Star-crossed

74 4 5
                                    

Dear Cj,


Kamusta? Siguro masaya ka diyan ngayon sa kung saanman. Gago ka eh. Anong bang tingin mo sa sarili mo? Tingin mo ba lahat ng babae maghahabol sa'yo? Na lahat ng mga babae mahuhulog sa'yo? Gago ka talaga.


Para sabihin ko sa'yo, hindi ako kinilig nang akbayan mo ako nang sumakay tayo sa elevator. Bumilis lang tibok ng puso ko nun. Magkaiba kasi yun. Kasi sabi sa akin ni Kathrina, yung kilig daw mararamdaman mo sa taong gusto mo. Paano ako kikiligin kung hindi naman kita gusto? Pero, bumilis yung tibok ng puso ko, anong tawag dun? Bakit pa ba ako nagdedeny? Susulatan ba kita kung wala akong nararamdaman sa'yo? Okay, sasabihin ko na. Tutal wala ka naman dito. Sigurado

rin akong hindi mo na 'to mababasa. Gwapo ka eh.


Naalala mo ba nung sinabi mong kasingganda ng pangalan ko yung mga bituin sa langit? Binatukan pa nga kita nun eh. Paanong hindi, kung ang ibig sabihin naman talaga ng pangalan ko ay mga bituin? Kung hindi ka lang gwapo siguro lait na lait ka na saakin nung mga panahong yun. Alam mo, yun kasi yung araw na nagsimulang bumilis yung tibok ng puso ko nang dahil sa iyo. Hindi ko rin alam kung paano nangyari. Basta ang alam ko lang gusto na kita nun. Antanga ko nga eh. Of all people, ikaw pa yung nagustuhan ko. Tapos, ng araw na rin na yun, sinabi mong gusto mo ako.


Akala ko ikaw na yung tutupad sa mga hiling ko sa mga tala tuwing gabi. Tanga ko talaga. Inakala kong ikaw na yung taong hindi ako ipagpapalit sa kung sinoman diyan sa tabi. Siguro kung nababasa mo 'to ngayon pinagtatawanan mo ako. I don't care, bitter ako eh. Nagbingi-bingihan ako sa mga taong nagsasabing hindi ka loyal, na hindi ka nakukuntento sa isa. Nagbulag-bulagan ako kahit nakikita ko na yung pagtataksil mo saakin. Hanggang sa nagsawa na ako, ayoko na.


Akala ko, okay lang sa'yo, na hindi ka magdadalawang isip na pumayag sa paghihiwalay natin. Sinabi mo, mahal mo ako at hindi mo na uulitin. Sinabi nila Kathrina na antanga ko kasi naniwala ako sa'yo at masasaktan lang ako kung ipagpapatuloy ko 'yong relasyon natin. Tama nga sila, nasaktan ako ulit.


Kasi nakita kitang may kahalikan na iba sa likod ng university natin. Masokista talaga ako. Wala akong ginawa kundi ang panoorin lang kayong halos kainin na ang isa't isa, nakapikit pa nga kayo eh. Tapos, dumilat ka at nagtama ang paningin natin. Naitulak mo bigla yung babae at tsaka ka tumingin sa akin na parang nagmamakaawa. Para saan pa? Kasi sinaktan mo ulit ako at ayaw mo na namang maghiwalay tayo? Gago ka talaga. Nginitian kita tsaka tumakbo palayo. Feeling ko tuloy ng mga panahon na yun nasa teleserye ako, kasi hinabol mo ako habang sinisigaw yung pangalan ko.


Alam ko naman eh. Alam ko namang hindi ko naibibigay ang lahat ng gusto, pero sobra ka. Sumobra ka na talaga ng araw na 'yun.


Nakalabas na ako ng university tutal wala namang guard na nagbabantay. Walang kwenta, parang ikaw. Tumawid ako agad sa pedestrian wala pa namang sasakyang dumadaan eh. Wala na akong pakialam kung bigla akong mahagip dito, masakit na kasi eh. Pero gago ka talaga eh.


Bakit mo ginawa yun? Bakit ka pa sumunod saakin, alam mo namang tatanga-tanga rin ako minsan? Dapat hinayaan mo na lang akong mabunggo nung truck, para buhay ka pa ngayon. Hindi sana ikaw yung masasagasaan eh. Kung hindi mo lang ako tinulak. Ako sana yung wala na eh. Tuloy, sinusulatan kita ngayon. Bumabalik tuloy yung mga pangyayari sa isip ko. Sabi pa naman ni Mama huwag daw ako masyadong mag-isip. Paanong hindi kung sa bawat pagtawid ko sa kalsada, ikaw yung naaalala ko?


Gago ka talaga, Cj.


Love, Stella

P.S. Susunod na ako sa'yo.

Love me NotWhere stories live. Discover now