"Tita." Ding looked at me. Naroon sa mga mata nito ang piping pakiusap na pahindian ko ang maling conclusion ni Mommy.

Nag-iwas ako ng tingin at piniling manahimik. Sinubukan ko na kaninang magpaliwanag pero hindi naman ako pinakinggan ni Mommy. Hahayaan ko na lang na mapag-isipan kaming may relasyon, in a way that was advantageous on my part.

Naging instant girlfriend ako ni Ding ng walang kahirap-hirap.

"I don't need a very long explanation but I'm not expecting you would just stand there and call me Tita. You are no longer a boy, be a man and speak up!"

"I'm sorry po talaga sa nakita ninyo. Pero wala po kaming relasyon ni Romina." He looked at me again. This time, may kasama ng kunot ng noo ang tinigin niya sa akin. "Rome, help me here. Sabihin mo kay Tita Joey kung bakit ka nasa kwarto ko."

"Mommy." Simula ko habang nakatingala kay Mommy. "Dinalan ko lang siya ng breakfast na niluto mo. Totoo, wala kaming relasyon." Panandaliang akong huminto sa pagsasalita. "It's not yet official because I'm still young." Yumuko ako para maitago ko ang ngiti at pamumula ng pisngi.

"Romina anong pinagsasabi mo." Gulat na bulalas ni Ding. "Tita that's not true!"

"Hindi kita ganoon kakilala pero puro mabubuting bagay lang ang naririnig kong kwento kapwa nila Mark at Romina tungkol sa iyo. Nagkamali ba sila ng pagkakakilala sa iyo?" Lalong naging seryoso ang tono ng Mommy ko.

Napatayo ako at napahawak sa braso ni Mommy. "Mommy, huwag kang magalit kay Ding, it's was..." Babawiin ko na sana ang sinabi ko at sasabihin ko na nagbibiro lang ako pero naunahana akong magsalita ni Mommy.

"I may be at fault. I'm always away and I'm not here to monitor my daughter. Ganoon din si Mark, naging pabaya dahil hinayaan niyang mapalapit ka kay Romina. But you're very much aware that my daughter is a minor and there are legal consequences of your actions."

"Legal consequences!?" I uttered in disbelief. "Mommy you're exaggerating! We've done nothing wrong. He'd done nothing wrong. He just hugged me kanina and we only shared one kiss. Swear! Just one quick kiss!" Dahil nataranta ako kaya kung ano-ano na ang nasabi ko.

"Ano!?" Namula ang mukha ng Mommy ko at parang nanlambot ang mga tuhod.

Naging mabilis si Ding at inalalayan makaupo si Mommy.

"Rome, ikuha mo ng tubig si Tita." Utos ni Ding sa akin.

Mabilis naman akong tumalima at patakbong pumunta ng kusina. Dahil madalas naman ako roon kaya kabisado ko na kung saan nakalagay ang mga glassware ni Ding. Nanginginig ang kamay na nagsalin ako ng tubig sa isang baso.

Natakot ako sa naging reaksyon ni Mommy.

Dapat ay hindi ko nasabi iyon. Papaano kung may mangyayaring masama kay Mommy? Walang ibang dapat sisihin kundi ang aking sarili. Pinahid ko ang luhang nagbabantang tumulo sa mga mata ko.

Foolish of her!

I composed myself and with big steps, I headed back.

"Here, Mommy drink this." Sabi ko bago ko inabot ang baso ng tubig. "Are you okay? Do you need anything?" Nag-aalalang tanong ko.

"Halika na Romina. Tulungan mo akong tumayo at umalis na tayo sa bahay ng lalaking ito. Huwag mong sayangin ang panahon mo sa pagmamahal sa taong hindi ka naman mahal."

"Mommy." Tumingin ako kay Ding, sandaling naghinang ang aming mga mata pero ito naman ngayon ang naunang nag-iwas ng tingin.

Tumayo si Ding at inalalayan niya muli si Mommy. "Sorry po talaga Tita." Paghingi ng paumanhin ni Ding.

Sweetest TrapWhere stories live. Discover now