Nanatili lang akong tahimik na nakatingin sa kanya. Nakatutok ang paningin ko sa kanya na kahit ang pagbaling ng tingin sa taong tinututukan niya ng baril ngayon ay hindi ko na nagawa pa.

"Ako na lang.. ako na lang ulit mom.. kill me just like before.. huwag mo na lang silang idamay." napapagod ko pang sambit na inilingan lang niya.

"No.. no.." nakangiting iling niya. "..hindi iyon nakaka-excite First.. gusto kong gawing exciting ang pagkamatay mo." napaisip pa siya bago magsalita ulit. "..ilang beses na ba kitang binalak patayin? Hmm.. simula ng pinanganak ka? nung natuto kang magsalita? nung unang beses kang naglakad mag-isa? o nung nilunod kita sa pool? .. ilang beses na ba? i almost lost count First.. hahaha." natatawa niya pang bilang sa pagtatangka niyang bawian ako ng buhay.

"Nakakasawa kang patayin First.. siguro ay ayaw din sayo ni satanas dahil isa kang malas kaya hindi ka mamatay-matay." saad niya pa.

Malakas akong napahalakhak kalaunan sa sinabi niya na pansin kong nagpatigil sa pagsasalita niya.

"Hahahahahhahaha!" halakhak ko pa habang hindi ko mapigilan ang pag-agos ng luha ko. Siguro sa mata ng lahat ay tuluyan na akong nawala sa sarili ko.

Marahas ko na namang pinunasan ang basa kong pisnge.

"Tinanong ko din yan noon ma.. akalain mo 'yun, pareho din pala tayo ng katanungan, hahaha.." natatawa kong saad na ikinakunot ng kilay niya. Siguro ay nagtataka din siya sa pag-iiba ng emosyon ko ngayon na sana hindi na niya pinagtakhan pa dahil nakuha ko naman iyon galing sa kanya. "Bakit kaya hindi pa ako namatay noon? Hahaha." muli kong tanong.

"First!" tawag ni Clover sa akin kaya luhaan akong tumingin sa kanya.

"Oh.. I never known you Clover kung noon pa ako namatay.. hindi ba? . .that's what you told me. Haha." sambit ko na nagpadagdag ng pag-aalalang nakikita ko sa hitsura niya ngayon.

"First.. hey come here." tawag niya pang muli. Napatayo siya mula sa pag-alalay niya sa ina niya upang lapitan sana ako ngunit mariin akong umiling sa kanya.

Mapait pa akong napangiti sa kanya bago ko ibalik ang paningin ko sa dalawa kong ina.

Ilang beses kong nailing ang ulo ko upang hindi lang ako tuluyang mawala sa sarili.

"A-ano bang nagawa ko? Bakit ni minsan hindi ko naramdaman ang pagmamahal niyong dalawa, huh?" malalim akong napalunok upang magawa ko pang makapagsalita ulit sa kabila ng hindi ko mapigilang paghagulhol habang kaharap sila.

Mapait pa akong napatawa ng mapansin kong pareho silang nag-iwas ng tingin dahil sa tanong ko.

"Pwede ba First? Itigil mo na nga ang pagdadrama mong iyan dahil kahit kailan ay hindi mo makukuha ang pagmamahal na iyon mula sa akin." sambit ni mommy kalaunan na tuluyang nagpadurog sa puso ko.

Binawi ko ang pagkakatutok ng baril ko sa gawi niya at dahan-dahang tinutok iyon sa sarili ko.

"F-first what are you doing?" nagtataka pang tanong ng totoo kong ina sa akin.

"Stupid!" bulyaw din ni mommy ng mapagtanto niya ang ginagawa ko ngayon.

"I.. I should end my own life, right?" tanong ko kay mommy na ikinatitig niya lang sa akin.

Me and the ViP (BOOKMARK) -Completed-Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin