Napabuntong hininga na lamang si Adam. Hindi niya kayang tiisin si Kelly. "Okay... I'm sorry if I acted that way. It's just that..."

[What?]

"I-I'm Jealous." Nauutal na aniya, halatang hirap niyang aminin ang bagay na iyon kay Kelly.

[You don't have to.] Seryosong sagot ni Kelly.

"What do you mean?" Naguguluhan na tugon ni Adam.

[I'll answer your questions first.]

"Sure." Iyon ang isa sa hinihintay ni Adam na sagutin ni Kelly. Kahit sa kaloob-looban niya kinakabahan siya sa posibleng maging sagot ni Kelly.

[Before that, can you go first to the balcony?]

Kumunot ang noo ni Adam. "Why?"

[Just go!] Naiinip na saad ni Kelly sa kabilang linya, tila ba hindi na makapag hintay pa.

"Okay..." Natatawa na sabi ni Adam.

Pagkalabas ni Adam sa balcony, tanaw niya si Kelly sa kwarto nito. Nakadungaw sa may bintana. Nang magtagpo ang kanilang tingin, hindi niya maiwasan na mapangiti. Mas lalong lumawak ang kanyang ngiti at kasiyahan sa puso niya nang ginantihan iyon ni Kelly.

[Ngiti-ngiti ka riyan.] Puna ni Kelly.

"I'm just happy." Batid sa boses ni Adam ang kasiyahan. Kung ano kanyang pag-aalala kanina na baka hanggang doon na lamang, napawi lahat iyon.

[Masaya rin ako, kasi masaya ka.] Nakangiting tugon ni Kelly. [Sagutin ko na tanong mo.] Dugtong pa niya.

Tumango si Adam. "Sure."

[I said that I have something to do because I'm with Alex—.]

"That's my point." Putol ni Adam. "I don't want that guy around you."

[Pwede ba patapusin mo muna ako.] Mabilis na nagbago ang mood ni Kelly. Isa kasi sa pinaka-ayaw niya ay ang pinuputol ang kanyang sasabihin.

"Sure, I'm sorry." Nangingiting sabi ni Adam. Nakita kasi niya kung paano siya inirapan ni Kelly.

[I can feel the tension between the two of you. Kaya 'yon ang sinabi ko.] Paliwanag ni Kelly doon sa dahilan kung bakit hindi niya sinabi ang totoo kay Adam. [And... about your second question. Kung siya ba ang dahilan. No.]

"But he's courting you?" Kabadong tanong ni Adam.

Umiling iling si Kelly. [No.]

"I heard everything, how he asked your mom's permission." Imporma ni Adam. Para bang pinapaalala niya kay Kelly na nandoon siya mismo kung paano iyon sinabi ni Alex kay Mrs. Tolentino. Hindi lang sapat ang salitang hindi, gayon ay narinig niya ang lahat.

[Idea lang niya 'yon. Para malaman kung papayagan ba ako, kung sakali man na may manligaw.] Paliwanag ni Kelly.

"Oh... I thought he's really courting you." Tila doon pa lamang nakahinga ng maluwag si Adam. "I feel relieved now." Pag-amin pa niya.

Napa-buntong hininga si Kelly. Tila may isang mabigat na bagay siyang sasabihin. [I have something to tell you.] Seryoso niyang sabi.

"What is it?" Kabado naman na sumagot si Adam. Kita kasi niyang nagbago agad ang mukha ni Kelly.

Huminga ng malalim si Kelly. [Pinapayagan na kitang manligaw.]

Nanlaki ang mata ni Adam. "R-Really?"

Nakita naman niyang nakangiting tumango-tango si Kelly. "Oh, God! You have no idea how happy I am." Mahihimigan iyon sa boses ni Adam. Kung malapitan lang silang dalawa, makikita mo ang kinang ng kanyang mata. "Puntahan kita riyan, payakap lang." Bigla ay sabi ni Adam.

ACCIDENTALLY GLANCES THE CITY BOYWhere stories live. Discover now