Beep beep beep.

Nag tuloy tuloy lang si Kelly sa paglalakad. Animoy walang naririnig. Nadagdagan ang inis niya kaya mas binilisan na lang niya ang paglalakad. Kaso sinabayan naman siya ng kotse. Halatang nang iinis din. Siya pa talaga ang target, ha?

Kumalma ka self, lunes ngayon. Hindi pwedeng masira ang araw mo.

Tumigil si Kelly sa paglalakad. Ayaw niyang tuluyan na masira ang araw niya, kaya haharapin niya ang driver ng kotse na kanina pa siya pinagtitripan. Mukhang walang magawa sa buhay at sa dinami dami pa ng tao sa mundo. Siya pa talaga ang napinili nito.

"Manong, lumabas ka riyan!" Galit na sabi niya. Habang maharas na kinakatok ang bintana ng kotse.

Bumukas ang bintana at bumungad sa kanya si Adam. "Did you just call me, manong?" Iritadong sabi ni Adam.

"Oo!" Mabilis pa sa alas kwatro niyang tugon.

Kumunot ang noo ni Adam. "Do I look old?"

"Malapit na!" Tugon niya. Sa loob loob naman ni Kelly natutuwa siya. Makikita kasi sa itsura ni Adam na hindi niya nagustuhan ang sagot ni Kelly. "Teka nga, ano bang trip mo? Kanina ka pa bumubusina, maluwag naman ang daan!" Reklamo niya, nang maalala ang dahilan kung bakit nga ba niya hinarap ang driver ng sasakyan.

"Get in."

Tumaas ang kilay ni Kelly. "At bakit?"

Hindi siya nagawang sagutin ni Adam. Ngunit, nagawa niyang lumabas nang kotse at lumapit sa tabi niya. Pinagbuksan siya ng pinto.

Hindi nga ako pumayag! Tapos pinagbuksan? Nakakaintindi ba siya?

"Hop in... I'll send you to your work." Seryoso na nakatingin si Adam kay Kelly, naghihintay na pumasok siya sa loob.

"Hindi na." Apila naman ni Kelly. Wala naman kasing sapat na dahilan para ihatid niya ang dalaga. "Kaya kong maglakad." Pagdadahilan pa niya.

"I know that, Kelly..." Marahan na sabi ni Adam, tila biglang lumamlam ang kanyang tingin. "But I don't want you to!" Tumaas ang kanyang boses na kaagad din niyang binawi. "So please, don't be stubborn or else you will be late. Hmm?" Nakangiti pang dagdag ni Adam, pero halatang nag aasar ang kanyang dating dahil kita niyang natigilan si Kelly at mukhang wala nang pagpipilian pa.

Talagang napakagaling.

Gumawa pa nang dahilan para hindi talaga siya maka-hindi. Kung hindi lang siya mali-late sa kanyang trabaho. Magma-matigas talaga siya.

Inirapan ni Kelly si Adam bago pumasok sa loob. Ngunit, narinig lang niyang tinawanan siya nito bago pa man niya maisarado ang pinto at umikot pabalik ng driver's seat.

"Seatbelt, please."

Hinanap kaagad ni Kelly ang seatbelt. Sinubukan niyang hilain, kaso hindi talaga niya mahila. "Let me do it." Saad ni Adam, na hindi man lang niya namalayan na malapit na pala sa kanya ang binata. Nahigit ni Kelly ang kanyang hininga ng lumapit ang mukha ni Adam sa kanya, para maabot ang seatbelt sa gilid niya. Grabe ang kanyang pagpipigil. Sobrang lakas at bilis ng tibok nang kanyang puso ngayon. Paano ba naman kasi, iyong distansya nilang dalawa ay ilang pulgada lang. Idagdag pa ang pabango ni Adam na na-a-amoy niya, nagmamayabang ang klase ng pabango nito. Panigurado na ganoon din ang presyo. Isang maling galaw lang niya, panigurado na maha-halikan na niya si Adam. Kaya kahit halos mawalan na siyang hininga, talagang nagpigil siya. Hindi kailanman niya ilalagay sa panganib ang kanyang unang halik.

"Breathe, Kelly..." Bulong sa kanya ni Adam, dahilan kung bakit nag sitaasan ang kanyang balahibo. Humigpit din ang kanyang pagka-kahawak sa suot niyang uniform.

Hindi nakaligtas sa kanyang pandinig ang lihim na pagtawa ng binata sa gilid niya. Sino ba siya sa tingin niya? Para maramdaman niya ang mga ganitong bagay?

Nakakapanibago.

"Thanks." Sarkasmo ang pagkakasabi niya noon. Inayos niya ang pagkakaupo at hindi na muling binalingan pa ang binata. Doon lamang din naging normal ang kanyang paghinga.

"WE'RE here." Anunsyo ni Adam. Kaya naman napabalikwas sa pagkakasandal si Kelly. Sobrang bilis naman yata nilang nakarating na hindi man lang niya namalayan iyon.

"How did you know that I'm working here?" Nagtataka niyang tanong.

"Connections." Tipid na tugon ni Adam.

"O-Okay..." Tinanggal niya ang pagka-kabit ng seatbelt at tumingin kay Adam. "Thanks!" Saad niya.

"I don't accept thank you." Natigil si Kelly sa pagbubukas sana nang pinto nang sabihin iyon ng binata.

Naguguluhan niya itong tinignan. "Ano?"

"A dinner later will do."

Tumango si Kelly. Hindi na siya nagdalawang isip pa. Mamaya na lang din niya iisipin kung paano sasabihin iyon sa magulang niya. "S-Sige."

Dinner lang naman, eh. Wala namang masama sa ideya na 'yon.

"Can I have your number?" Muli ay tanong ni Adam, kaya muling natigilan si Kelly.

"At bakit?" Kumunot ang kanyang noo.

Magdi-dinner lang naman, bakit kailangan pa ng number?

"I need it... for later." Puno ng kumpyansa na sagot ni Adam.

Napaisip pa si Kelly kung ibibigay ba niya o hindi. Pero sa huli, binigay din naman niya ang kanyang numero bago siya nagpaalam sa binata. "Bye..." Pagkaway niya. "Ingat ka sa pagda-drive."

"I will... for you, bye." Tugon ni Adam.

Nag init ang kanyang pisngi. Ang binata naman ay nakangiti, bago pinaharurot ang kanyang sasakyan paalis sa lugar.

Itutuloy...

ACCIDENTALLY GLANCES THE CITY BOYWhere stories live. Discover now