi mo." Nag-nod ito pero hindi naman sinunod yung sinabi ko dahil nag-salita pa din siya.

"Anong date ngayon?"

"February 19," sambit ko naman.

"Lumipas na... Lumipas na pala ang Valentine's day. Sayang."

"Oo nga pero okay lang naman yun. Marami pa namang Valentine's day na pwedeng maganap diba?"

"Oo nga. Marami pa pero hindi ko alam kung buhay pa ako nun."

Keep Smiling :)Where stories live. Discover now