Pagkaraan ng ilang minuto niyang paghihintay ay lumabas na si Kelly. Napangiti siya nang matanaw niya 'yon. Ngunit, naningkit ang kanyang mata sa sumunod na nasilayan. Nakita niya kung paano inakbayan si Kelly ng isang ka-trabaho niya. Mabuti sana kung babae 'yon ngunit hindi dahil isang lalaki. Nagkasalubong ang dalawa niyang kilay. Hindi niya nagustuhan ang kanyang nasasaksihan. Kung may karapatan lang sana siya. Kanina pa nakatumba ang lalaking 'yon.

Nainis pa siya lalo nang makitang bumubulong pa ang lalaki kay Kelly. Ikinasama pa ng mukha niya ang pagtatawanan ng dalawa.

Nang makalapit na ang dalawa sa kanya. "Adam, si Alex--."

Hindi na natuloy pa ni Kelly ang kanyang sasabihin dahil pinutol siya ni Adam. Hinila niya si Kelly mula sa pagkakaakbay ng binata. "Let's go!" Matigas niyang sabi.

Titignan pa sana ni Kelly si Alex para makahingi ng paumanhin kaso pinagbuksan na siya ng pinto ni Adam. "Get in." Seryosong sambit ni Adam. Nagtataka man si Kelly pero tila hindi niya kayang sumuway, kaya sinunod niya ang sinabi ng binata. Hindi na siya nagdalawang isip pang umapila.

NAGUGULUHAN naman si Kelly sa inasal ni Adam. Hindi niya matukoy kung ano ang naging problema, kanina naman kasing umaga bago siya nagpaalam maayos pa silang dalawa.

Ikinagulat talaga niya ang pagputol ni Adam sa dapat niyang sasabihin. Gusto lang naman niyang ipakilala si Alex, pero parang naging masama pa ang ideyang 'yon. Bago kasi sila makalapit na dalawa ni Alex kay Adam, may pinag usapan pa sila.

"Girl, mukhang nandiyan na ang baby mo." Pang aasar ni Alex.

"Ano na naman ba 'yang pinagsasabi Alexander?" Kibit balikat niyang tanong.

Umakto naman na parang gulat si Alex. "Ay, nasa in denial stage pa lang? Ang bagal, ha."

"Manahimik ka nga!" Sita niya kay Alex. "Baka may makarinig sa iyo."

"Private relationship ang peg?"

Pinanlakihan ni Kelly ng mata ang ka-trabaho. Tinaas naman ni Alex ang dalawang kamay, senyales na sumusuko na ito. "Okay. Titigil na." Natatawang aniya. "Pero pakilala mo ako, ha. Baka malay mo ako pala ang gusto sa ating dalawa."

"Ang taas ng pangarap ha?" Hindi maitatago sa boses ni Kelly ang pagiging sarkastiko, halatang tutol siya sa sinabing iyon ni Alex.

"Are you with me?" Mababatid ang seryoso at iritadong boses ni Adam.

"H-Huh?" Naguguluhan na tanong ni Kelly. Binalingan pa niya ang binata, pero seryoso lamang iyon na nagmamaneho. Naka-isang linya pa ang kilay nito.

"You're not with me!" Parang bata na sabi ni Adam, bumagsak pa ang kanyang balikat. "Are you thinking of that guy?"

"Ano?" Nagtataka na naman niya iyong tinignan. "Bakit ko naman siya iisipin?"

"You like him." Hindi 'yon tanong, isang pahayag. Napaawang ang labi Kelly. Ano ba ang pinagsasabi niya? Sasagot na sana siya nang magsalita ng muli si Adam. "Nevermind..." Iniwasan niyang marinig pa ang sasabihin ni Kelly. Hindi siya handa sa bagay na 'yon.

"Ang gulo mo kausap!" Inis na reklamo ni Kelly. "Kanina basta mo na lang akong hinila, gusto ko lang naman siyang ipakilala sa iyo."

"I don't want to!" Masungit na tugon ni Adam.

Napasimangot na lang si Kelly. Ayaw niya kasi talaga ng ideya na nakikipagtalo.

Napansin iyon ni Adam, kaya mabilis niyang binalingan ang dalaga. "I'm sorry... are you mad?" Marahan niyang sabi.

Kumunot ang noo ni Kelly. "Hindi, bakit naman ako magagalit sa iyo?"

"I wasn't able to control myself..."

ACCIDENTALLY GLANCES THE CITY BOYWhere stories live. Discover now